Chapter 31: Shadow Control

10K 596 79
                                    

Sophia's POV

It's been a year, yet I am still here. Wala ako ibang ginawa kundi sanayin ang tamang pagkontrol ko sa kapangyarihan ko. Natutunan ko paunti-unti ang pagpapalabas ng shadow soldiers ng sabay-sabay. Noong una kasi tumatagal lang ako ng sampung minuto tapos nanghihina na agad ako. Maximum sa bente lang ang kaya kong kontrolin dati. Ngayon, nakakaya ko ng tawagin silang lahat. Tumatagal na rin sa kalahating araw ang pagpapanatili ko sa stable form nila.

I also started learning to use a whip as my other weapon. Para kapag naharap ako sa sitwasyong wala akong espada, I can just form my shadow mana into this thing. This whip can be stretched out to the maximum limit of one hundred fifty meters, pero depende pa rin sa tamang pagkontrol ko sa mana. If I want it to be sturdy, I need to learn the perfect control. Hindi rin dapat ako madaling mataranta dahil nakakaapekto ito sa battle performance ko.

Hinampas ko sa sahig ang latigong hawak ko, then I focused my aim on the target doll that standing eighty meters away from me. Bumwelo muna ako bago ito inatake. I am aiming at its head pero tumama sa bandang dibdib. It is indeed difficult to control this whip kapag ganiyan kalayo.

"Where are your shadows?" tanong ni Klein habang may kinakain na meryenda.

Nakahilata lang siyang nanonood sa akin. Sa buong taon na nagsasanay ako, wala siyang ibang ginawa kundi humiga ng ganiyan! Nagbibigay siya lagi ng advice, pero hinahayaan niya akong matuto mag-isa.

"Hindi ko muna sila inilabas. Naka-focus ako sa paggamit nito," sagot ko bago inangat ang gawa kong latigo ... para makita niya.

"Isa pa lang ang General na hawak mo! Mag-focus ka sa pag level up ng shadow soldiers!"

I frowned. "Bihira na nga lang ako makapag-training ng sarili ko."

"Feeling mo kaya mo mag-isa lumaban? At saka mo ako yabangan kapag kumpleto na powers mo," sarkastiko niyang sabi.

Talagang grabe siya mang-okray sa 'kin ngayon! Parang kailan lang noong may payuko-yuko pa siya sa harap ko.

"Mga lalaki talaga, lumalabas tunay na ugali kapag kasama mo na ng matagal."

Hindi siya sumagot pabalik, hindi yata ako narinig o baka nagbibingi-bingihan lang.

Nang tinawag ko ang shadow soldiers, nagsilabasan silang lahat ng magkakahilera. Ang dating one thousand five hundred soldiers naging five hundred na lang. Pinaglaban-laban ko kasi sila sa isa't-isa nitong nakaraang taon. Ang matatalo ay magfu-fusion sa mananalo. Nanatili ako sa ganoong sistema para lumevel-up sila. Kaya ang mga dating nasa elite soldier rank ... puro naging mga knight elite rank na. Kapantay na nila ng lakas ang elite royal knights ng palasyo.

"Zero Two, ikaw na bahalang mag-asikaso sa kanila."

"Yes, Master."

Si Zero Two naman ang nag-iisang General rank na hawak ko sa ngayon. Kung dati ay kasing laki niya lang ang isang bata, ngayon ay mas matangkad na siya sa akin. Nakakapagsalita na rin siya gamit ang sariling bibig. Napag-alaman kong nagta-transform sila sa tuwing lumi-level up sila. Highest level nila ay Grand Marshal Knight, kung saan magmumukha na ulit silang buhay na tao.

Naupo ako sa tabi ni Klein. Walang paalam akong kumuha sa pagkain niya. Sandali niya akong sinamaan ng tingin, inirapan ko lang siya.

"Tss ... ." May kinuha siyang dyaryo sa loob ng space wallet niya bago ibigay sa 'kin.

"Kakaiba rin 'yang wallet mo eh 'no?" komento ko.

"Bakit na naman?"

"Lahat ba ng mga kailangan mo nandiyan?"

He smirked like a fool. "Of course. Even my highest grade inventions, were always here with me," pagmamayabang niya habang hinahampas ang space wallet niya. Tuwing ganiyan siya, 'yong butas ng ilong niya lumalaki.

"Elf version ka pala ni Doraemon," walang gana kong sabi bago tingnan ang headlines ng newspaper.

"Sino 'yon?"

Hindi ko siya nasagot dahil naka-focus ako sa binabasa kong balita. "Heh ... napaaga yata?"

"Young Lady Beatrice from the house of Philip. Officially appointed as the Crown Princess!" iyan ang bumungad sa akin.

Walang karagdagang detalye kung kailan nila balak ipagdiwang ang engagement party. Siguro kapag natapos ang digmaan nila sa kaharian ng Diamante.

"Isang linggo na ang nakalipas ng paglalakbay nila patungo sa Diamante. Kailan ka susunod?" tanong ni Klein.

"Mamayang gabi."

"Agad-agad?"

"Okay ka lang? Alangan tumambay pa ako rito."

"Hindi pa nila napapasok 'yong mismong bansa!"

"Tapos?"

He looked at me with disbelief. "Magpapakamatay ka?"

"Tss! Kunwari ka pa. Gustong-gusto mo na nga kong umalis eh."

"Kailan ko sinabi?" patay malisya niyang sabi.

"Kanina lang! Tinanong mo ako kung kailan ako susunod 'di ba?"

"Eh? Nagtatanong lang ako, hindi ibig sabihin niyan pinapaalis na kita!"

I pouted then looked in a different direction. "Ganoon na rin 'yon."

"Mga babae talaga, kakaiba 'yong translation. Nag-iiba sa pandinig niyo 'yong sinasabi namin," sabi niya bago nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.

"Ano ulit?"

Madaling lumingon si Klein nang marinig ang boses ni Mileya sa likuran niya. Naratanta siya at napayuko. Para siyang maamong tupa sa harap ng asawa niya.

Malawak akong napangisi. Mahigit isang buwan noon bago ko nalaman na mag-asawa pala sila. Kung kumilos kasi sila sa harap ko, parang servant and boss relationship lang ang namamagitan sa kanila.

"W-wala! Hehe! Bakit ka naparito?" he asked her in awkward tone.

"May pupuntahan ako, Lord Klein," she said with a straight face.

"Manlalalake ka?" mangiyak-ngiyak niyang tanong.

"Eh?" Natawa ako ng malakas. Sa kanilang dalawa, siya talaga ang kilos babae!

Pinitik ni Mileya ang noo ni Klein, bago ito halikan. Namula naman ng parang kamatis ang mukha ni lover boy.

"Sasamahan ko si Lady Sophia."

He sniffed. "I see."

Gulat ko siyang nilingon. Wala akong ideya tungkol sa desisyon niyang iyan. "What? Are you sure?"

Tumango si Mileya bilang pagsang-ayon. Madali namang yumakap sa bewang niya si Klein bago ako hinarap.

Sumama ang timpla ko habang pinagmamasdan sila. Alam niyang ayokong nakakakita ng nagmamahalan sa harap ko. Single ako ... since birth. Feel ko, nawalan ng buhay ang mukha ko. It hurts to admit the truth.

"Don't worry about it, Mileya is stronger than you."

I glared intently at him. "Lubus-lubusin mo na pang-aasar mo! Ito na huling araw na makikita mo ang ganda ko!"

"What are you babbling about? Leave it."

Tiningnan ko si Mileya para humingi ng permiso. "Can I beat him up?"

Mileya sighed before nodded her head. "'Yong madadala siya."

Binuo ko ang shadow whip ko ... namutla si Klein saka mabilis na tumakbo palayo sa amin. Napakadali niyang mawala sa paningin ko. Pagdating sa takbuhan, wala talagang makakatalo sa kaniya.

I chuckled. "Sino ang hahabol sa kaniya?"

"Lady Sophia ... ."

"I will prepare my things first."

"Let me assist you, milady."

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon