Chapter 80: Her Day

6.2K 432 43
                                    

Sophia's POV

Matalas makiramdam si Killian kung may ibang presensya ang malapit sa lokasyon niya. Ngunit sa pagkakataong ito … tila ba ay wala siyang pakialam sa paligid. May sarili silang mundo na nililikha na para lamang sa kanilang dalawa.

Niyukom ko ang pareho kong kamao at napakagat ng madiin sa ibabang labi. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kuryusidad. Idagdag pa ang unti-unting pag-init ng ulo ko at pagkulo ng dugo sa tuwing naririnig ko ang kanilang hagikhikan.

Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan. Nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Dinadaan ko na lang talaga sa inis itong nararamdaman ko ngayon.

While staring at them intently, I sharpened my sense of hearing to learn what their conversation is about.

"Hindi ko alam no'n kung saan ako magsisimula...buti na lang ay tinulungan mo ko't nanatili ka sa tabi ko," kamot sa batok na turan ni Killian.

Mahinhing natawa si Beatrice. "Siguro naman, bayad na ako. Hindi mo na ako sisingilin sa pagligtas mo sa 'kin," pabiro niyang sabi.

Madali kong in-undo ang activation ng aking kapangyarihan. Ayaw ko ng ipagpatuloy alamin ang kanilang pinag-uusapan. Sapat na sa 'kin ang mga narinig ko...bilang suporta sa hinalang magkasama sila sa mga araw na wala siyang paramdam sa 'kin.

"Ano na ang balak mo niyan?" Lorena asked.

"Hahayaan ko na siya, kung 'yan ang nais niya. Wala naman akong magagawa kung si Beatrice ang kaniyang pipiliin..."

"Ha? Sigurado ka—"

I clenched my jaw. "...Is that what he thought I would say?"

"What? Wait, Lady Sophia!"

Hindi ko pinansin ang tawag ni Lorena. Bumwelo ako ng takbo patungo sa kanilang kinaroroonan. Naagaw ko ang atensyon ni Killian, hindi ko pa man ginagawa ang binabalak ko.

"Sophia—argh!"

I gave him a blow on his stomach, causing him to wince in pain. Napaupo si Killian sa sahig habang nakahawak sa parte kung saan ko siya sinipa. Hindi maipinta ang itsura niya. Mukhang hindi ko nga nakontrol ang sarili ko, naibuhos ko sa kaniya ang naipon kong sama ng loob.

"Oh my gosh!" gulat na reaksyon ni Beatrice. Namilog ang mga mata niya habang takip ang bibig gamit ang sariling palad.

I glared at her, she flinched. She shortly bowed her head to avoid my gaze. "I am pleased to meet you, the lovely flower of the Asterin Empire, Princess Sophia."

Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya para harapin ang lalaki na 'to. Sinuklay ko ng pataas ang aking buhok gamit ang mga daliri. Huminga muna ako ng malalim bago nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.

"When you said you'll make me miserable … is this what you meant?" I said, without looking at him. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata dahil feeling ko … mabi-break down ako.

Ayaw kong magmukhang kawawa sa harapan nila. Kung ito na ang maging katapusan ng koneksyon naming dalawa, then so be it.

"Lakas mo pa no'n mag-react. Dismayado ka dahil ang naging tingin ko sa 'yo … character lang ng isang kwento. Tapos ngayon … sa huli, gugustuhin mo rin pala ang bida!" nagtitimpi kong singhal sa kaniya habang nakaturo sa direksyon ni Beatrice.

"Pft—hahahahaha!"

Naging salubong ang kilay ko sa kaniyang reaksyon. Inangat ko ang mukha ko para makita siya ng maayos. Nakalapat ang likod niya sa damuhan habang tumatawa ng parang wala ng bukas. Namumula ang buo niyang mukha hanggang sa leeg. Maluha-luha rin ito't napapahampas pa sa lupa.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon