Chapter 79: Exit?

5.3K 331 11
                                    

Sophia's POV

I am currently hanging around here in His Majesty's main office, watching them struggling with their businesses while sipping my cup of tea. Ang mga vassal at iba pang opisyal ay hindi magkandaugaga sa dami ng kanilang ginagawa. Bukod sa pagmo-monitor ng resulta sa pagsasagawa ng mga nasirang istruktura sa Asterin—dulot ng nakaraang kaguluhan—inaasikaso rin nila ang mga hinaing at pangangailangan ng mamamayan.

"Your Majesty, here is the final report prepared by the Finance department. These are the documents that indicate the estimated budget for rebuilding the middle-class area," bungad ni Trisha. She is now working as a secretary of Emperor White.

To my surprise, I didn't know she was capable of fulfilling that job. Hindi ko akalaing may knowledge siya sa ganiyang posisyon. Wala rin kasi sa nakuha kong background information niya ang tungkol sa bagay na 'yan kaya wala akong ideya.

Kasalukuyang hindi maipinta ang mukha ng emperor. Nagpakawala muna siya ng mabigat na buntong hininga bago inangat ang palad upang tanggapin ang mga papeles. "Give that to me."

Medyo hindi okay ang complexion nito, namumutla at may namuong eyebag sa ilalim ng mga mata niya. Halatang pagod ito at kulang siya sa tulog. Simula nang maupo siya bilang bagong pinuno ng kontinente, hindi na ito nagkaroon ng maayos na pahinga, dahil sa dami ng tinatrabaho.

Okupado naman si Francisco sa pag-aasikaso ng mansyon. Siya ngayon ay isa nang ganap na duke. Noong pinasa ang trono sa ama niya, siya ay pinahintulutan ng dating emperor na maging bagong head sa White Dukedom.

"Your Majesty, King William relayed a message for you," said Leo. From being a Knight Marshal of The Black Dragons, he now became the Grand Cross of Imperial Knights, also the appointed and trusted Knight of His Majesty.

He frowned. "What is it this time?"

"Nakarating na raw po sila sa Staves, at kasalukuyang ini-enjoy ang kanilang pahinga roon."

Marahil sa gigil na naramdaman, nabali ni Emperor White ang hawak na quill. "Ako sana ang nagsasaya ngayon sa bakasyon kung hindi lang niya pinasa sa akin ang trono!"

Ang mga nakarinig ay hindi napigilang mapailing sa lintanya niya. Ilang araw na kasi nito naging bukambibig ang salitang pahinga at bakasyon.

In my viewpoint, naiintindihan ko ang reaksyon niya. Matagal ng plano ni Emperor White ang mag-early retire para paglaanan naman ng panahon ang sarili. Nais niyang gawin ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa, at tumanda sa lugar na sariwa ang hangin. Pangarap niyang magkaroon ng pahinga sa lahat ng stress.

Ang lahat ng 'yan ay hindi na natupad dahil sa surpresa ng dating emperor. Hindi naman niya pwedeng tanggihan ang isang royal decree dahil labag sa batas 'yon. Kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin na lang ang naging kapalaran niya, labag man sa kalooban.

Ang mga William ay piniling manatili sa palasyo ng Staves bilang bagong lider ng bansa. Tungkol naman kay Lawrence … kasalukuyan itong nasa pangangalaga ng templo. Hangga't hindi pa siya nagkakamalay at nasisigurong nasa sariling katinuan na, doon muna siya pansamantalang mamamalagi.

"Lady Sophia, someone wishes to see you," said Melrose who just came in.

Nilapag ko sa ibabaw ng lamesa ang tasa na hawak ko, bago siya nilingon. "Sino?"

Yumuko siya saka inilapit ang mukha sa tenga ko. "Her name is Lorena," she whispered.

Madali akong napatayo mula sa aking pagkakaupo. Hindi sinasadyang masagi ko ang lamesa dahilan para matapon ang natirang tsaa na laman ng tasa ko. Naagaw ko tuloy ang atensyon ng mga tao rito sa loob. May lumapit naman kaagad na maid para linisin iyon.

"Guide me to where she is."

"As you wish, milady."

Umuna sa paglalakad si Melrose para gabayan ako sa destinasyon ng aming pupuntahan. Sa daang tinatahak pa lang namin, mukhang patungo kami sa likod ng palasyo. Sa lugar kung saan ginanap ang pagmasid ko kina Killian at Beatrice, noong nakaraang taon sa mismong kalagitnaan ng kaarawan ni Prinsipe Lawrence.

Sa dinami-dami ng lokasyon, bakit doon pa pinili ni Lorena ang aming magiging tagpuan? Siguro coincidence lang... Ay ewan! Ang importante, malaman ko kung nasaan si Killian.

Kahit ang shadows ko ay hindi siya ma-locate kaya inasa ko na lang sa grupong Nukpana ang paghahanap. Ano bang malay ko na baka sa ibang bansa pala nagtatago ang lalaking 'yon.

"Stay here, Melrose."

"I will, milady."

Hindi na ako nag-abala na tingnan pa siya. Tinuloy-tuloy ko ang hakbang palapit sa kinatatayuan ni Lorena. Mukha siyang tunay na noble lady sa kaniyang ayos. Nakasuot ito ng mamahaling gown, gawa ng isa sa mga sikat na designer dito sa bansa. Marahil sinadya niyang magmukhang ganiyan upang hindi mabuo ang hinala ng mga kabalyero tungkol sa pagkakakilanlan nito.

"Long time no see, Lorena."

Humarap siya saka ngumiti. "I am pleased to meet you, Dark Priestess."

"No need for formalities. Nawang-nawa na ako sa ganiyan," I said, sighing, "Kumusta ang Nukpana?"

Hindi isinapubliko ang koneksyon ni Emperor White sa Nukpana, maging ang mabuting layunin ng grupo, para hindi mabigyan ng rason ang mga kalaban na pabagsakin siya.

"We're all doing well these days. Simula nang maging Emperor ang leader, nakaramdam na ng panatag ang bawat miyembro."

Sinabayan ko siya sa paglalakad kahit hindi ako sigurado kung saan niya ako dadalhin. Ngayon lang ulit kami nagkita kaya nakakaramdam ako ng hiya na idiretsa siya ng tanong para lang alamin ang kalagayan ni Killian. Ano kaya ang topic na pwede ko simulan?

Now that I think about it... "How's the progress of your investigation? Any leads?" I am referring to those who might be connected with King Diamante in committing horrible crimes.

Nukpana's mission is to identify who were the higher-ups behind those on the list. Imbes na ibigay sa Intelligence Corps, sa kanila ipinagkatiwala ng emperor ang record book. He came up with that decision because he smelled there are traitors working inside the palace.

"Just like what he speculates, some disgusting pests are lurking around him. Kabilang na roon ang isa sa vassal ng dating emperor, pati ang fallen Duke ng mga Montero."

"From the very moment I encountered Duke Montero's daughter … I suspect—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang sumagi sa aking paningin ang hindi katuwa-tuwang senaryo.

A cool breeze of wind brushes softly against my skin. The background of him suddenly became blurry as my attention focused on his face. There he is, in the middle of the royal garden, smiling like an idiot while having a conversation with Beatrice.

Ano ba ang pinag-uusapan nilang dalawa para magkaroon sila ng ganiyang ekspresyon? Paano siya nakangingiti sa kabila ng kaalamang hindi niya pagpaparamdam sa 'kin nitong mga nakaraang araw?

"Oops, It's not my intention to bring you here just to catch sight of them being together," depensa ni Lorena sa sarili habang pinagmamasdan din ang direksyon nilang dalawa.

"I know you don't," sagot ko pabalik ng hindi siya tinitingnan.

Nanatili akong tahimik sa aking kinatatayuan habang sila ay ino-obserbahan. Katulad nga ng nasa kwento, may kakayahan si Beatrice na tanggalin ang sumpa ko kay Killian. She received a gift from a goddess, a divine power that can revoke any curse magic, whether it is ancient or not. Wala man siyang ideya tungkol sa natutulog niyang kapangyarihan, aksidente niya dapat itong matutuklasan dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang pagkakataong 'yon ang nagresulta para hirangin siyang High Priestess ng Holy Temple.

Now that the protagonist is back in her original self … exit na ba ako? Na-realize na ba ni Killian ang damdamin niya para kay Beatrice?

As I watch him being happy with someone else... "It's annoying," I mumbled unknowingly.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon