Chapter 78: Era Of White

5.2K 361 25
                                    

Sophia's POV

Tahimik sana ang buhay ko ngayon kung hindi lang ikinalat ni Felixander sa buong sambayanan ang tungkol sa naging buhay ko bilang Eliz Sofie.

"High Priestess! Pakinggan mo ang aming hiling! Ikaw po ang nararapat na mamuno sa Holy Temple!"

Hindi ko mapigilang sumimangot sa mga naririnig ko. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at hinilot ang aking sintido.

"Pakinggan mo ang aming hiling!" sabay-sabay nilang sigaw.

Simula ng tanggapin at kilalanin akong muli ng mga tao bilang deity ng bansang ito. Walang araw na hindi nila ako dinumog dito sa mansyon.

Gusto nila ako ang mamuno sa templo tapos doon ko ilaan ang buong buhay ko? No way!

"Priestess Sophia, pakinggan mo ang hiling ng iyong mga anak!"

Kunot noo kong nilingon ang direksyon ng pintuan. Anong mga anak? Argh! Nakaka-stress na talaga silang lahat! Oras na para pabalikin sila sa pinanggalingan nila.

"Zero One," I called her out.

"Yes, Master?" She appeared together with the other mages.

"You know what to do."

"Yes, Master."

Nagpakawala ako ng massive amount of light magic para suportahan ang shadow mages sa pag-teleport ng mga priest pabalik ng templo.

Naku! Hanggang kailan ko pa ba ito paulit-ulit na gagawin?

Nang maging tahimik ang paligid, saka lang ako nakaramdam ng kapayapaan.

Kinaway ko ang aking kanang kamay para senyasan ang mga mage na maaari na silang bumalik sa anino ko. Sabay-sabay naman silang nagyukuan bago sundin ang utos ko.

"Pft—Hahahahaha! Mga anak mo raw sila? Ang dami ah! Hahahahaha!" parang baliw na tawa ni Klein. Hawak niya ang tiyan habang humahampas-hampas pa sa bakanteng espasyo ng inuupuan niyang sofa.

I glared at him. "Pwede bang manahimik ka?" sabi ko. "Tandaan mong may atraso ka pa sa akin. Wala kang karapatan na magsaya riyan."

Gamit ang daliri ay pinunasan niya ang luhang namuo sa sulok ng mga mata niya. Tumikhim ito saka pinilit ang sariling mapigilan ang pagpapatuloy sa pagtawa.

"Huwag mong ibuntong sa 'kin ang pagka-bitter mo," wika niya.

"Eh bakit kailangan mo pa kasi no'n magpanggap na babae? Pwede ka naman maging Secretary ng hindi 'yon ginagawa!"

"Syempre … alam kong nakamasid ka. Ikaw pa, kilalang-kilala na kita. Kahit nabura man dati ang ala-ala mo sa nakaraan, wala naman masyadong nagbago sa ugali mo."

"Ah... So, trip mo lang talaga akong pikunin?" Inangat ko ang kanang palad ko upang ipakita ang itim na usok. Bilang banta na rin sa kaniyang mag-ingat siya sa bibitawan na salita.

"Ginawa ko 'yon para magising ka! Masyado mo kasing tini-take for granted ang feelings ni Killian."

"Nasasabi mo 'yan kasi wala ka no'n sa posisyon ko! Argh! Pwede ba gumawa ka ng paraan para magkaayos kami?"

"Bakit ako? Sino ba sa ating dalawa ang nag-inarte?" He cross his arms and shakes his head. "Hindi ka lang nakatanggap ng contact, nagiging miserable ka na."

"Kung wala kang maitutulong at kung ayaw mong tahiin ko ng sinulid 'yang bibig mo, manahimik ka na lang!"

Padabog akong tumayo sabay hinagis sa sofa ang unan na hawak ko. Walang lingon ko siyang iniwan sa sala para tahakin ang daan patungo sa opisina ng Duke White. Naabutan ko itong nakaharap sa salamin upang suriin ang sariling kabuuan.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon