Chapter 61: Holy Temple

5.9K 413 63
                                    

Sophia's POV

I am wearing a white long gown with a white cloak over my shoulders. Mileya fixed my hair, nakalugay lang ito habang nakakulot ang dulo. I didn't wear any makeup because it is required that I look simple and natural.

"A carriage sent by Holy Temple has arrived, milady," paalala sa 'kin ng head butler.

Today is the day that I've been waiting for. Naglakad kami ni Mileya patungo sa kinaroroonan ng nasabing karwahe. Ang kulay nito ay nakapintura ng puti maging ang gulong at tali na kumukonekta sa dalawang puting kabayo. Sa bubong naman ay may nakapalibot na mga puting rosas.

"Sophia, I will wait for you at the temple," paalam ni Klein habang nakasakay sa itim na kabayo.

"Hiwalay ang sasakyan nating karwahe, Lady Sophia. Nakasunod lamang iyon sa likuran ninyo," sabi ni Mileya habang nakaturo sa direksyon ng karwaheng tinutukoy nito.

"Okay, see you later." Tinalikuran ko sila para humarap sa pintuan.

Inalalayan ako ng head butler sa pag-akyat papasok sa loob. Naupo ako sa malambot na upuan, komportable ito at hindi rin masakit sa likuran.

Nagsimula ng umandar ang aking sasakyan patungo sa lugar ng seremonya. Hindi iyon gaano kalayo sa Imperial Palace kaya ilang minuto lang ay narating na namin ang patutunguhan. Ipinagbuksan ako ng pinto ng isang apprentice priest, inalok nito ang kaniyang palad para alalayan ako sa pagbaba ng karwahe. Tinanggap ko naman 'yon saka kinapitan ang harapang laylayan ng aking gown para hindi ko ito matapakan.

Sinuri ko ang paligid, may iilang holographic screen ang nasa ere para masaksihan ng mga manonood ang magaganap na seremonya. Maraming mamamayan ng Asterin ang nag-ipon dito sa labas ng templo, karamihan sa kanila ay mga ordinaryong tao.

Ang mga mayayaman at kilalang noble ay nakapwesto sa mataas na lugar, kabilang na roon ang royal family. Nahinto ang paningin ko sa direksyon ni Duke White, katabi nito ang Emperor William. Tinanguan niya lang ako, senyales na napansin nito ang atensyon ko.

"Here, Lady Sophia." Inabot sa 'kin ng priestess ang isang kumpol ng puting rosas. Napangiwi ako dahil napagtanto ko na mukha akong ikakasal, idagdag pa na nakaabang sa dulo ng aisle si Lawrence. He is wearing overall white attire.

Napalingon ako sa priestess nang nagbigay senyales ito na simulan ko na ang paglalakad. "Okay," I said.

I step forward on the red carpet, sinalubong ko ng tingin ang Prinsipe habang papalapit ako sa kaniyang direksyon.

"Aaah!" Napahiyaw ang mga tao dahil sa gulat. Marami ang nagtaka dahil tirik naman ang araw pero nakarinig sila ng malakas na kulog sa kalangitan.

I felt chills and my heart starts to beat faster. Nahinto ako sa aking kinatatayuan saka pasimpleng nilibot ang paningin para hanapin siya.

"Eh?" Natigilan ako nang matanaw ko ito sa paanan ng Prinsipe. Nakasilip ang matabang itim na pusa habang masama ang titig nito sa 'kin.

Sabi ko na nga ba't hindi niya ako matitiis ng matagal.

Abot tenga ang aking ngiti saka ipinagpatuloy ang paglalakad habang nasa kaniya lang ang tutok ng mga mata ko. I could notice his eyes becomes dilated as he staring at me. Lumambot rin ang ekspresyon nito, hindi tulad kanina.

Si Klein na nakatayo malapit sa Prinsipe, kunot-noo nitong sinundan ng tingin ang pinagmamasdan ko. Namilog ang mga mata niya nang makita si Killian. Luminga-linga siya sa paligid para siguruhin na walang makasasaksi sa gagawin niya.

"Eh?" Napaawang ang bibig ko nang masaksihan ang pagkapit niya sa buntot ng pusa upang iangat ito sa ere.

Naistatwa si Killian sa ginawa nito, huli na nang mapagtanto niya ang binabalak ni Klein. Hindi na siya nakapalag no'ng hinagis siya nito papasok sa templo. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na natanaw kung gaano kalayo ang narating nito sa loob.

Napansin ni Lawrence ang reaksyon sa mukha ko kaya inalam niya kung ano ang dahilan ng mabagal kong hakbang. Nilingon niya ang likuran … nagkibit-balikat siya noong wala naman siyang nasaksihan na kakaiba.

"Your Highness," tawag ko rito upang makuha ang kaniyang atensyon.

Napangiti siya saka inalok sa akin ang braso niya. "Let's go?"

I cling my hand to his forearm then start our way to the location of Cup of Life. Nasa unahan namin ang isang pari para gabayan kami sa pagpunta roon.

"Lawrence William, Sophia D. Ark, will you accept these candles, to light the torch as a sign of your respect to the Gods and Goddesses?" he asked us after we reached our destination.

"I will," sabay naming tugon ng Prinsipe saka tinanggap ang puting kandila.

"May the Lord bless you," sabi nito saka kami pinagbuksan ng pintuan.

Sabay naming pinasok ang loob. Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang tunog ng pagsara sa pinto.

I scanned the area. The room was rectangular with the long, central portion of the hall made up of the nave. The interior reached its fullest height. Malawak ang paligid, mula sa aming kinatatayuan, natatanaw ko sa dulo ang altar kung saan naroroon ang Cup of Life. Katulad ng mga naunang artifact na nakuha ko, nararamdaman ko rin ang enerhiyang humahatak sa 'kin palapit dito.

"We've been waiting for you, master," tawag nito sa 'king isipan. "Come here..."

Nabitawan ko ang hawak kong bulaklak at kandila. Wala sa sariling hinakbang ko ang aking mga paa upang lumapit sa kinaroroonan nito. Kakaiba ang isang ito dahil hindi ko makontrol ang aking sarili.

"Lady Sophia? What's wrong?" Narinig kong tawag ni Lawrence.

Sh*t! I need someone to stop my pace! This is bad, there are some recording magical devices around the area. Nakatutok ang mga ito sa 'kin, everyone outside the temple could witness the happenings right now. Hindi ako sigurado kung narito na ba si Killian. I hope he will notice my current condition.

Kaharap ko na ang artifact, unti-unting umangat ang kamay ko para kunin ito.

"Hey? It is a sacred treasure of the Holy Temple. You shouldn't touch that," he said.

Naramdaman ko ang pagkapit ni Lawrence sa braso ko para pigilan ako. "Are you okay, Soph—ah!" Tumalsik ito palayo sa akin nang umatake sa katawan niya ang shadow whip na kusang lumabas sa palad ko.

Hindi naman tumama ang likuran nito sa pinto dahil madali niyang naiwasan na mangyari 'yon. Namilog ang mga mata niya at kunot ang noo nitong nakatitig sa 'kin.

Habang nakatanaw ako sa kinaroroonan niya, inabot ng aking kaliwang kamay ang artifact. Naramdaman ko ang init na dumadaloy mula rito papasok sa katawan ko. Nakakasurpresa na hindi sumasakit ang dibdib ko 'di tulad ng dati.

Napansin ko ang unti-unting pagbabago ng aking kasuotan. Ang dating puti ay naging black tulle gown. It is full of fresh touches like illusion tank straps, and a soft tiered skirt. There is a silver metal mask that covers half of my face, from my eyes to the tip of my nose. Ang sakop ng aking paningin ay lumawak, nagagawa kong makita ng malinaw ang nasa likod ng mga pader.

Nang may kontrol na muli ako sa aking sarili, inangat ko ang aking paningin upang tanawin ang recording magical device. Tinutok ko ang palad ko roon saka kinuyom ang aking kamao para ito ay sirain. Hindi lang ito kundi maging ang iba ay nagsipag bagsakan sa sahig.

The mana inside of those is mine now.

"Hulihin ang Dark Priestess!" Narinig kong sigaw mula sa labas.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon