Chapter 64: Glimpse of Past

5.5K 400 33
                                    

Sophia's POV

Nakatalikod ito sa aking direksyon. "You're here to get this?" Inangat nito ang kamay na may hawak na gintong dagger.

Sandali ko 'yon pinaki ramdaman. Doon nga nagmumula ang enerhiya na katulad sa kapangyarihan ko. "Yes," I replied. "Why are you here, Felixander?"

Naglakad ito palapit saka inabot sa 'kin ang bagay na kailangan ko. "I expected you would find this place, but not so soon," he said. "That thing was obtained by our Father from his last war."

He is referring to a war that Duke White contributed to, last year. It was when Elizabeth committed suicide, and I awoke using her body.

"Did the Emperor chose this place to secure this thing?" tanong ko rito habang sinusuri ang dagger.

He nodded. "Yes."

I sense similar energy but this artifact isn't the same as the ones I've got. Walang parte ng kapangyarihan ko ang naka-seal dito. Kung ganoon, ano ang koneksyon nito sa 'kin?

"Paano mo nalaman na dito 'to nakatago?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Felixander crossed his arms, arch his eyebrow, then tapped his foot on the ground. "Stop looking at me like that. Father begged me to assist you with your matters. You should be grateful for my efforts, shouldn't you?"

I didn't answer him back. Hindi ko na kailangan pang alamin ang buong detalye. Felixander has his own ways on fulfilling his task.

"Ito na ba ang nakuha mo sa Cup of Life?" He grabbed the dragon to examine it.

"Bitawan mo 'ko!" reklamo ni Zero saka kinagat ang daliri nito.

Walang reaksyon si Felix, parang hindi ito nasasaktan. "Ano namang espesyal sa tuko na 'to?" Sinubukan niyang alisin ang kapit ng panga ng dragon, sa pamamagitan ng pagwagayway ng kamay niya.

"Hindi ako tuko!"

I rolled my eyes at him. "Malabo lang ang mata mo pero hindi ka bulag," I said. "Zero is an ancient dragon."

"She's right! So don't you dare look down on me," sabi ni Zero saka lumipad palapit sa 'kin.

Lumipat ang atensyon ko sa tatlong bangkay na nakakalat sa sahig. Naliligo ang mga ito sa sarili nilang dugo. Sa suot pa lang nila, batid kong hindi sila kabilang sa Royal Guards o kahit sa Imperial Knights. They are all wearing overall black, and belts with short range weapons around their waist.

"Emperor William employed assassins to guard this place?" pang-iiba ko ng usapan.

"Yes, he did."

Sunod kong pinasadahan ng tingin ang paligid. There is a single-size bed in the left corner, a table near it, and a few books that are placed on the bookshelf.

"Don't tell me … buking na ang sikreto mo?" tanong nito matapos akong suriin mula ulo hanggang paa.

"You're right."

"Paano ka nakatakas sa Holy Temple?"

"Prince Lawrence gave me an eternal scroll, it was fixed in this location."

"Really? Nakasusurpresang malaman ang pagtulong niya sa 'yo."

"Pareho lang tayo ng nararamdaman," sabi ko. "Nga pala, bago ako tuluyang ma-teleport dito, nakita ko si Lorena. Mukhang sumugod doon ang Nukpana para pigilan ang mga knight sa paghuli sa 'kin."

Namilog ang kaniyang mga mata sa narinig. "What did you just say? We didn't receive any notice from them to proceed with that plan!"

"I also don't have any idea about it. Maybe it was Klein's doing, for safety measures."

"D*mn that elf!" he said. "Maiwan na muna kita, aalamin ko ang kalagayan nila ngayon." He walked out.

"He looks like Felixandreo," komento ni Zero.

Ang tinutukoy nitong si Felixandreo ay ang ninuno ng pamilyang White, at kaibigan ni Eliz Sofie.

"It is understandable. Felixander is a descendant of him," I said. "Zero, take care of those." Tinuro ko ang kinaroroonan ng mga bangkay.

He smirked then breathed out a blue flame. "Leave it to me, master."

Lumipad siya palapit sa mga ito. Bawat isa ay binugahan niya ng apoy para sunugin at gawing abo ang kanilang katawan.

"Ah!" Napakapit ako sa ulo ko nang kumirot ito. Mariin akong napapikit habang pinapanood ang mga imahe na pumapasok sa utak ko.

NAKITA ko na lang ang sarili na nasa isang pangyayari mula sa nakaraan.

"Master! The kid successfully infiltrates the magic tower!" bungad na balita ng isang lalaki nang makapasok dito sa silid.

Sa tingin ko, siya si Felixandreo White. Totoo nga't malaki ang pagkakahawig niya kay Felixander. Ang pinagkaiba lamang ng dalawa ay maiksi ang buhok ng taong 'to.

Pinagmasdan ko ang babaeng nakatalikod sa direksyon namin. Kasalukuyan itong nakatanaw sa labas ng bintana.

"Just let him do what he desires," she said.

Hindi ko man makita ang itsura niya, nakikilala ko pa rin kung sino ito. Ang pananamit niya ay parehong-pareho sa larawang nakita ko sa silid na matatagpuan sa ilalim ng teritoryo ng White.

"Eliz…" bulong ko sa aking sarili.

Nagitla ako nang lumingon siya sa direksyon ko. Nakatakip man ng gintong maskara ang mga mata niya, batid kong nakatutok iyon sa 'kin.

"Bang!" tunog ng pabalibag na pagbukas ng pinto.

Nilingon ko ang aking likuran upang alamin kung sino ang bagong dating.

His physical appearance is a bit different from the man I know. This one looks like in his current teenage years. "Killian?" salita na kusang lumabas sa bibig ko.

Dinaanan lamang ako nito. Doon ko napagtanto na hindi nila ako nakikita. Marahil napagkamalan ko lamang si Eliz na nakatingin sa akin dahil nasa direksyon ko ang pintuan.

Napayukom ng kamao si Felixandreo saka nagdilim ang ekspresyon niya. "I'm sorry, Eliz," he said. "...but I really couldn't accept your decision."

Naglikha muna siya ng space isolation bago sumugod sa kinatatayuan ni Killian-to deal with him one-on-one.

Space Isolation is a skill that separates the current location into a separate dimension so that the surroundings won't be affected by their fight.

Felixandreo possesses the power of superhuman strength and Hardening Qi. He uses spiritual energy to increase the force of his attacks but unfortunately, the opponent could avoid his punches and kicks, skillfully.

"I don't have time to deal with you," Killian said with a cold expression.

Sandaling natigilan si Felixandreo nang nawala bigla sa harapan niya ang binatilyo. "Sh*t!" Nataranta siya nang mapagtanto kung nasaan ito ngayon.

"Y-you did well, Shou..." nahihirapang sabi ni Eliz.

Hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha ni Killian dahil nakatalikod ito sa direksyon ko, pero nakasisiguro akong … sinaksak niya ang dibdib ni Eliz gamit ang gintong kutsilyo.

Hindi ko maalis ang titig ko sa senaryo na aking nasaksihan. Naramdaman ko na lamang ang panginginig ng buo kong katawan, at pagtulo ng luha mula sa aking mata.

Inangat ng babae ang palad niya para ipatong 'yon sa ulo ng binatilyo. Sinalubong niya ang tingin nito at saka sinabi, "Hindi mo mararanasan ang kamatayan … Ito ang sumpa ko sa 'yo."

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon