Chapter 22: Elizabeth's Death

10.9K 604 41
                                    

Third Person's POV

BINUHAT ni Duke White ang anak niya palabas ng palasyo. Lakad takbo itong nagtungo sa karwahe na sinakyan niya. Sumunod naman kaagad si Felixander sa kaniyang ama.

"Please, let me go with you!" pagmamakaawa na habol ni Lawrence sa kanila.

May mga nagsilabasan na bisita upang tanawin sila. Pawang hindi makapaniwala ang mga ito sa nasaksihan. Paniwalang-paniwala ang lahat sa pagpapanggap ni Sophia ng malubhang kalagayan niya.

"I want my daughter to be with us 'till her last breath," walang buhay na sagot ni Duke White kay Lawrence.

"Hope you don't take our words to heart, Your Highness. Let yourself atone all the sins you've done to my sister," Felixander coldly said while in tears.

Napayuko na lamang ang prinsipe at saka tahimik na umiyak. Napatakip ito ng mukha gamit ang sariling palad. Niyukom niya ang kaliwang kamay upang subuking kontrolin ang naipon na emosyon sa dibdib.

Sa hindi kalayuan, si Killian ay nanatiling tahimik na nakatayo malapit sa pintuan ng palasyo habang pinapanood ang senaryo. Walang ekspresyon na makikita sa mukha niya. Mahirap din basahin ang iniisip nito.

DAHIL sa pangyayari ay nagdesisyon si Emperor William na ihinto ang selebrasyon.

"Lawrence!" tawag ng Empress sa anak. Nakasunod din sa likuran niya ang Emperor at ang ina nito.

"BLAG!" tunog ng padabog sa pagsara ng pintuan.

Walang nagawa ang tatlo kundi mahinto sa kanilang paghabol sa prinsipe.

"Hayaan muna natin ang apo kong magluksa sa pagkawala ni Lady Elizabeth," hikayat ng Empress Dowager sa mag-asawa. "Ako na rin muna ang sasalo ng trabaho niya sa palasyo hanggang sa maging okay na siya."

Tumango at napaluha na lamang ang Empress saka sinandal ang sarili sa katawan ng Emperor na nakayakap mula sa likuran niya.

SI BEATRICE na nanatili lang sa lugar kung saan siya iniwan ni Killian. Kagat-kagat nito ang hintuturo niya sa sobrang inis sa nangyari.

"Huwag mo sabihing hindi ka nagtagumpay na paibigin siya." Sa hindi kalayuan, may pigura ng lalaki ang dumating pero nanatili itong nakatago sa dilim.

Madaling nilingon ni Beatrice ang kinaroroonan nito. "Shut up!"

He chuckled. "Kung gusto mo pang patuloy na mabuhay—"

"F*ck! I know!" This is all her fault! Kung hindi lang sana siya nangielam!

SAKSIHAN naman natin ang sitwasyon sa pamilyang White.

Maging ang mga tao sa mansyon, pinaniwala nila sa kasinungalingan na patay na si Sophia, o mas kilala nila bilang Elizabeth.

"Waaaaah!" hagulgol ng magkambal.

"No... Wake up, sister! Don't leave us!" Elios said while sobbing.

Natulala sa pagkabigla si Trisha, hindi ito makausap ng mga kasamahan sa trabaho. Niyakap naman siya ni Melrose habang humahagulgol din ito.

"Kung kailan naging close na tayo sa miss," komento ng isa sa mga maid. Lahat ay nanatiling tahimik na nagluluksa.

"Asikasuhin mo na ang magiging memorial ceremony," walang enerhiyang utos ni Felixander sa head butler.

Nagpunas ng luha ang matanda bago yumuko at sinabi, "I will do as you wish, milord."

Dinala ng Duke ang anak niya papasok sa main office saka inihiga niya ito sa ibabaw ng sofa. Lumapit siya sa drawer para kunin ang maliit na box na may lamang singsing. Binuksan niya saka kinuha't isinuot sa daliri ng walang malay na dalaga.

"Anong balita kay Franco?" tanong niya kay Felixander nang hindi nakalingon sa direksyon nito.

"Naihanda na niya ang lahat, Father."

Tumango lang siya at saka pinagmasdan ang mukha ng dalaga. Tila ba'y kumikirot ang puso ng Duke habang nakatitig dito.

"Hindi ba delikado ang kalagayan niya? Marami pa naman ang dugo na naisuka niya," pag-aalala ni Felixander.

"Katulad ng sabi niya..." tukoy nito sa headmaster ng magic tower, si Killian. "...kasama 'yan sa epekto ng gamot. Dalawang oras lamang hihinto ang puso ni Elizabeth, magigising din siya," dugtong ni Duke White.

"Talagang buo ang tiwala mo sa mage na 'yon 'no?"

"Magtiwala tayo sa kaniya. Siya lang ang makapoprotekta kay Elizabeth."

Duke White peck a kiss on her forehead, and a tear fell from his eye. It was landed on the lady's cheek. "Patawarin mo ako kung hindi kita nabibigyan noon ng atensyon. Sapagkat sa tuwing nakikita kita, nararamdaman ko 'yong sakit ng pagkawala ng iyong ina. Sana maintindihan mo ako, anak."

Felixander patted his shoulder. "We will meet her again. Sa pagbalik niya, magsisimula tayo ng panibagong simula."

"Father, we're here."

Pareho nila nilingon ang mga bagong dating. Binaba ni Francisco ang hood ng suot niyang cloak, saka naglakad papalapit sa kinaroroonan ng ama niya't kapatid. Sumunod sa likuran niya ang isang elf na lalaki. Nakasuot din ito ng black hooded cloak upang maitago ang sarili sa mata ng mga normal na tao.

"Siya na ba ang tinutukoy mo?" tanong ng elf habang pinagmamasdan si Sophia.

"Yes," sagot ni Francisco.

Inangat ng elf ang kaniyang kanang palad saka bumulong ng magic spell. Gamit nito ang lenggwahe na tanging mga kauri niya lamang ang nakakaintindi.

Napapalibutan ng magic circle ang katawan ng dalaga. Lumayo naman kaagad sina Felixander at Duke White, para hindi masama sa pag-teleport.

"Here's the human doll resemble of your daughter." Dinukot niya ang bagay na 'yon sa bitbit na space wallet saka inabot sa kanila.

Ang human doll na 'yon ang magiging laman ng kabaong na paglalagyan sa seremonyang gaganapin kinabukasan.

Pa-bridal style na binuhat ng elf si Sophia bago tinungo ang gitna ng magic circle.

"Please, take care of my daughter."

"Rest assured. Noon pa man ay tungkulin ko nang paglingkuran ang Dark Priestess."

Nilamon ng liwanag ang dalawa. Ilang sandali lang ay nawala ng parang bula ang mga ito sa paningin ng tatlong tao na naroroon sa silid.

KINABUKASAN, hinanda ang public memorial ceremony. Lahat ng nobles ay rumespeto sa patay. Maliban lang sa mga importanteng tao tulad nina Crown Prince Lawrence at Duke Killian Shou Adir.

May mga bisita naman ang dumalo lang para ikumpirma kung totoo nga ba ang balita. Mayroon ding mga nagpapanggap na malungkot pero lihim na natutuwa sa pagkawala ni Elizabeth, ang babaeng kinaiinisan nila. Iilan lang ang tunay na nagluluksa, 'yon ay ang mga tao sa mansyon ng White Dukedom.

Sa huling araw ng seremonya saka nagdesisyon dumalo ang royal family. Ngunit tumangging lumapit si Lawrence sa kabaong para magbigay ng huling paalam. Nanatili lamang ito sa loob ng karwahe, tulala at hindi makausap ng maayos. Hindi niya nabigyan ng pansin ang katabing si Beatrice, na kasalukuyang hindi natutuwa sa kinikilos ng prinsipe.

Naging kagimbal-gimbal man ang balita sa biglaang pagkamatay ng isa sa miyembro ng pamilyang White, sumabay rin ang kumakalat na isyu tungkol sa buhay pag-ibig ni Duke Adir. Binigyan nila ng ibang kahulugan ang hindi nito pagpapakita sa publiko. Dahil sa pananahimik ng binata, palagay ng mga noble ay tama ang kanilang paratang na may namuong sikretong relasyon sa pagitan nila ni Elizabeth.

MAKALIPAS ang ilang araw, nang simulan ang pag-open registration para sa recruitment ng bagong knights, lahat ng atensyon ay nalipat dito. Ang nobles ay pawang mga nakaabang kung kaninong pamilya ang madadagdagan ang impluwensya pagdating sa politika. Umaalingasaw rin ang pagnanais ng mga itong pumili ng kanilang susuportahan at kakampihan, upang maging kasama sa paglaban ng gusto nilang pabagsakin.

Karamihan ay mga peke lang na ang hangad ay makilala at umangat sa lipunan. Tanging sarili lamang ang iniisip, hindi binibigyang pansin ang mga mahihirap na nangangailangan ng tulong pangkabuhayan, sa kani-kanilang nasasakupan.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon