Chapter 33: Fighting with Demons

9.1K 551 22
                                    

Sophia's POV

"LADY SOPHIA!"

Madali kong naimulat ang mga mata ko dahil sa ingay ng paligid. Tumalon ako palayo upang maiwasan ang atake na patungo sa direksyon ko.

Napalingon ako sa kinaroroonan ni Mileya. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa isang fifth-ranked demon beast.

Pinagmasdan ko ang nasa harap ko. This is also a fifth-ranked demon beast. I guess they are a couple. Hinila ko ang espada ko gamit ang kanang kamay saka ko naman pinalabas ang shadow whip ko sa kaliwang kamay.

"I can handle this! You don't have to waste your energy for the likes of them!" sigaw niya habang nakikipaglaban.

"Don't be stubborn, Mileya. I also want to test myself in a real battle," I said while focusing in front of my opponent.

Hindi siya sumagot pabalik. Mukhang naintindihan niya naman agad 'yong punto ko.

Fifth-ranked demon beast, mukha siyang polar bear pero ang mga mata nito ay tatlo. Nagtataglay ito ng limang puso kaya kung nanaisin mo silang mapatay, you need to destroy all of them.

The beast growled at me. I ran towards him to test his strength. I strike his neck, pero walang epekto.

As expected on high-level beasts. They have extraordinary strengths.

He grabs my leg para ihagis ako palayo. I landed perfectly without the struggle. Patakbo na lumapit sa direksyon ko ang demon beast. Sa kilos pa lang nito, halatang naiinis ito at gusto na akong kainin.

Bumwelo agad ako para itali sa leeg niya ang latigo. I pulled myself hard, para madali akong makalapit sa kaniya. Hinanda ko ang espada ko para itarak sa noo niya. Umungol ito ng pagkalakas-lakas dahil sa sakit. Sa tingin ko ay wala ng buhay ang puso niyang nakapwesto roon. Hindi na gumagalaw ang ulo niya ngunit ang katawan ay nakatayo pa. Ang tatlo niyang mga mata ay nalipat ng posisyon sa tiyan nito.

Nasagad ko na yata ang pasensya niya kaya pinakawalan nito ang itinatago niyang lakas. Pakiramdam ko ay naging triple ang bigat niya dahil nagkaroon ng bitak ang kinatatayuan nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang mas bumilis ang pagkilos nito kaysa kanina. Madali akong lumayo para maiwasan ang bawat bitaw ng suntok niya sa akin.

Hinanda ko ulit ang latigo ko upang itali sa kaliwang paa niya ... at saka hinila ko iyon ng buong lakas dahilan para ma-out of balance siya. Walang paligoy-ligoy na sinaksak ko ang dalawang talampakan niya.

"GROWL!" muli nitong daing.

Pangatlong puso. Dalawa na lang.

Inangat ko ang aking espada para iturok iyon sa dibdib niya pero laking gulat ko nang ginamit niya ang kaniyang mga kuko sa pag-atake. Sandali akong natigilan dahil sa gulat. Papalapit ito sa mga mata ko.

Sa kabutihang palad, may hindi makita na harang ang pumoprotekta sa akin kaya nag-bounce lang ang mga iyon pabalik sa kalaban. It's my luck to have the Invisible Armor. Automatic nag-a-activate ang skill kapag naka-sense ito ng papalapit na panganib sa user.

Nang bumalik ako sa katinuan, hindi ko na pinatagal pa ang laban. Hinati ko siya sa dalawa para pagsabayin ang pagwasak sa natitira niya pang mga puso.

I return my sword to its sheath. Humakbang ako paatras upang pagmasdan ang bangkay ng demon beast. His body is burning itself into ashes. Ang naiwan na lang ay ang beast crystal na kulay pula. Kinuha ko naman iyon sa lupa para suriin.

"Ang kristal na iyan ay maaaring gamitin sa paggawa ng mga armas na kayang pumatay ng mga mababang lebel na demon beast," bungad sa akin ni Mileya. Hawak-hawak din niya ang beast crystal ng nakalaban niya.

"If it's that valuable ..." Kulang na lang ay maging perang ginto ang mga mata ko habang nakatitig sa crystal. "Then, I can earn lots of money by selling this?"

"Yes, marami ang nag-aagawan na customer tuwing nasa auction 'yan. Bihira lang kasi ang fifth level crystal core lumabas sa black market."

I grinned. "We need money for future purposes."

She became dumbfounded. "Eh?"

I am no longer living as Elizabeth White. I do have money with me, given by the Duke White pero wala akong balak na umasa lagi sa tulong niya. I also need to work for my own, gaya pa rin ng dati.

"All of you, come out!" I command my shadow soldiers to obey my order. Mula sa aking anino ay isa-isa silang nagsilabasan.

"Yes, Master?" they asked in unison through telepathy.

"It's training time. You are about to hunt all the high-level demon beasts around the area. Return here with their crystal core! Now, GO!"

Madali silang nagsipag-alisan patungo sa iba't ibang direksyon. Si Zero Two naman ay nanatili lang sa tabi ko. I looked at him with confusion. "Why are you still here?"

"You dispatched all of them, I need to stay here to protect you."

Hindi na ako nagreklamo. Nilingon ko si Mileya na kasalukuyang hinahasa ang crystal core na nakuha niya. Balak niya yata iyon gawing patalim sa pana niya.

"Inuna mo pa 'yan kaysa magpahinga?"

Nahinto siya sa ginagawa bago ako tingnan. "I plan to rest after this."

"Good," I said, sighing.

Tinuloy muli ni Mileya ang ginagawa. Napahikab ako sa sobrang boring na nararamdaman ko.

Palihim kong pinagmasdan ang kabuuan niya para masiguro na wala siyang galos mula sa kaninang laban. Thankfully, she's totally fine.

ILANG oras ang lumipas bago sila nagsidatingan. Dala ang mga kaniya-kaniya nilang naipon na crystal cores.

Karamihan sa mga nakuha nila ay nasa fourth level. Iilan lang ang nakakuha ng fifth level.

"Woah ... ." Nakatuon ang atensyon ko sa kulay dark blue na beast crystal core. Kuminang ang mga mata ko habang nakatitig dito.

This is from a seventh-level demon beast.

"You've done your job well. You may go back now."

Isa-isa silang nagsibalikan sa anino ko. Napakaraming crystal cores ang kanilang nakuha. Inilapit ko ang aking kamay upang iimbak ang mga iyon sa loob ng spatial ring. Iniwan ko lang ang seventh level crystal na kapit-kapit ko pa.

"Ano ang plano mong gawin diyan, Master?" tanong ni Zero Two.

"Wala akong balak na isama ito sa benta. May iiwanan rin ako para sa sarili ko."

Aalamin ko muna ang mga presyo ng bawat level bago magdesisyon.

"Zero Two, imbestigahan mo kung gaano pa tayo kalayo sa pahingahan ng Asterin Imperial Knights."

He bowed his head. "Yes, Master," he said before leaving us.

I stored the core inside the ring. I took a glance in Mileya's direction, she's currently taking a nap. Inangat ko ang aking paningin sa kalangitan upang pagmasdan ang kinang ng mga bituin.

Mapait akong napangiti. Mas nami-miss ko pa ang mga taong nakilala ko sa mundong 'to kaysa sa dati kong buhay. Nangingilid ang luha sa aking mga mata.

I do not have the right to feel this way. Kilala lang nila ako bilang Elizabeth, hindi bilang Sophia.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon