Chapter 70: Be My Partner

5.2K 297 1
                                    

Sophia's POV

"Bakit nandito kayong dalawa?" may awtoridad na tanong ng isang babae na hindi masyadong katandaan ang itsura.

Nagitla kaming pareho ni Zero saka nahinto sa paglalakad at madaling napayuko sa harapan niya. Sa kasuotan palang nito; navy blue long sleeves dress uniform, and a golden brooch that symbolizes someone who serves the William Royal Family, it was placed on the right side of her white round club collar. I believe she is the head maid of this palace.

"Didn't you received my order? Clean the main hall for later's event, the masquerade night ball," nagngingitngit ang ngipin na sabi nito. "Then what are you two doing here? Relaxing by neglecting your job!"

"S-sorry, Madam," utal kong sagot.

"Ano pang hinihintay niyo? Go!"

Lakad takbo na tinungo namin ang direksyon ng pinanggalingan ng babae.

"The heck," he mumbled.

Nang lumiko kami pakaliwa sa unang kanto, at nang hindi na niya kami abot ng paningin, saka lang kami huminto sa pagpapanggap.

"This isn't looking good. Rather than disguising ourselves as servants, why don't we choose to pretend as nobles?" reklamo ni Zero.

"Alam mo naman na walang nobles ang naririto ngayon. Lahat sila ay um-attend sa Holy Temple upang masaksihan ang seremonyang nagaganap doon," pang rarason ko habang alerto sa paligid. "Ang kaalamang ito ay batid din ng Royal Guards. Tingin mo ba ay hindi sila maghinala kapag nakita nila tayong palakad-lakad dito sa palasyo?" dugtong ko pa.

He sighed heavily. "Let's go."

Sandali kong pinagmasdan ang likuran nitong nakaharap sa 'kin. Umuna siya ng paglalakad, sumunod din ako rito. "Wait lang naman!"

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang mag-activate kusa ang aking Future Sight. Pinakita nito sa 'kin na tinungo ko raw ang daan patungo sa isang tagong lugar. Matatagpuan lamang ito sa hindi kalayuan ng aming kinaroroonan ngayon.

Wala sa sariling tinungo ko 'yon, hindi ko na napansin ang paghihiwalay ko ng landas kay Zero.

Walang hirap na nahanap ko ang lugar ng aking patutunguhan. Hindi na ako magtataka kung bakit walang nakabantay na guard sa lokasyong ito. Dahil para sa paningin ng mga normal na tao, isang malawak na pader lamang ang makikita rito.

Kung hindi ko pa gagamitan ng aking kapangyarihan—para ramdamin ang nakaharang na barrier—hindi ko kaagad matatagpuan ang lagusan.

"Hey!"

Madali kong binawi ang aking palad saka hinarap ang taong 'yon. Hindi ko inaasahang narito pa pala si Bea, akala ko'y sumama siya kay Lawrence.

Magkasalubong ang kilay nitong lumapit sa kinatatayuan ko. I bowed my head to pay respect to her presence. Kailangan kong sumunod sa rules of social status, mas mataas ang posisyon ng mga knight kaysa sa maids.

"This is a secluded area. Alam mo dapat 'yan pero bakit ka nandito?"

I feel intimidated by the way she talks. At ang paningin niya ay parang kutsilyo na bumaon sa pagkatao ko.

"Hindi ka pamilyar sa 'kin." Naningkit ang mga mata nitong sinuri ang kabuuan ko.

Napakapit ako sa aking braso para magpanggap na pinipigilan ko ang aking panginginig sa takot. I needed to act perfectly para kapani-paniwala.

"B-b-bago lang po a-ako rito... Hindi ko p-pa po kabisado ang p-pasikot ng palasyo..." Halos magkanda buhol-buhol ang aking dila sa pagsasalita.

Well, kalahating totoo nga naman talaga na hindi ko alam ang pasikot-sikot dito.

"I understand," she said. "But this is your first warning. Huwag ka na ulit pupunta pa rito."

"Opo..."

Humakbang siya paatras saka binigyan ako ng daan. She nodded her head as a sign of ordering me to leave, out of her sight.

Nakayuko kong sinunod ang nais nito, pero bago tuluyang lisanin ang lugar, palihim ko siyang sinilip. Ang atensyon nito ay nakatutok sa pader. Mas tumindi ang nararamdaman kong hinala nang magpakawala siya ng buntong hininga, para bang nakakagaan ng kalooban niya ang hindi ko pagtuklas sa kung ano man ang nakatago roon.

"Ouch." Napahawak ako sa aking noo ng tumama ito sa matigas na bagay. Pag-angat ko ng aking paningin, bumungad sa akin si Zero na nakapamewang sa harap ko.

"Bigla-bigla ka na lang nawawala! Saan ka—hmp!"

Kaagad kong tinakpan ang bibig niya saka siya dinala sa lugar na hindi kami matatanaw ni Bea. Muntik na kasi siya nitong makita, buti na lamang ay madali akong naalerto.

Sumama ang tingin ko saka binawi ang palad ko. "Ingay mo," I said, sighing. "I found something that piques my interest."

"Wait, are we going back again to that room? Hindi pa natin nahanap sina Zero One at Zero Two," taka nitong tanong.

Nakasunod ito sa 'kin habang tinatahak ang daan pabalik sa kwarto na tinutuluyan namin.

"Aasikasuhin natin 'yan mamaya. Gagamitin nating pagkakataon ang Masquerade Party para sa bagay na 'yan."

Nangunot ang noo niya. "Ano ba meron doon sa pinuntahan mo?"

"That's also what I wish to learn."

Hindi na niya ako inulan pa ng tanong. Tahimik lang namin nilandas ang daan.

The moment we arrived at the room, I flinched when I saw the back of a familiar man. He is currently facing the direction where the mirror was placed—a mirror that got shattered by my punch earlier—which now is nowhere to be found.

Madali kong pinabalik ang orihinal kong anyo, ganoon din ang ginawa ni Zero.

"I'll go," paalam ni Zero, using telepathy. Then, he entered my shadow without hearing my response.

Talaga nga naman … sa ganitong sitwasyon, nang-iiwan siya.

Nahagip ng mga mata ko si Zero Four at ang iilang shadow servant na nasa tabi niya. Tinanguan ko ang mga ito, senyales na pinapabalik ko na rin sila sa anino ko. Mabuti nga't naintindihan nila kaagad ang ibig kong iparating, at sinunod ang nais ko.

"I greet the future sun of Asterin Empire, Your Highness, Crown Prince Lawrence." I bowed my head to pay respect for his presence.

Why is he already here? Sa mga oras na 'to, sigurado akong hindi pa natatapos ang seremonya sa Holy Temple.

"Where were you?" he asked without looking at me.

Para bang may simoy ng malamig na hangin ang dumapo sa balat ko, dahilan para nagsitaasan ang mga balahibo sa aking braso.

"N-namasyal lang muna ako, boring kasi rito..." My voice is trembling. I don't know why, but my body seems familiar with the current atmosphere. It feels like a deja vu.

I heard him let out a sigh of relief. "I was worried," he said. "Sophia..." Nakangiti itong humarap sa direksyon ko. "I bought this for you."

Bumaba ang tingin ko sa malaking box na nakapatong sa ibabaw ng kama. I walk towards him, to have a clearer view.

"Can I open it?" I ask for his consent.

"Of course, you may. It's yours anyway."

Hinawakan ko ang dulo ng white ribbon saka hinila ito upang lumuwag ang pagkakatali. Nang buksan ko ang takip ng kulay pilak na kahon, tumambad sa 'kin ang laman nitong silver gown, and a silver half-face masquerade mask.

"What are these for?" Kunot-noo ko siyang nilingon. Kahit na alam ko na ang sagot, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mapatanong.

He slightly bows his head before reaching my hand to give a peck on the back of it. "Can I ask for the privilege to be your companion tonight?" he said.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon