Chapter 36: Transmogrify

8.6K 583 185
                                    

Killian's POV

"Here," he said as he offered a piece of meat for me to eat, so I opened my mouth to accept it.

I am really in a foul mood today, dumadagdag pa 'yong gutom na nararamdaman ko.

Francisco is blushing like an idiot. He is about to pat my head, hinampas ko palayo 'yong kamay niya pero imbes na masaktan, natuwa pa siya sa ginawa ko.

Hinihimas niya ang baba ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng ginhawa. Napapapikit ako dahil nagiging kalmado ako sa haplos niya.

Ha … I can't get away with this feeling … 

Natigilan ako ng napagtanto ang sitwasyon. Madali akong tumalon palayo para ihanda ang sarili ko sa pag-atake. 

What kind of black magic is he doing to me? Why do I feel comfortable with his touch!

He sighed. "Hihinto na ako. Come here, you have to finish your food."

Dahan-dahan akong lumapit sa direksyon niya saka naupo ng patihaya sa upuan. Ipinagpatuloy nito ang pagpapakain sa 'kin, habang ang paningin ko naman ay nanatili lang sa direksyon ni Sophia.

"Hahahahaha!" tawanan ng mga kabalyero.

"I was really surprised back then! I never thought they could really pull a prank like that," pagpapatuloy niya sa kwento.

"Bro, you're being exaggerated," komento ng barkada na kapwa niyang kabalyero.

"Lol! This is nothing but the truth," he replied.

Sophia smiled back at them. "What else? Tell me more!"

Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis habang nakikita siyang ngumingiti sa iba. Hindi pa yata niya napapansin ang intensyon ng mga ito na diskartehan siya ng ligaw.

She is enjoying herself without thinking about her responsibilities to me? Hah!

"Black."

Nilingon ko ang pagtawag sa 'kin ni Francisco. Para itong tuta na nagmamakaawa. Nakaluhod siya sa harapan ko.

"Hindi mo ba talaga ako gusto?"

Muntik na akong mapamura, buti na lang natakpan ko agad 'yong bibig ko.

"Black …" malungkot niyang bulong. 

Gusto kong masuka sa sinasabi niya. Iniba ko ng direksyon ang paningin ko para ibaling sa iba ang aking atensyon.

Hindi ko naman kailangan magpaka hirap ng ganito kung gugustuhin ko! Kaso hindi pa rin ako makabalik sa dati kong itsura.

Naagaw ng atensyon niya ang tiyan kong tumutunog pa rin dahil sa gutom. Natawa ito ng mahina, samantalang ako ... natulala na lang. Sobra-sobrang kahihiyan na ang naranasan ko sa katawang 'to.

It is this impudent cat that couldn't stop eating! To think that I, Killian Shou Adir, would be in a mortifying situation.

Pinagmasdan ko si Sophia. Lagpas isang taon ko siya hinintay. Hindi ko siya ginulo, pinagbigyan ko siyang mag-focus sa sarili niya. Kahit gusto ko siyang dalawin sa lokasyon ng mga Elf Tribe, pinilit kong mapigilan ang sarili ko.

Inaasahan ko na tutungo siya sa Diamante para kunin ang artifact na pagmamay-ari ng naunang Dark Priestess. Gagamitin niyang pagkakataon ang digmaang magaganap para makalusot sa loob ng palasyo. Sa kaalamang ito, natural lang na mag-alala ako para sa kaligtasan niya. 

Nag-isip ako ng mga paraan para mapalapit kay Sophia ng hindi niya nalalaman. Saktong nakita ko ang matabang pusa na ito sa loob ng mansyon ko, na alaga ni Tristan.

Ang plano ko lang, mag-experiment kung pwede ko bang ma-transform ang sarili ko gamit ang katawan ng hayop. Hindi ko naman inaasahang … hindi na ako makakalipat pa sa iba!

So here I am, suffering the consequences. I do not have any choice but to stay in this shameful state.

Dinilaan ko ang aking kamay at nilinis ko na rin pati ang tagiliran ko. I groom myself to regulate my body temperature.

Wait! Why am I like this? What is this?

"Black! Wake up!" tarantang sigaw ni Francisco habang niyuyugyog ang balikat ko.

Oh sh*t ... I am suffering serious mental damage.

"What happened?" 

Agad akong bumangon mula sa pagkahimatay nang marinig ang isang pamilyar na boses. Bumaba ako sa upuan para simulan ang paglalakad palayo sa kanila.

"Black! Are you mad? Where are you going?" she called, but I chose to ignore her.

Why don't you ask your Lawrence instead of me? Tss!

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko 'yong naupo siya sa harapan ni Lawrence, sakay ng kabayo. By instinct, kinagat ko ang kamay ng prinsipe sa sobrang inis na naramdaman ko. Kung hindi ko pa narinig ang banta ni Sophia, hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko.

It is hard to pretend like a normal cat.

I can still talk like human, pero ipinagpatuloy ko ang pagpapanggap na hindi ko kaya. Hindi normal tingnan para sa pusa ang magsalita. Baka matakot siya at layuan niya pa ako. Kapag nangyari 'yan, edi hindi ko na mamo-monitor ang mga lalapit sa kaniya.

How did I see right through her disguise? Thanks to being a cat, I could easily recognize her scent by the smell of it.

Dumiretso ako sa kinaroroonan ng knight na lumalandi kay Sophia kanina. He is having conversations with his colleagues.

"Sophia is a real beauty..." he said while daydreaming.

His friend's chuckled. "Tinamaan na nga ng matindi ang lintik!"

"Hindi niyo ako masisisi. I can't help but to imagine, how she might looks like on bed," he said while smirking widely. Tinawanan siya ng mga kasamahan niya at sinang-ayunan pa ito.

That bast*rd punk!

I positioned myself to prepare for a fight. I focused my electricity to both of my legs, to increase my speed.

You brat. Let me give you the taste of my skill … THE GATLING CAT PUNCHES!

"Argh!"

I devilishly smiled. Kekeke! Sa sobrang bilis ko, hindi nila makita kung sino o ano ang bumugbog sa kasamahan nila.

"H-help … ugh!"

Binalak ng isa na sumabak na lang sa laban basta-basta. Nailagan ko ang binitawan niyang suntok, dumapo iyon sa lalaking pinagtitripan ko ngayon dahilan para tuluyan itong ma-knockout. 

"Ah! Sorry pare!"

"Call for medic!"

May mga ngipin sa harap ang natanggal, nahulog ang mga iyon sa lupa. Hindi na siya makilala dahil sa mga pasa at bukol na namuo sa mukha niya. 

"I believed it was a demon!"

"Report this incident to the commander this instant!"

Madali kong nilisan ang lugar para makatakas sa gulo. Hindi mawala ang malawak na ngiti sa labi ko. I have no high expectations for the skill I invented lately, but I never knew it could be very useful. 

Experimenting with this body is pretty fun. Should I learn and practice combat skills using this cat form?

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon