Chapter 38: Knights' Battlefield

8.6K 487 89
                                    

Third Person's POV

Tagumpay na napasok ni Francisco ang teritoryo ng kalaban, kasama ang iilang elite knights. Nagulat ang mga kalaban sa hindi inaasahang pag-atake ng Asterin. Kahit na konti lang sila, walang makakapigil sa mga ito. Sa bawat may lulusob na kalaban ay kamatayan ang naging hatol. Pinatunog ng kalaban ang kampana upang magbigay ng alerto sa buong palasyo.

"You can leave these to us, Commander!" sigaw ng isa sa mga kakampi.

Habang nakikipaglaban ang mga kasamahan na kabalyero, ginamit itong pagkakataon ni Francisco na mabuksan ang tarangkahan sa harap. At saka sinindihan ang hudyat na maaari ng lumusob ang mga naiwang kasamahan sa labas ng palasyo.

Hindi rin nagtagal ang paghihintay, dumating nga ang mga ito. Nagpakawala ng mga palaso ang gumagamit ng pana para patumbahin ang mga kalabang nakaabang sa terraces. Sunod na pumasok ang mga mahuhusay sa paggamit ng espada para harapin ang mga sumugod na kalaban. Nakapwesto ang mga high-mage sa piling lokasyon upang suportahan ang mga kabalyero mula sa likuran.

Nabuksan na rin ang tarangkahan sa likod ng palasyo. Doon dumaan ang iba pang mga kakampi. Tuluyan ng napapalibutan ng mga Asterin Knight ang buong palasyo.

Napuno ng ingay ang paligid sa tunog ng mga pagtama ng espada. Marami na ang bumagsak sa lupa, pawang naliligo sa sari-sarili nilang dugo.

Kakaiba man ang pamamaraan ng kalaban sa paggamit ng kanilang mga sandata … naging agrabyado pa rin ang mga ito dahil walang mga salamangkero ang sumusuporta sa kanila.

Sa gitna ng labanan, binigyang daan ni Francisco ang prinsipe.

"You've done your job well," Lawrence complimented his work. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya. Walang nararamdaman na pagkabahala dahil buo ang tiwala niya sa mga tauhan.

"We will back you up, your highness," Francisco said.

Maingat silang nakapasok sa loob ng palasyo. May mga nagbabalak pang lumusob ngunit hindi ito binigyang pagkakataon ni Francisco na makalapit. He swiftly swings his sword to kill them.

"Aaaah!" tili ng mga nakasaksi.

Ang kaninang malinis na paligid ay namatsahan ng nagkalat na dugo. Naabutan nila ang mga iilang mayamang tao. Agad lumapit ang mga kabalyero sa mga ito, upang masiguro na walang makakatakas. Tinipon din nila sa gitna ang lahat ng mga trabahador ng palasyo. Mababakas ang sobrang takot sa kanilang mga mukha. Maririnig rin ang mahihinang hagulgol mula sa mga babaeng katulong.

"Whoever dares to flee, slash their throats."

The knights salute him. "Yes, commander!"

"Commander, here is the personal aide of the king," salubong ng tauhan niya habang hatak-hatak ang isang lalaki.

Francisco grabbed the man's collar. Sa sobrang takot … naihi ang lalaki sa suot na pantalon.

Hindi niya ito binigyang pansin, at sinabing, "Bring me to your king."

Mabilis itong tumango bilang pagsang-ayon. "Y-yes! Yes! I will!"

"You better not try to trick us, or else …" Francisco said while glaring at him.

"I-I won't! Promise! Just spare my life!"

Ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakad habang kinakaladkad ang lalaki. Sinusunod nila ang direksyon na sasabihin nito.

Hindi lang sa loob ng palasyo nangyayari ang gulo kundi maging sa labas. Nasakop na ng tuluyan ng Asterin Knights ang buong bansa upang hulihin ang mga sangkot sa illegal na gawain. Madali nilang natutukoy ang mga eksaktong lokasyon, dahil sinunod nila ng tama ang plano at utos mula sa commander-in-chief, na si Francisco.

Ang digmaan na naganap ay pasasalamat ng mga mahihirap na naninirahan sa bansa. May mga umiiyak hindi dahil sa takot, kundi dahil sa gaan ng kanilang mga kalooban.

"Mas pipiliin ko pa ang magpasakop sa kanila, kaysa manatili sa sistema ng bansang 'to," komento ng lalaking pilay na nakaupo sa tabi ng basurahan.

"Magiging ginhawa na rin ang buhay natin," mangiyak-ngiyak na sabi ng ginang.

"Hindi na tayo makakaramdam ng takot sa araw-araw, na baka tayo naman ang ibenta para gawing alipin," bulong ng dalagita habang nakasilip sa mga nangyayari.

Pakiramdam nila ay tuluyan na silang makakalaya sa impyerno na pamamahala ng kanilang hari.

"HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA AGAWIN NIYO ANG YAMAN KO! PASLANGIN SILA!"

"Huwag hayaan na sila ay makapasok sa aking teritoryo!"

"Hindi sa ganitong paraan matatapos ang aking pangalan!"

Ito ang naririnig sa bawat mayayaman na pamilyang ayaw sumuko. Pinapasugod nila ang kanilang mga hawak na kabalyero upang kalabanin ang Asterin Knights. Walang magawa ang mga ito kundi sumunod sa kanilang amo, kahit labag pa sa kalooban. Sa huli, pinanatili nila ang kanilang karangalan bilang tunay na kabalyero.

"HULIIN SILA! Huwag hayaang makalabas ng bansa!" sigaw ng isa sa mga General, tukoy niya sa nobles na nagbalak lisanin ang bansa.

Madali namang kumilos ang mga tauhan upang hulihin ang mga ito.

Meron din namang mga pamilya na kusang sumuko para iligtas ang kanilang mahahalagang tao sa buhay.

"Kami ay payag na sumailalim sa bansang Asterin."

"Aaminin ko ang mga baluktot na pamamalakad ng kaharian ng Diamante."

"Ako ang namumuno sa pamamahay na ito. Ipangako niyo lamang na ligtas ang aking pamilya sa anumang panganib."

Sa oras na matapos ang digmaan, magkakaroon ng malawakang imbestigasyon. Sila ay ikukulong pansamantala, hanggang sa magbigay ng hatol ang magiging bagong pinuno. Doon lang nila malalaman ang wakas na haharapin nila.

SA KABILANG BANDA, sikreto na pumasok si Killian sa loob ng palasyo. Para alisin sa landas ang mga kalaban na maaaring maka sagupaan ni Sophia. Lilinisin na niya ang daan para hindi ito mahirapan.

"Ugh! SINO KA?"

"Argh!"

"Eek! Ugh!"

Dahil sa hindi makita ng mga kalaban ang mabilis na mga atake ni Killian, kung saan-saan nila iwinasiwas ang kanilang mga sandata. Nahinto siya sa paglalaro, at naupo sa malamig na semento.

"Too bad … this isn't the right time to play around," Killian said while licking his claws.

"WHO WAS THAT?"

Palinga-linga sila sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng boses.

"I'm here."

Madali silang yumuko upang makita ang matabang pusa na malawak ang ngisi sa kanila. Pare-pareho silang nagtaka.

"A fat cat?"

"I have never seen such an ugly cat before."

Nabura ang ngisi sa labi ni Killian. Nilalamon siya ng grabeng inis dahil sa narinig.

"AAAAAAAAAAAH!"

Madali niyang tinapos ang laban sa pamamagitan ng pang kuryente sa mga ito. Nagsipag bagsakan silang dilat ang mga mata. Bumubula din ang bibig dahil sa lakas ng boltahe na kanilang natanggap.

He gritted his teeth while giving them a deadly look. "Who's ugly? You bast*rds."

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Makikita sa mukha nito na hindi pa rin nawawala ang namuong galit sa dibdib niya.

Sa tanang buhay niya, hindi niya naranasan ang matawag na pangit. Ang hindi pa katanggap-tanggap ... 'yong laitin siya ng mas kalait-lait ang itsura.

Nakarating si Killian sa lokasyon kung saan may mahigpit na seguridad. Batid niyang merong nakatago na importanteng bagay sa loob ng silid. Hinanda niya ang sarili upang simulan ang panibagong laban.

Balikan naman natin ang nagaganap kila Lawrence at Francisco. Sinipa ni Francisco ang pintuan upang masaksihan ang mga opisyal na nagtitipon. Lahat sila ay napatayo sa gulat. Namutla ang mga ito sa pagdating nila.

"Should I join you?" Lawrence said while smirking. He sat down on the vacant chair, opposite the King.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon