Chapter 65: Where is she?

5.7K 366 17
                                    

Third Person's POV

"Kil—"

"D*mn!" Hindi naabutan ni Killian si Sophia. Nawala ito ng tuluyan sa paningin niya.

He stomped his right front paw against the ground, at naglikha 'yon ng malaking lamat sa sahig. Makikita sa ekspresyon niya ang hindi pagkatuwa sa nangyari.

Nanlilisik ang mga matang nilingon niya ang direksyon ni Lawrence. "Siguraduhin mo lang na nasa ligtas na lugar ang destinasyon ng eternal scroll na 'yon." Tukoy niya sa bagay na tinanggap ni Sophia mula sa Prinsipe.

Walang makikitang emosyon sa mukha ni Lawrence, he's just standing there silently while staring back at him. Mas lalong nagngingitngit sa galit si Killian dahil dito. Hindi niya mabatid ang tumatakbo sa isipan nito, at wala rin siyang balak na alamin pa.

Umaalingawngaw sa silid ang ingay ng pagtama ng mga sandata, gano'n din ang sigawan ng mga naglalaban. Hindi matukoy kung sino ang nangunguna—sa pagitan ng Nukpana at Imperial Knights—dahil halo-halo ang mga nakabagsak na tao sa paligid.

Ang mga nakatayo at lumalaban pa ay hindi napansin ang pagkawala ng Dark Priestess sa senaryo. Tanging sina Lawrence, Killian at Lorena lamang ang nakakaalam.

Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Klein at Mileya. Nang matanaw nila ang itim na pusa ay kaagad silang lumapit rito.

"Where is she?" asked Klein after noticing that Sophia was out of sight.

Killian turn his back then said, "Tell Lorena that you all must retreat. Tapos na ang misyon, nakatakas na si Sophia."

Nangunot ang noo ng elf sa sinabi nito. "How?"

"..." Hindi siya sinagot ng pusa, patuloy lang itong naglalakad palayo sa kanila.

Nang napansin ni Klein ang presensya ng Prinsipe, madali niyang naintindihan ang posibilidad sa nangyaring hindi na nila naabutan.

"Wife..." he called.

Nagkatinginan sa isa't isa ang mag-asawang elf. Klein looked at her with meaning written in his eyes, Mileya immediately understood what he wished to say. From her spatial bag, she brought out the highest grade of teleportation device that was recently invented by Klein.

The magical device was named after him—Klein's port. Its size is easy to grasp, at ang itsura nito ay parang cube but in a rectangular shape. This has no limitations, it can manage to teleport several people into specified locations.

The device could determine which is which to transport by attracting the magnetic stones that registered into it. Each of their allies possesses these stones, nakabaon ito sa armlet na kani-kanilang suot sa kanang braso.

Klein's port is for one-time use only. It became useless after wielding it once.

Mileya flowed her mana into it to activate its power. Parang bula silang nawala sa paningin ng knights, kahit ang mga nawalan ng malay ay naglaho rin.

"How that became possible?" bulong ng karamihan sa kanilang sarili.

"Your Highness." Lumapit ang commander sa kinatatayuan ni Lawrence. He saluted to pay his respect to the presence of the Crown Prince.

"Pamunuan mo ang pag-asikaso sa mga sugatang kabalyero," he responded without looking at him.

***

WALANG kahirap-hirap na nakalabas si Killian sa templo. Bago magpakita sa mga tao ay nagtago muna siya sa likod ng pader para magpalit anyo. Turning into human form makes him full naked. He snapped his fingers to let the magic fixed his appearance. In just a short period of time, may tuxedo na siyang suot.

"Duke Killian?" tawag ng pamilyar na boses.

Binaba niya ang paningin … bumungad ang magkambal na sina Elios at Elena. Parehong kulay kayumanggi ang kasuotan ng dalawa.

Elios is wearing a dark brown suit that fits for a school-aged child, while Elena is in her checkered dress.

Ang batang babae ay tulalang nakatitig sa kaniya.

Napaisip si Killian, "Did they witness my transformation?"

Pero ipinagsa walang bahala na lamang niya ito. Sino ba namang maniniwala sa mga bata kung ipagkalat man nila ang kanilang nasaksihan?

"State your business," he said.

"Our father needs you," lakas-loob na sagot ni Elios.

"He asked you both to search for me?" Sumalubong ang kilay niya. "Can't you see it's dangerous here?" dugtong nito.

They flinched. Elena hides herself behind Elios' back. "He's scary..." bulong nito.

"Father didn't know about this. Narinig lang namin siya habang kausap si Kuya Francisco," Elios said.

Sandali niyang tinitigan ang dalawa. "Lead the way." Napagdesisyunan niyang sumunod sa mga ito. Nagbabakasakali siyang alam ni Duke White kung nasaan si Sophia.

Tinahak ng tatlo ang daan patungo sa lugar kung saan naroroon ang nobles. Prenteng nakaupo ang mga ito sa kanilang kinauupuan. Pawang naghihintay sa balita ng naganap na laban sa templo. May iilan ang nakaramdam ng takot, matapos marinig ang pagsugod ng rebelyon o mas kilala sa tawag na Nukpana.

Sa hindi kalayuan, natanaw ni Killian si Duke White, kasama nito ang anak niyang si Francisco. Nag-uusap ang dalawa sa lokasyon kung saan, madali silang mapapansin. Marahil ito ang naging paraan nila upang hindi magduda sa kanila ang mga tao sa paligid.

Napayuko si Killian nang maramdaman ang pagkapit ni Elios sa pantalon niya.

"Don't tell father that we looked for you," the lad said. "Let's go, Elena." Elios grabbed his sister's hand, and they both ran together towards Francisco.

"Duke White," tawag ni Killian upang makuha ang atensyon nito.

"You came at the right time, Duke Adir." Inalok ni Duke White ang palad upang makipag kamay rito, tinanggap naman 'yon ng binata.

"I was wondering … where you have been?" he continued while gritting his teeth. Ngumiti siya ng peke saka hinigpitan ang kapit sa kamay nito. "This bast*rd is my daughter's lover and yet, he didn't protect her," he thought.

Killian didn't pay in mind with it. Hindi na rin niya pinatulan pa ang Duke. "May I ask where is she?" mapagkumbaba niyang tanong.

"Ha?" Medyo napaawang ang labi ni Duke White dahil sa paraan ng pananalita nito. Maging si Francisco ay sumimangot na parang nandidiri dahil hindi siya sanay sa inaakto ni Killian.

Napaisip si Francisco, "Is he real? Killian is now different from the person I know."

"Father," tawag ni Felixander. Kararating lamang nito mula sa misyon na ginampanan niya. Nilapit niya ang sarili kay Duke White para ibulong ang mensaheng, "She is currently in the Cold Palace."

Nang marinig 'yon, inilipat ng Duke ang kaniyang atensyon kay Killian. "You heard that?" he asked.

Duke Adir didn't respond. He just turned his back at them, and started his pace to leave the place.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon