Chapter 51: Unwell

7.4K 487 78
                                    

Third Person's POV

Nagkaroon ng kaguluhan sa palasyo nang makita nila ang kalagayan ng Prinsipe. Madali siyang dinala sa medical area upang suriin ang sugat na natamo nito. Na-postpone ang hunting event dahil sa insidente at saka pinabalik ang nobles sa kani-kanilang tahanan.

Nagtipon-tipon ang mga Royal Guard sa paligid para siguruhing walang makakalapit sa lokasyon ni Lawrence.

"Francisco White, you've failed to protect the members of the royal family. You have to come with us for interrogations," bungad ng commander of Royal Guards.

Tatayo na sana si Francisco ngunit pinigilan siya ni Lawrence. Nakaharang ang braso nito sa kaniyang daraanan.

"That is unnecessary. This is solely my fault," the Crown Prince said.

"But His Majesty says—"

"I said there is no need!"

The commander flinched from his position. "Then I will carry this report to the Emperor." He saluted before taking his leave.

"You don't have to cover up my negligence, Your Highness," Francisco said using his usual tone.

"This isn't your responsibility. Ako ang humiwalay sa 'yo sa gitna ng ating pangangaso," Lawrence replied.

Napalingon silang dalawa nang may pumasok na healer galing sa Holy Temple. Tumulong ito sa panggagamot sa Prinsipe upang masiguro na walang peklat na maiiwan sa sugat nito.

Hindi magawang magtanong ni Francisco kung ano ang nangyari rito. Wala siyang karapatan na umuna ng pananalita dahil mas mataas ang ranggo nito kaysa sa kaniya.

"I greet the future sun of Asterin Empire, His Highness, Crown Prince Lawrence," bati ng kakapasok lang na knight.

"State your business here," Lawrence said.

"This is for Commander White. His brother is waiting for him outside," balita nito habang nakayuko ang ulo.

Nilingon ng Prinsipe si Francisco upang bigyan ito ng pahintulot na umalis. Francisco pays his respect before leaving the room together with the knight. Sinamahan siya nito tungo sa lugar kung saan naghihintay si Felixander.

"Thank you."

"No problem, Commander." The knight saluted saka sila iniwan.

"What brings you here?" he asked his brother Felix.

"Our Father gives an order, you must go to our western territory. They need your cooperation for Sophia's blood transfusion."

The western territory of the White family is where the Elf Tribe can be located.

He flinched. "I see."

"You don't have to worry about the authorization. Ako na ang magdadahilan para sa 'yo," tukoy nito sa consent na kailangan ni Francisco for early leave of duty.

"Then I leave it to your care."

Iniwan niya si Felixander sa kinatatayuan nito saka tumungo sa kinalalagyan ng kabayo niya. Mabilis niya itong pinatakbo patungo sa direksyon ng pupuntahan niyang lokasyon.

NANG marating niya ang lugar, wala kang makikita na kakaiba kundi puro puno at mga halaman lang ang nasa paligid. Tinungo niya ang isa sa mga puno, do'n ang daanan ng mga nilalang na may pahintulot sa pinuno. Tinapat niya rito ang kaniyang kanang palad upang siya ay ma-verify. Nang tumagos ang kamay niya saka lang siya nakapasok.

Bumungad ang mga elf na may iba't ibang ginagawa. May grupo ng mga inventor, blacksmith, herbalist at healers. Sa bawat grupo, naroon ang mga batang elf na tinuturuan para matuto sa pinili nilang propesyon.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon