Chapter 74: To Protect

4.9K 328 8
                                    

Third Person's POV

Ang dating kaaya-ayang pagmasdan dahil sa linis ng kapaligiran na hindi nakikita ang alikabok, at makinang na mga bagay na nagpapaganda at mas nagpapaliwanag ng lugar. Ngayon ay magulo na't parang dinaanan ng bagyo. Basag ang mga babasaging gamit, at may marka na likha ng matalas na kuko ang sumira sa mamahaling paintings na nakasabit sa dingding ng palasyo.

"Ugh!" Nagbabadyang bumaliktad ang sikmura ng mga ilang kabalyero. Hindi makapag-focus ang karamihan sa pakikipaglaban, dahil sa karumal dumal na senaryo na nakapaligid sa kanila.

Nagkalat sa sahig ang mga bangkay, maging ang dugo at laman loob, at parte ng katawan—biktima sa biglaang pag-atake ng mga kalaban.

"Patatagin ang sikmura ninyo!" sigaw ng isa sa mga commander ng Imperial Knights. "Don't stain any further your pride and honor as Knights of Asterin!"

"Yes, sir!" they shouted in unison in the middle of a battle.

"We received backups from the magic tower!"

Nabuhayan ng loob ang mga nakarinig sa balita ng isa sa mga kabalyero na tanaw ang pagdating ng tulong mula sa magic tower. Isip-isip ng mga ito na mas mapapadali na ang pagprotekta sa bansa at mamamayan, laban sa mga demonyong halimaw.

Katulad nga ng planong ibinigay ng headmaster … nakapwesto ang bawat mage sa kani-kanilang nakatakdang lokasyon. Lahat ay nakatutok sa tungkuling dala-dala nila.

"Tss! Mabuti naman at kumilos din ang mga 'yan," pasaring ni Red nang madaanan nilang pareho ni Clara, ang priests and priestesses na ginagamot ang mga sugatang sibilyan.

"Aray!" reklamo niya noong sikuhin siya ni Clara sa sikmura. "Bakit ba?"

"Pwede bang ihinto mo 'yang pagka-immature mo," she said. "Ilugar mo 'yang attitude mo."

"Tayo na lang ba lagi ang lulugar? Samantalang ilang beses na ba pinag-iinitan ng Holy Temple ang Magic Tower?"

"Shut your mou—"

"Clara! Red!"

Sabay silang napalingon sa pagtawag ng tumatayong lider ng kanilang grupo. Salubong ang kilay nitong nakamasid sa kanila.

"Ano pa ang ginagawa ninyo riyan? Pumwesto na kayo roon!" dugtong nito habang nakaturo sa magkaibang direksyon.

Bago maghiwalay ng landas ay inismiran pa ng dalawa ang isa't isa, saka tinungo ang paroroonan. Napapailing na lamang ang mga mage na nakasaksi sa pag-aasaran nina Red at Clara.

"Master?" bulong ni Clara sa sarili nang mahagip ng paningin niya si Killian na lakad-takbo pinasok ang palasyo. "I've never seen him making that expression before." Hindi nito maiwasang makaramdam ng kuryosidad. "As if there is something that he's afraid to lose."

***

"Ugh..." Nang mamulat ni Sophia ang mga mata niya … nakita na lamang nito ang sarili na nakahiga sa ibabaw ng malapad na parihaba na bato. Sa bawat sulok ng higaan … ang pareho niyang kamay at paa ay nakatali ng kadena.

Sinubukan niyang makawala ngunit kaagad siyang natigilan nang hindi maramdaman ang pagdaloy ng kapangyarihan sa mga ugat niya.  She even lost her last hope, the superhuman strength. Sa kaalamang 'yon, bumaba ang tingin niya sa sarili. "Paano ko pa magagawang protektahan ang gusto kong protektahan gamit ang katawang 'to? Hindi na ako naiiba sa ordinaryong babae."

"Anong itsura 'yan? Depress? Huwag mong ipakita sa akin ang ganiyang ekspresyon, gamit ang mukha ko."

Nilingon ni Sophia ang gawing kanan. Kapareho niya rin ng posisyon ang taong kasama sa isang silid.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon