Chapter 49: Confrontation

7.3K 439 45
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS CONTENT THAT SOME MAY FIND DISTURBING.

Sophia's POV

Nagising ako sa malamig na tubig na bumuhos sa 'kin. Unti-unti kong inangat ang paningin ko para tingnan ang tao sa aking harapan. Malabo man ay nakasisiguro akong isa siyang babae. Pamilyar din sa akin ang kasuotan nito.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko saka hinila ang aking buhok. Nilapit niya ang distansya ng mukha namin upang titigan ako sa mga mata.

"Beatrice?" Hindi ako sigurado kung tama nga ba ang nakikita ko. Hirap akong paniwalaan na siya ang may kagagawan nito sa 'kin.

Sinuri ko ang paligid para alamin kung nasaan kami. Madilim dito sa loob, tanging torch lights lang ang nagbibigay liwanag sa bawat sulok. Sa hindi kalayuan, makikita ang mga kagamitang ginagamit sa pagpapahirap. Mukhang nasa underground prison kami ng hindi ko malamang lugar.

Ang katawan ko at mga binti ay nakatali sa isang upuan—gamit ang makapal na kadena. Ang mga kamay ko naman ay nakaposas sa likod.

"Why are you doing this?" tanong ko.

Umalingawngaw sa paligid ang tunog ng pagsampal niya sa kaliwang pisngi ko. Hindi lang isang beses kundi dumagdag pa ng isa, dalawa at tatlo—nalasahan ko ang dugo sa aking labi.

"You are asking me why? You try to pretend you didn't know?" Mahigpit niyang kinapitan ang buhok ko para salubungin ang aming paningin.

"You're acting out of the character. You should have played your role properly," nakangiti nitong sabi habang nagngingitngit ang ngipin. She glares at me then grabbed my jaw tightly.

Nangunot ang aking noo sa narinig. "You know who really am?"

Hindi niya ako sinagot, hinampas niya sa mukha ko ang libro. Nilingon ko ito nang mahulog ang bagay na 'yon sa sahig.

Natigilan ako sa aking nakita. Ang librong 'yon ay ang Beatrice's Love na makikita sa bookstores ng modern era. Paanong nandito 'yan?

"How—aaah!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko noong saksakin niya ng kutsilyo ang hita ko. Pinaikot-ikot niya rin ito habang nakabaon ang talim sa aking laman.

Nanginig ang buo kong katawan dahil sa lamig na nararamdaman ko. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking dugo mula sa sugat na likha niya.

"You should've remained silent. Bakit ka pa ba bumalik?"

"Aaah! S-stop!" Napahiyaw ako sa panibagong sakit ng pagkakasaksak niya sa kabilang hita ko.

"Ginulo mo ang buong plot! Kailangan mo ng mawala!" Paulit-ulit nitong sinaksak ang parehong sugat. Madiin akong napakagat sa aking ibabang labi.

Lihim kong niramdam ang aking sarili upang alamin ang kalagayan ng kapangyarihan ko. At my current status, shadow whip lang ang makakaya kong ma-stable ang form.

"A-are you saying … you knew m-me from the start?" Kanina ko pa napapansin sa paraan ng pananalita niya, para bang may nalalaman ito bukod sa libro.

Nahinto siya para lingunin ako. She laughed before answering my question. "How could I not? That body of yours...was mine, to begin with."

Tulala ko siyang pinagmasdan. "You mean … you are Elizabeth?"

She slapped my face all of a sudden. "You dare to call me that trash …" she said, "... but yeah, you're right. I was Elizabeth," dugtong nito.

Mariin akong napapikit nang kinuha niya muli ang kutsilyo na nakabaon sa hita ko. Pinulot niya ang libro sa sahig saka tinungo ang kaharap kong upuan.

"Tutal mamatay ka na rin naman, pagbibigyan kitang malaman ang gusto mong malaman." Sumandal siya sa upuan saka inangat ang libro para ipakita sa 'kin. Pinunas niya rito ang dugo na naiwan sa talim ng kutsilyo.

"You knew this novel? The contents here happened to me in real life. It is amusing, right?"

Her smile gives me chills down my spine. She is creeping me out, I can't tell what is going on in her mind.

"Malinaw pa rin sa ala-ala ko kung paano ako namatay sa harap ng publiko. Pinanood lang ako ng mga taong inaasahan kong tutulong sa 'kin."

Nanatili akong tahimik para pakinggan siya. Nanginginig ang boses nito maging ang katawan niya. Sa kinikilos pa lang niya, halatang may problema na ito sa pag-iisip. Hindi tuloy ako makaramdam ng galit para rito.

"One day, I woke up. Bumalik ako sa panahon kung saan bago pa lang ang relasyon ng babaeng 'to sa fiancé ko," tukoy nito kay Beatrice.

"... I believe God allows me to take revenge on those people who caused me suffering in my previous life!"

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kulo ng dugo sa sinabi niya. "H-he did save you … not because he wants you to do such a thing. Kung ano man ang ginagawa mo ngayon … it was your own volition," I said.

Naalerto ako nang ihagis niya sa direksyon ko ang kutsilyo. Hinayaan ko ang sarili kong bumagsak sa sahig para makaiwas.

Walang kurap itong nakatitig sa 'kin. "Don't you dare correct me. Hindi mo naranasan ang pinagdaanan ko."

"Paano mo nakuha ang librong 'yan?" lakas-loob kong tanong.

She tilted her head. "Ah, this? It was given to me."

"By whom?" Sinusubukan kong i-distract siya habang gumagawa ako ng paraan para makatakas. Hindi ko pa nababawi ang nawalang lakas ko.

Natahimik ito para isipin kung sino nga ba ang nagbigay ng libro. Mahahalata sa ekspresyon niya na hindi nito matandaan ang taong 'yon.

"How did you transfer your soul to the body of Beatrice?"

Nagliwanag ang mukha niya sa tanong ko. "I didn't saw his face but I knew he is a man," sagot nito, "He gave me a potion for that to happen."

Ang kaninang masaya niyang ekspresyon ay napalitan ng lungkot. "If they didn't fall in love with me … I will die … "

Madali niya akong nilingon. Bumilis ang tibok ng puso ko at namawis ang pareho kong palad. Hindi ko magawa ang aking plano dahil pinangungunahan ako ng kaba.

"This is your fault. Yes, it is …" bulong nito sa sarili.

Napakapit siya sa kaniyang buhok. "Kung hindi ka sana nangealam … mamahalin nila ako. Katulad ng nasa kwento!"

Umalingawngaw ang sigaw niya. Nanginig ang buo kong katawan habang sunod-sunod ang pagbuhos ng aking luha.

"He said … If I kill you, everything will back right on track. If I kill you … this body will be mine." Dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa direksyon ko.

Pinilit kong gumapang para makalayo. Hindi ko ininda ang amoy ng mabahong tubig sa sahig. Naninigas ang mga daliri ko, namamanhid na rin ako.

This is my first time being helpless. Nagiging sarado ang utak ko, hindi ako makapag-isip ng tama.

Lakad-takbo siyang lumapit sa 'kin saka tinapat ang talim ng kutsilyo sa leeg ko. Nakangiti itong lumuluha habang pinagmamasdan ako. "I need you to die for my stead. I have to stay here for my revenge … you understand me, right?"

To be continued...

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon