Chapter 21: Special Event

10.6K 893 459
                                    

Sophia's POV

Sa pagdating ni Beatrice, hindi niya napansin si Killian na nakatalikod sa kaniyang direksyon. Ang atensyon ng dalaga ay nasa kalangitan kaya wala siyang ideya sa presensya nito.

UMIHIP ng malakas ang hangin dahilan para magliparan, ang mga tuyot na damo na nakakalat sa lupa. Napakapit si Beatrice sa kaniyang buhok upang iyon ay hindi gumulo. Kaso ang epic! Nasapol sa mukha niya ang isang plastik na puno ng lamang basura.

"Pfft—" Pinigilan kong hindi matawa ng malakas. Kinagat ko 'yong ibaba ng gown ko saka tumawa ng walang tunog hanggang sa makapusan ako ng hininga.

Hinagis ni Beatrice 'yong basura sa direksyon ko dahilan para mamilog ang aking mga mata. Buti na lang, excellent ang reflexes ko kaya nakaiwas kaagad.

Sinilip ko sila. Kasalukuyang inaayos ni Beatrice ang postura lalo na ang mga hibla ng buhok na humarang sa mukha niya.

Siguro ay hindi pa naman ako bistado. Coincidence lang yata 'yong pagbato niya rito.

Maya-maya pa ay nagpakita na ang mga alitaptap sa paligid. Tiningala ko ang aking ulo para tanawin ang mga ito.

"Wow..." mahinang banggit ko.

Iba talaga kapag ma-experience mo mismo ang ganitong scenario, kaysa sa nababasa mo lang. Imagination ko lang 'to dati eh, nagkatotoo na.

Sa dami ng alitaptap, mas naging maliwanag na ang paligid. Ngayon ay malinaw ko ng nakikita ang ganda ng hardin at ang senaryo na nagaganap.

Binalik ko ang aking atensyon sa dalawa. Sumandal ulit ako sa puno habang pinapanood sila mula rito.

Nakatitig si Beatrice sa mukha ni Killian. Sakto ang pwesto pati ang layo niya para makita ng mabuti ang ekspresyon nito. Ilang minuto niyang sinuri si Killian bago napagdesisyunan na lumapit.

Makikita ang natural na kagandahan ni Beatrice, para siyang diwata. Tinatangay pa ng hangin ang kaniyang buhok. Nasisilaw sa liwanag ng buwan ang puting gown na suot, kumikinang din ang beads nito.

Yayakapin niya si Killian sa likuran at... "Thud!" tunog ng pagbagsak sa lupa.

Napatayo ako sa gulat. "Hik!" Nagitla ako nang humarap si Killian sa direksyon ko.

"At last, nagpakita ka rin," nakangisi niyang sabi.

"Bakit ka umiwas—ack!" Hindi ko mapigilan ang dugong lumalabas sa bibig ko.

Frustrated kong binalik ang tingin sa kaniya. Si Beatrice naman ay tulala sa kawalan. Hindi niya pa yata nada-digest ang nangyari. Iniwasan kasi siya ni Killian at hinayaang madapa.

Sumasakit ang ulo ko sa sobrang inis, idagdag mo pa ang sama ng kondisyon ko. Habang nakatakip ang kanang palad ko sa aking bibig, gamit ang kaliwa ay tinuro ko ang direksyon ni Killian.

Kita mo 'yan! Alam niyang nasa paanan niya si Beatrice, wala pa yata siyang balak na tulungan itong makatayo!

"Panira ka ng atmosphere! Bwisit ka!" buong lakas na sigaw ko para mailabas ang naipon kong inis sa aking dibdib.

Nanginginig ang buong kalamnan ko, at nanlalambot ang pareho kong tuhod. Napaluhod ako sa lupa dahil dito.

"Argh!" Mahigpit akong napakapit sa aking dibdib nang kumirot ng matindi ang puso ko.

Dapat sa harap ng mga bisita ko ito ipapakita. Paano na kaya 'to? Wala na akong lakas para makalakad pa pabalik ng palasyo.

Narinig ko ang mga yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. Inangat ko ang aking paningin para pagmasdan siya. Madali niya akong binuhat pabalik sa event. Hinayaan ko na lamang ito, wala na akong lakas para labanan pa si Killian.

NANG marating namin ang patutunguhan, napasinghap ang karamihan nang makita ang sitwasyon ko. Natanaw ko si Lawrence sa malayo na napatayo sa kaniyang kinauupuan.

"Elizabeth!" Madaling lumapit sa 'min si Duke White.

"Sister ... ." Nagsimulang pumatak ang mga luha ni Felixander habang nakatitig sa 'kin. Hanep ... best actor.

May lumapit na doctor para i-check ang pulso ko. Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid upang masuri nito ng maayos ang kalagayan ko. Maya-maya pa ay malungkot siyang napailing. "Ilang minuto na lang ang itatagal ng buhay niya."

"Ano ang nangyari sa anak ko!" galit na sigaw ng Duke kay Killian.

"Naabutan ko siyang ganito ang hitsura," sagot ni Killian habang blangko ang ekspresyon.

"Sa palagay ko ay nilason siya. Her pulse and heartbeat are irregular. It is even hard to feel. Her body temperature drops. Her skin color is abnormal. These are the symptoms of poisoning. She has trouble breathing. She is already vomiting blood, ibig sabihin kanina pa kumalat ang lason sa katawan niya," the doctor explained.

"Investigate this matter, here and now!" utos ng Emperor.

Nagsikilos naman kaagad ang Imperial Knights para halughugin ang paligid. Nagtungo sila sa iba't ibang direksyon. May iba na sinuri ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa, ganoon din sa mga inuming alak. Lahat ng bisitang naririto, maging ang mga servant ng palasyo ay naging suspek sa hinihinalang may kagagawan ng nangyayari sa 'kin.

Lumalabo na ang paningin ko. Ang pakiramdam na 'to ay pamilyar na pamilyar sa 'kin. Ganito pakiramdam ko noong bago pa ako mamatay sa dati kong mundo.

"Ah …" mahinang daing ko.

Sinandal ko ang aking ulo sa dibdib ni Killian para ipahinga ang sarili. Nahagip ng mga mata ko ang aking itsura sa malaking salamin.

What a mess? Mukha akong na-murder. Ha ... mauubusan na yata ako ng dugo.

"Ugh!" Sinadya kong umubo sa coat ni Killian sabay pinunas ko na rin ang bibig ko roon. Sumama ang tingin niya sa 'kin, so I patted his chest to calm him down. "Hindi halata, naka-maroon ka naman ..." halos pabulong kong sabi.

Hindi ko na inabala ang sarili kong klaruhin na mawawala na ako. Sa paraan pa lang ng pagtitig niya sa 'kin, batid kong may nalalaman siya sa plano namin. Hindi siya tatawaging great magician kung sa ganitong pagpapanggap ay magpapaloko siya.

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay sa 'kin ng kung sino. Paglingon ko, si Lawrence lang pala. Inilapat niya ang palad ko sa pisngi niya habang humahagulgol ng iyak.

Kita mo 'yan, Elizabeth? Iniiyakan ka ng mahal mo.

Pawaksi kong inalis ang kamay ng prinsipe, at saka nanghihinang niyakap si Killian sa leegan. "Bago ako mabura sa mundo, iiwanan muna kita ng problema," bulong ko bago humagikhik ng tawa.
Nakabaon ang mukha ko sa leeg niya, para maitago ang tusong ekspresyon ko. Killian, ipaparanas ko sa iyo ang ganti ng api.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Killian saka siya malalim na hinalikan. Napangisi ako nang masilip ko ang naging reaksyon niya. Naistatwa siya sa kinatatayuan habang tulala sa kawalan.

Narinig ko ang singhap ng mga tao sa paligid. Palakas ng palakas na rin ang kanilang bulungan. Para silang mga bubuyog dahil sa pagsabay-sabay nilang bulong sa katabi.

Ilang minuto lang ang lumipas, nasaksihan ko ang tuluyang pagbitaw ng braso ko sa pagkakakapit. Para na ako ngayong lantang gulay na buhat-buhat ni Killian.

"Oh my—"

"Elizabeth!"

"Daughter!"

Namamanhid ang buong katawan ko, wala na akong maramdaman. Nagdilim na ang aking paningin, hindi ko nakikita ang nangyayari pero naririnig ko pa ang ingay ng mga tao.

Bago tuluyang mawalan ng malay, nagawa ko pang mapakinggan ang bulong ni Killian malapit sa tenga ko.

"Galingan mo sa pagtatago. Hindi ka makakawala sa 'kin."

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon