Chapter 20: Moon Rainbow

10.3K 573 14
                                    

Sophia's POV

Heh... Is this their way of publicizing their relationship? But I do agree, they look good together.

Palihim akong napalingon sa kinaroroonan ni Killian. He is staring intently in the direction of Beatrice.

Hmm, I guess it right. Na-in love na siya noon pa lang sa tea party.

I took a glass of champagne to enjoy the moment. Bago pa ako maging Elizabeth, naging fan muna ako ng main characters na tinatanaw ko ngayon. Even though the scene is slightly different from the original, I can't help but watch the new flow of the story.

"Poor her... Sa huli hindi talaga siya ang pinili ng Prinsipe," sabi ng babae habang nakatingin sa 'kin.

"Shh! Baka marinig ka niya," saway ng kasama niya.

Tuloy niyo lang ang chismis, wala akong pake. Makahanap na nga lang ng makakain. Hindi kumpleto ang panonood ng walang nginunguya.

Tinungo ko ang kinaroroonan ng mahabang lamesa, kung saan nakapatong doon ang mga pagkain. Kumuha ako ng pinggan saka tatlong strawberry flavor cupcake.

"I am pleased to have you here. Dear guests, hope you will enjoy the night." Inangat ni Lawrence ang stemware na may lamang white wine, nakigaya rin ang mga bisita.

"Long live, Your Highness!" sabay-sabay nilang sabi bago ininom ang laman ng kani-kanilang baso.

Sinimulang tugtugin ng orchestra ang kani-kanilang instrumento. Sa unang musika, si Lawrence pati si Beatrice lang ang sumayaw sa gitna.

Habang pinapanood ko silang dalawa, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Elizabeth. Kahit isang beses, hindi nito naranasang makasayaw ang Prinsipe.

Sa mga okasyon na napuntahan nila noon, magkasama silang papasok sa event pero iniiwan naman siya nito sa sulok. Nagagawang isayaw ni Lawrence ang ibang babae pero ang sariling fiance, hindi niya magawang bigyan ng atensyon.

"Magnificent!" komento ng nobleman.

"They look good together," komento ng karamihan.

UMALINGAWNGAW ang palakpakan ng mga manonood matapos ang performance na pinakita nina Lawrence at Beatrice.

Napaka perpekto ng bawat galaw ni Beatrice, hindi halata na lumaki ito sa countryside. Nagagawa niya talagang gampanan ng tama ang pagiging protagonist sa mundong 'to.

Sa sumunod na tugtog, may mga pares ang nagtungo sa gitna para sa sabayan ang ritmo ng musika. Bawat lalaki na narito ay lumapit sa mga babaeng ibig nilang makapareha.

"Hmm…" Sumipol ako nang masaksihan ang paglapit ni Killian kay Beatrice para alukin ito ng sayaw. Hindi rin magpapahuli ang second lead sa pagkuha ng atensyon ng babaeng bida.

Iniba ko ng direksyon ang aking paningin para hindi sila panoorin pa. Hinayaan ko ang aking sarili sa sulok tutal wala namang may balak na ayain ako.

Sa putla ko pa lang, ewan ko na lang kung hindi pa nila mapapansin ang sistema ng kalagayan ko.

Naagaw ni Lawrence ang aking atensyon. Pinagmasdan ko siya sa malayo dahil parang may hinahanap itong tao sa gitna ng mga bisita.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon