SIMULA

237 11 0
                                    

Simula

T-shirt

--

"Ano ba yan!?" si Celine nang bahagyang dumulas sa kamay ko ang basong hinuhugasan at naglikha iyon ng kaunting ingay.

"P-Pasensya na. Nadulas lang..." sabi ko at iningatan na ang paghuhugas ng mga plato.

"Baka naman nagdadabog ka na dyan dahil ikaw nalang palagi ang pinaghuhugas namin?" nagtaas siya ng isang kilay.

Nilingon ko siya at binalik ulit sa hugasin ang mga mata bago siya sinagot.

"Ah, hindi naman. Nadulas lang talaga, Celine. Pasensya na..."

"Mabuti nga at pinatira ka namin rito tapos nagdadabog ka pa! Magpasalamat ka nalang na may tinitirahan ka!"

Si Tita Cecilia na nasa hapag at kumakain rin ay ngumisi lang at tumingin sa akin. Hindi na ako umimik.

Hindi naman ako nagrereklamo. Nadulas lang talaga sa kamay ko ang baso kaya bahagyang nakagawa ng ingay. Tsaka ayos lang sa akin ang gumawa ng mga gawaing bahay rito dahil utang na loob ko sa kanila ang pagpapatita nila sa akin rito. Kung hindi dahil sa kanila, baka sa kalsada na ako nakatira ngayon.

Kamamatay lang ni Nanay at Tatay. Nasagasaan sila ng malaking truck habang naglalakad sa kalsada. Ang perang inipon nila para sa akin at ang perang inipon ko na rin mula sa munting trabaho ko ay nilaan ko sa pagpapalibing sa kanila. Kaunti nalang ang natirang pera sa akin kaya wala na akong pambayad pa sa inuupahan naming bahay. Pinalayas ako roon.

Mabuti nalang nandoon pa sina Tita Cecilia at Celine nung mga panahon na iyon dahil nagpunta sila sa burol nina Nanay at Tatay. Malapit lang ang bahay nila sa amin at doon nila ako pinatira. Kaya lang hindi ganon kaganda ang tungo nila sa akin pero nagpapasalamat pa rin ako na pinatuloy nila ako rito. Kahit papaano naman anak pa rin ako ng kapatid ni Tita Cecilia, ang Nanay ko.

"Wala ka pa bang pera dyan? Kailangan nang magbayad ng tubig at ilaw," si Tita Cecilia sa akin.

Tapos na ako sa paghuhugas ng pinggan at nagpupunas na ng kamay. Hinarap ko sila na masarap na kinakain ang pagkain na niluto ko. Naramdaman ko ang bahagyang pagkulo ng aking tiyan. Hindi pa ako kumakain.

"Uh... wala pa po, eh. Hindi pa po ako nakakapag bake ng cupcakes..." sabi ko.

"Kung ganon gumawa ka na at i-post mo na online! Nang nakabenta ka na agad! Mapuputulan na naman tayo sa pagmamabagal mo!"

"O-Opo. Pupunta na po ako sa simbahan..." sabi ko at nagmamadali nang pumunta sa aking kwarto para magbihis.

Naligo ako at nagpalit ng damit. Gusto ko sanang kumain muna bago magtungong simbahan pero mukhang iritado si Tita Cecilia sa akin kaya mamaya na siguro ako kakain. Iinom nalang muna ako ng tubig.

Ang kaunting perang natira sa akin ay ginamit ko para makapag bake at makapag benta online. Medyo active ako sa facebook at marami namang bumibili sa akin at marami ring naghahanap kaya hindi na mahirap makabenta. Masarap daw kasi ang bake ko kaya talagang gustong gusto nila. Tuwang tuwa naman ako lalo na dahil mga kaklase ko noon ang palaging bumibili.

Tuwing linggo palagi akong nagsisimba. Palagi rin akong bumibisita roon lalo na kapag gusto na ng pera ni Tita Cecilia, doon ako nagba-bake para makapag benta na at kumita.

Kasali rin ako sa grupo ng nagsasayaw sa simbahan. Pero minsan hindi ako nakakapag practice dahil nagde-deliver ng mga cupcakes. Pero ayos lang rin dahil nakakasabay naman ako sa kanila kahit ganon.

"Magandang araw po," nakangiti kong bati kay Pastora nang nakarating ako sa simbahan.

Maliit lang ang simbahan namin. May stage sa dulo kung nasaan ang drums, piano, gitara at iba't iba pang klase ng instrumento. Doon tumutugtog ang mga kasamahan kong lalaki rito. Kami namang mga babae ang sumasayaw sa baba lang ng stage. Tapos sa harapan namin ay ang mga taong nagsisimba, may mga upuan at tabi tabi sila. Aircon ang simbahan at maliwanag.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now