KABANATA 8

104 10 0
                                    

Kabanata 8

Friend Request

--

Parang ayoko nang bumalik pa sa simbahan nang dahil sa nangyari. Parang ayoko nang magpractice ulit kasama ang mga kaibigan ko! Hindi ako tinigilan nina Lira at ng iba ko pang mga kasamahan sa pagtatanong tungkol kay Benjamin. Gusto nilang malaman kung paano kami nagkakilala ni Benj at wala naman akong masabi dahil panay ang tukso nila! Wala pa nga akong nakukwento, tukso agad ang inaabot ko kaya napagpasyahan ko nalang na wag nang sabihin.

Ngumuso ako. Hindi ko alam kung bakit nila ako tunutukso nang dahil lang roon. Kapag naman si Andrew o ibang mga kasamahan na lalaki ang kasama ko hindi sila ganyan. Bakit kapag si Benjamin na, parang may napaka kakaiba.

Naging maayos naman ang pagpapractice namin kahapon kahit pa panay ang tukso sa akin nina Lira. At ngayon kahit nahihiya pa rin ako kay Benjamin dahil sa ginawa ng mga kaibigan ko, pinilit ko pa ring pumunta. Hindi ako pwedeng nag absent sa practice nang dahil lang roon! Kahit pa sobrang kahihiyan talaga para sa akin ang nangyari!

Nakangisi agad si Lira nang nakarating ako sa simbahan. Wala pa si Ate Kay pero nagpapractice na ang iba, medyo kabisa na agad nila ang tinuro ni Ate Kay kahapon.

"Tigilan mo nga ako, Lira," inunahan ko na ang kaibigan dahil sa ngisi niya.

Humalakhak siya. "Oh? Wala naman akong sinasabi, ah?"

"Offensive 'to!" si Coline na tumawa rin sa tabi niya.

Umirap ako. "Wag niyo nang uulitin iyon. Hindi ba kayo nahihiya? Sa harap pa talaga ni Benjamin Abelardo?"

"Bakit ka mahihiya? Crush mo rin siya, noh?" tukso ni Lira at bahagya pa akong kiniliti sa baywang.

"Lira!" saway ko.

"Sus! Kinikilig ka rin naman, eh. Aminin mo na. Sa guwapo ni Benjamin, imposibleng wala ka pang gusto sa kanya. Pulang pula ka nga kahapon dahil sa ginawa namin kaya siguradong may--"

"Sobrang nahiya lang ako sa ginawa niyo! Binigyan niya lang naman ako ng tubig, binigyan niyo na agad ng malisya!" ngumuso ako.

"Bakit ka ba niya binigyan ng tubig?"

Natigilan ako at hindi nakasagot sa tanong ni Lira. Nagkatinginan sila ni Coline at sabay na humalakhak. Uminit ang pisngi ko.

Bakit niya nga ba ako binigyan ng tubig kahapon? Pwede naman akong kumuha mag isa!

"Napaka inosente mo talaga, Sha sha. Alam mo, kung ano ang nasa posisyon mo, sinunggaban ko na iyon!"

"Hoy, nasa simbahan ka!" saway ni Coline kay Lira pero tumawa rin naman.

"Tumigil nga kayo! Wag kayong mag isip ng kung ano. Kung ang sinasabi niyo ay may gusto siya sa akin nang dahil lang binigyan niya ako ng tubig, nagkakamali kayo. Imposibleng magkagusto siya sa akin," sabi ko at naupo na sa tabi nila.

"Paano kung magkagusto? Magugustuhan mo rin?" hindi pa rin talaga titigil si Lira!

Uminit ang pisngi ko. "Pwede ba, Lira? Tigilan mo na nga ako!"

Sabay silang humalakhak ni Coline ngunit tinigilan na rin naman ako. Nanunukso pa rin ang titig nila pero hindi ko nalang pinansin. Bukod sa nahihiya ako, naiisip ko rin na imposible ang mga iniisip nila! Paano naman magkakagusto sa akin si Benjamin? Kung titignan ko ang agwat ng buhay naming dalawa, napaka imposible na mangyari iyon!

Dahil mayaman siya at mahirap lang ako. Hindi kailanman magkakagusto ang isang gaya niya na mayaman sa isang tulad ko. Sa telebisyon at sa mga libro lang iyon nangyayari at hindi sa totoong buhay! Kaya imposible!

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now