KABANATA 26

83 6 0
                                    

Kabanata 26

Mama

--

Hindi na ako bumalik kina Tita at Celine. Kahit pa gustong gusto kong malaman ang buong katotohanan. Na baka sakaling may alam sila sa tunay kong ina kung nagsasabi man sila ng totoo. Alam ko rin naman kasi na hindi nila ako papakinggan. Hindi sila maaawa sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na wala silang pakialam.

Pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil pinatuloy nila ako sa kanilang bahay kahit hindi naman pala nila ako kaano ano. Utang na loob ko sa kanila ang mga araw na sa kanila ako natulog. Binigyan nila ako ng maliit pero magandang kwarto. Palagi man kaming nag aaway, may malaking parte pa rin sila sa aking puso.

Nagpatuloy ang mga araw ko. Busy na si Benjamin sa mga sumunod na araw kaya hindi na siya nakakapunta kapag gabi na. Tuwing umaga nalang at aalis na pagkatapos kumain ng tanghalian kasama ako. Kaya rin hindi niya pa rin alam na kina Pastora na ako tumutuloy ngayon dahil pinalayas sa amin.

Hanggang sa isang araw, isang babae ang nagpunta sa simbahan. Maamo ang kanyang mukha at simple ang kasuotan. Para bang sa probinsya nanggaling.

Kausap siya ni Pastora sa may gilid habang ako nasa may pintuan ng bahay, nakikinig dahil may narinig ako. Si Coni ay wala ngayon dahil lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan.

"May nakapag sabi sa akin na nandito ang anak ko. Gusto ko sana siyang m-makita..." umiiyak na ani ng babae habang nagmamaka awa.

"Osige ho... Ano po ba ang pangalan ng anak ninyo?" marahang tanong ni Pastora at pinaupo siya sa table.

"Natasha... Natasha raw ang kanyang pangalan! Meron po ba kayong kilalang dalaga na Natasha ang pangalan?"

Para akong nabingi sa narinig. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"S-Sigurado po ba kayo na iyon ang pangalan niya?" tanong ni Pastora na halatang nagulat.

"Oo... Iyon ang pangalan na sinabi ng kapatid ng babaeng nag ampon sa kanya. Matagal ko nang hinahanap ang aking anak kaya nagmamaka awa ako sainyo... Tulungan niyo akong mahanap ang anak ko. Ang tagal tagal ko na siyang gustong makita at makasama..." paulit ulit na pagmamaka awa ng babae.

Unti unti akong lumabas sa bahay. Tiningnan ko ang table kung nasaan si Pastora at ang babaeng kinakausap niya. Napalingon sa akin ang babae habang umiiyak siya. Nanlaki ang kanyang mga mata at ang nanginginig na kamay ay ipinatong sa table upang makatayo siya.

Napatayo rin si Pastora at tumingin sa akin. Nanatili lang naman ang paningin ko sa magandang babaeng nakatingin na rin sa akin ngayon. Magkahawak ang kanyang mga kamay at kitang kita ko ang halo halong emosyon sa kanyang mga mata.

"Natasha?" halos walang boses niyang sinabi. "Ikaw ba si Natasha?"

Nangilid ang luha sa mga mata ko habang tinititigan ko siya. Hindi ko pa alam ang buong katotohanan ngunit bakit parang pakiramdam ko...

Lumapit sa akin ang babae. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Gusto akong hawakan ng kanyang mga kamay ngunit hindi niya alam kung saan ako hahawakan o nagdadalawang isip siya dahil baka hindi niya ako pwedeng hawakan.

Maamo ang kanyang mukha. Isang babaeng tinititigan ko ngayon ngunit para akong tumititig sa salamin. Umawang nang bahagya ang labi ko at tumulo na ang mga luha mula sa aking mga mata. Ni hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ganoon.

"A-Anong pangalan mo, hija? Ikaw ba si Natasha?" tumingin siya sa mga mata ko.

Pati ang kanyang mga mata, pamilyar na pamilyar sa akin.

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon