KABANATA 37

95 5 0
                                    

Kabanata 37

Arkitekto

--

Sinamahan nga ako ni Benjamin kinabukasan para maghanap ng bahay. Sumakay kami sa sasakyan niya. Hindi naman kalakihang bahay ang hinahanap ko para sa amin ni Mama. Syempre 'yong sakto lang at kaya ng budget.

Tama nga siguro ang mga sabi sabi na kapag masaya ka, hindi mo mamamalayan ang oras.

Nakahanap kami ng bahay. Saktong sakto lang para sa amin ni Mama. Ilang araw din kaming naghanap ni Benj. Gusto niyang tumulong para mapabilis ang paghahanap ko pero 'di ko siya hinayaan. Alam ko marami siyang source para mahanapan agad kami ng bahay kaya ayoko. Ako mismo ang naghanap, sinamahan niya lang ako sa kahit saan.

Pagkatapos no'n sinimulan ko na ang paghahanap ng magandang pwesto para sa pagtatayuan ng business ko. Tinulungan din ako ni Benj doon. Lagi siyang nandyan sa tabi namin ni Mama at nandyan din siya sa tuwing kailangan ko siya. Kahit pa napaka busy niya sa kanyang trabaho. Isama mo pa 'yong iniwan niyang trabaho sa Palawan na tinatrabaho niya gamit ang kanyang laptop.

Minsan nagi-guilty na nga ako, e. Talagang sinasabay niya pa ako sa busy niyang schedule. Pero sabi niya ayos lang 'yon at mas importante ako para sa kanya.

Kahit papaano maayos naman ang nagdaang mga araw. Lalo na no'ng bumalik ako sa simbahan. Nandoon pa rin si Pastora at si Coni!

"Sha sha! Oh my gosh!" nauna pang yumakap sa akin si Coni na kalalabas lang ng bahay nila kesa kay Pastora na papunta palang sana sa akin.

Nagulat ako. Nakita ko namang ngumiti si Pastora habang pinagmamasdan kami.

"Coni! Buti nandito ka?" yakap ko rin sa kanya.

Tanda ko kasi noon bago ako umalis sinabi niya sa akin na may bahay na siya at bumibisita nalang sa Mama niyang si Pastora.

"Bumibisita lang ulit! Sakto at nandito ako! Kailan ka pa dumating?" hinarap niya ako.

"No'ng isang buwan pa. Sorry ngayon lang ako nakapunta," sabi ko sabay tingin din kay Pastora.

"Ayos lang, Sha sha. Na-miss ka namin lalo na itong anak ko."

"Syempre! Tsaka ayos lang, noh! Naiintindihan ko naman ang mga nangyari at..." napatingin siya bigla sa likuran ko kung nasaan si Benjamin at pagkatapos muling tumingin sa akin, halatang nagtataka at gustong makarinig ng paliwanag.

"Mahabang kwento..." nahihiya kong sambit.

Nanliit ang mga mata niya at isang mapaglarong ngisi ang lumabas sa kanyang labi. Pinandilatan ko lang siya.

Si Mama rin ay kasama ko. Sabi niya gusto niya ring makita si Pastora para makapag pasalamat nang mabuti sa pag aalaga nito sa akin noon. Saktong linggo kaming pumunta. Kaya naman nakita ko rin ang mga kaibigan kong wala pa ring pinagbago.

"Sha sha?" nanlalaki ang mga mata ni Lira nang nakita ako. Gano'n na rin si Coline na nasa tabi niya.

"Lira! Coline!"

Nasa loob ng simbahan sina Benj at Mama, nakikipag usap sa mga kakilala. Hinayaan na muna nila ako rito para makipag usap sa mga kaibigan kong kay tagal kong naiwan. Maya maya pa naman magsisimula ang samba.

"Nagtatampo ako sayo!" humalukipkip si Lira at hindi ako tiningnan, pagkatapos kong magpaliwanag nang pagkahaba haba.

Ngumuso ako pero nangingiti rin. Alam kong nagbibiro lang sila pero alam ko ring totoong medyo nagtatampo nga sila sa akin.

"Pero naiintindihan namin. Ang hirap nga ng pinagdaanan mo. Hay naku! Kapag talaga nakita ko 'yang Celine na 'yan, naku! Kung wala lang ako sa simbahan baka kung ano ano na ang nasabi ko sa kanya!" gigil na sambit ni Coline.

The Love (The Trilogy #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя