KABANATA 5

120 9 1
                                    

Kabanata 5

Tulong

--

Gabi na kaya naman tulog na sina Tita Cecilia at Celine nang dumating ako sa bahay. At dahil sa malayo ako nagpababa kay Benjamin, hindi rin nila makikita na may naghatid sa akin kung gising sila.

Kalahati ng kinita ko ang binigay ko kay Tita Cecilia kinabukasan. Kahit papaano hindi na siya nagalit at nakahinga ako ng maluwag roon. Natuwa rin ako dahil hindi na siya nagalit sa akin. Naisip ko na kung ipagpapatuloy kong maging mabuti ay magkakamabutihan na rin kaming tatlo.

"Nasaan yung sakin?" nakangising tanong ni Celine nang nakita ang pagbibigay ko kay Tita.

Umalis na si Tita para siguro magbayad na ng tubig at ilaw. Bahagya akong natigilan at napatingin kay Celine.

"Wala kang ibibigay sa akin? Wala ka manlang bonus dyan?" tanong niya.

"Uh..."

Malaki naman ang tip sa akin ni Benjamin kaya mabibigyan ko pa rin siya. Pero balak ko kasi talagang mag ipon ng mabilis. Pero kung talagang kailangan kong bigyan si Celine ng pera, bibigyan ko siya.

"Ano bang... gagawin mo sa pera, Celine?" marahan kong tanong.

"Panggala. Ang tagal ko nang hindi nakakagala kasama ang mga kaibigan ko. Kaya bigyan mo na ako, alam kong marami ka pang pera dyan."

Kinagat ko ang labi ko. Panggala? Iyon lang?

"Sige na, Sha sha! Minsan lang ako manghingi sayo kaya bakit hindi mo pa ako bigyan? Tsaka marami ka namang ipon dyan kaya sigurado akong hindi ka mawawalan! Panggala lang naman..." ani Celine.

Napabuntong hininga ako. Akala ko ba naman iipunin niya pero dahil gusto kong magustuhan nila ako at para na rin maging close kami (sana), binigyan ko pa rin siya ng pera.

"Ito..." sabay abot sa kanya ng limang daan na pera.

Napangiti siya at tinanggap agad ang pera. "Ayan! The best ka talaga, Sha sha! I love you!"

Ngumiti ako pero agad na siyang tumalikod at pumasok sa kwarto niya, agad agad nang aayain ang mga kaibigan at mag gagala.

Napabuntong hininga ako. Gusto ko sanang sumama pero... alam ko namang hindi niya ako isasama. Kahit pa ako ang nagbigay sa kanya ng pera. Nakaramdam ako ng kaunting kalungkutan sa isiping iyon pero binalewala ko nalang.

Siguro sa susunod? Siguro gusto na niya akong isama sa susunod...

Sa edad kong ito, gusto ko pa rin ng pagmamahal. Lahat naman yata gusto ng pagmamahal. Kahit anong edad mo, kailangan mo ng pagmamahal. Kaya hindi naman siguro masama kung maghanap ako, diba? Kung umasa ako araw araw na sana paggising ko, sasalubungin ako ng ngiti ng Tita at ng pinsan ko na si Celine. Mabubuhay kami ng masaya at magkakalapit.

Ganon lang kasimple ang gusto ko pero napanghihinaan ako ng loob at nakakaramdam ng lungkot kapag naiisip na... napaka labo ko yatang makuha iyon.

Bakit parang napaka labo? Bakit parang hindi ko makukuha? Iyon lang naman, eh. Pagmamahal lang...

Umiling ako at inalis nalang sa isip ang mga iyon. Bumuntong hininga ako at umalis sa kama para makapag luto na ng tanghalian. Ako palagi ang gumagawa ng gawaing bahay dito dahil syempre, palaging wala si Tita Cecilia at walang alam sa gawaing bahay si Celine. Kahit pa sinasabi kong tuturuan ko siya para naman kahit papaano mapalapit din kami sa isa't isa, nandidiri lang siya at umaayaw kaya ako nalang ang gumagawa ng lahat.

Kapag naka ipon talaga ako, patitirahin ko sila sa bahay kung saan may mga kasambahay sila. Alam kong mangyayari iyon kapag nakapag patayo na ako ng sarili kong shop. Hindi na sila mahihirapan at palagi nang makaka gala si Celine!

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon