KABANATA 9

93 8 0
                                    

Kabanata 9

Rest

--

In-accept ko si Benjamin sa facebook.

Medyo nanibago pa ako nung una dahil akala ko hindi hilig ng mga katulad niya ang facebook. Ngunit nang tignan ko ang profile niya, at nakitang isa palang ang picture niya. Nasa beach siya, sunset, profile niya iyon. Ako palang rin ang friend niya. Ibig sabihin, kagagawa niya pa lang! Hindi talaga hilig ng mga katulad niya ang facebook!

Kumunot ang noo ko. Nagtataka rin ako. Kung ganon wala siyang facebook noon, ngayon palang siya nagkaroon! Bakit kaya siya gumawa? Siguro ngayon niya lang nalaman ang facebook? Nalaman niya lang sa akin? Mukha kasing nagtataka siya nung una kong binanggit sa kanya iyon kaya siguro sinubukan niya lang rin ngayon?

Kapag talaga mayaman, hindi na pinapansin ang mga ganito. Napailing ako.

Ilang minuto lang ang lumipas, may nagnotif na sa akin. Nakita kong si Andrew iyon, nagcomment sa post kong cupcakes. Nakalagay na roon ang presyo at lugar kung saan ako nakatira.

Andrew Martinez: Walang cookies and cream?

Scarlett Natasha Romero: Wala na.

Andrew Martinez: Bakit?

Scarlett Natasha Romero: Nabili na. Iba nalang ang bilhin mo. Haha.

Andrew Martinez: The chocolate and strawberry cupcakes nalang.

Scarlett Natasha Romero: Okay! Deliver ko na sainyo.

Napangiti ako at bumangon na sa kama para makapag deliver na. Kinuha ko ang chocolate at strawberry cupcakes tapos umalis na ng bahay. Dala ang shoulder bag kung nasaan ang cellphone at wallet ko, sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay nila Andrew.

Lira Castro: Ang daya! Strawberry sa akin eh.

Andrew Martinez: He. Sa akin na iyon.

Lira Castro: Whatever! Sa akin nalang ang mango flavor, Sha sha.

Scarlett Natasha Romero: Okay!

Andrew Martinez: Haha!

Napangiti ako habang binabasa ang kakulitan ng mga kaibigan ko. Marami pang nagcomments sa post ko, umaangal dahil naubos agad. Humingi nalang ako ng pasensya sa kanila at sinabing magkakaroon ulit sa susunod.

Wala pa ako masyadong budget para makapag bake ng marami gaya ng gusto ko. Panay rin ang kuha ko sa ipon ko kaya naman mabagal talaga ang pag usad. Pero hindi naman ako nagmamadali.

Sabi nga nila, everything takes time. Beautiful things happen at the right time.

Ngumiti ako nang buksan ni Andrew ang gate ng napaka laki nilang bahay. Nakasuot siya ng white t-shirt at shorts, malaki agad ang kanyang ngisi nang nakita ako. Inabot ko naman agad ang dalawang box ng cupcakes na gusto niya.

"Here's your order, Sir!" sabi ko at ngumiti.

Ngumisi siya. "Nagpapractice ka na, huh?"

"Syempre! Kailangan iyon."

Inabot ko sa kanya ang cupcakes habang nagbigay naman siya ng bayad sa akin. Muli akong napangiti.

"Thank you, Sir! Sa susunod po ulit!"

Natawa siya. "Don't call me Sir! Kahit malaki na ang negosyo mo, dapat Andrew pa rin ang tawag mo sa akin. Sige ka, hindi na ako bibili sayo," pananakot niya.

"Grabe ka naman! Ganon naman talaga dapat ang itawag ko sa mga customer ko, ah?"

"I'm different! We're friends!"

The Love (The Trilogy #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang