KABANATA 25

83 6 0
                                    

Kabanata 25

Stay

--

"Oh my gosh! Sha sha!" nanlaki ang mga mata ni Coni nang naabutan niya ako sa lamesa pagkalabas niya sa bahay nila ni Pastora.

Tumingin ako sa kanya. Basang basa pa ako at nilalamig na pero wala akong pakialam. Natigil na rin ako sa pag iyak, nakatulala nalang.

"W-What happened to you?" nag aalalang tanong ni Coni at nagtungo sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala akong balak gisingin sila at magpapatila lang sana ako pero hindi ko inasahan na magigising at lalabas si Coni.

"Sha sha, magsalita ka. Anong nangyari sayo? Ba't basang basa ka? At bakit dala mo ang mga gamit mo?" sunod sunod na tanong ni Coni.

Umupo siya sa tabi ko. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. Napatingin siya roon at pagkatapos sa akin. Hindi ko napigilan ang pag iyak ko. Nagulat siya roon. Niyakap ko siya at doon humagulgol muli ako. Natigil siya sandali ngunit ilang sandali lang ay niyakap na rin ako pabalik.

"Shh... Shh..." hinimas niya ang likod ko.

Hindi na siya nagtanong o kahit ano. Hinayaan niya nalang akong yakapin ko siya kahit hindi niya alam kung bakit ako umiiyak nang ganito. At nagpapasalamat ako roon.

"Magpalit ka ng damit. Basang basa ka," pinahiram ako ni Coni ng kanyang damit.

Bahagya na akong kumalma at pinapasok niya ako sa bahay nila. Tulog pa raw si Pastora ayon sa kanya. Lumabas siya kanina para kunin ang takure sa kusina sa labas dahil naiwan niya 'yon kanina roon. Magtitimpla sana siya ng kape.

"Salamat... At pasensya na rin sa abala..." sabi ko.

"Wala 'yon, ano ka ba! Magpalit ka na at baka magkasakit ka pa," anya at tumango ako.

Sa kwarto niya ako nagpalit at balak niyang patulugin ako roon sa tabi niya. Ang sabi ko ayos na ako sa sala pero hindi siya pumayag. Malaki naman daw ang kama niya at kasya kaming dalawa.

"Matulog ka na... Magtitimpla lang ako ng kape," paalam ni Coni nang natapos ako. "Kapag ganitong malamig palagi akong nagigising at gusto ko ng kape."

Tumango ako sa kanya. Ilang sandali niya pa akong pinagmasdan bago lumabas ng kwarto. Naupo naman ako sa kanyang kama pagkalabas niya at naalala na naman ang lahat lahat.

Hindi ako makapaniwala na ampon lang ako. Kailanman sa buhay ko hindi ko naisip 'yon. Ang saya saya naming pamilya. Ang saya saya namin ni Mama. Hindi ko kailanman naisip na hindi ko siya tunay na ina.

Paano nangyari 'to?

Tinakpan ko ang aking mukha at ilang sandaling nanatiling ganoon. Sobrang daming tanong sa utak ko na nagkakahalo halo kaya parang sasabog na ang utak ko kakaisip.

Sino ang tunay kong ina, kung ganoon? Sino siya at nasaan siya? Bakit hindi sinabi sa akin 'to nina Mama at Papa? Bakit nilihim nila sa akin? Sino ba talaga ako? Sino ako? Sino ang Mama ko?

Naiiyak na naman ako. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at poot. Bakit hindi ko 'to nalaman agad?

Ang sakit... Sobrang sakit. Humikbi ako.

Kinaumagahan nagulat si Pastora na nandoon ako sa kwarto ni Coni. Lumabas kasi ako at naabutan ko siyang nagbubukas ng tv sa sala. Napalingon siya sa akin at nakitaan ko ng pagkakabigla ang kanyang mukha. Bahagya akong ngumiti.

"Magandang umaga po, Pastora..." bati ko.

"Sha sha... Magandang umaga rin, hija. Anong ginagawa mo rito?" marahan niyang tanong.

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon