KABANATA 28

89 5 0
                                    

Kabanata 28

Hairpin

--

Hindi pa masyadong rumehistro sa utak ko na nandito nga si Benjamin. Hindi ko matanggap. O hindi lang ako makapaniwala! Hindi ko inasahan na makikita ko siya rito!

Baka naman namamalikmata lang ako? Baka naman hindi siya 'yon? Pero hindi ako pwedeng magkamali, e. Kilalang kilala ko siya. Lahat ng parte ng katawan niya ay kabisang kabisa ko na. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong siya 'yon. Si Benjamin 'yon!

Nakaupo ako ngayon sa bench sa likod ng mansyon kung saan ang malawak nilang hardin. Sobrang ganda rito, yun nga lang kaunti lang ang ilaw kaya madilim. Napapahawak ako sa aking noo at ulo dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina.

At ang mga mata niya... tila malungkot, galit, o... nasasaktan. Halo halong mga emosyon na sigurado akong nakita ko. Dahil tulad ng sinabi ko kanina, kilalang kilala ko na siya. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko sa mga mata niya. Kabisang kabisa ko na siya para magkamali pa.

Parang ayoko na talagang bumalik doon. Gusto ko nalang manatili rito hanggang sa magtapos ang party. Idadahilan ko nalang kay Mama na sumama ang pakiramdam ko. Pwede naman siguro 'yon.

Natatakot ako... Hindi ko alam kung kaya ko na bang makipag usap kay Benjamin kung sakali mang magkita kami o makita niya ako. Kahit hindi ako sigurado kung kakausapin niya pa ba ako pagkatapos ng lahat. Hindi ako nakapag handa rito. At sobrang guilty ako sa pag iwan ko sa kanya nang walang pagpapa alam... Kaya sobra natatakot ako, at sobrang naduduwag.

Pakiramdam ko wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanya. Pakiramdam ko kapag sinubukan ko siyang kausapin o lapitan, ang kapal kapal na ng mukha ko.

Kaya mas mabuti pang dito nalang ako. Alam ko rin naman na ayaw niya na akong kausapin o makita manlang dahil sa ginawa ko sa kanya. Alam kong galit na siya sa akin ngayon. Alam kong... baka hindi niya na ako mahal.

Sobrang liit ng pag asa na mahal niya pa rin ako pagkatapos ng lahat. Dapat nga hindi na ako umaasa, e. Pero kusa kasing umaasa ang puso ko, e...

Natigil ako sa mga iniisip nang nakarinig ng isang halamang gumalaw. Napalingon agad ako sa gilid ko. Isang anino ang aking nakita na palapit sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad napatayo.

Alam ko agad kung sino 'yon kaya agad akong nagpanic! Hindi ko alam kung saan ako magpupunta o magtatago. Hindi ako pwedeng makita ni Benjamin dito!

Bakit siya nandito? Ba't siya napunta rito sa talagang pinagtataguan ko pa sa kanya?

Nagpalinga linga ako sa kahit saan ngunit ang tanging pag asa ko lang ay makapasok ulit sa pintuan ng mansyon kung saan ako lumabas kanina!

Pero makikita niya ako kapag nagtungo ako roon! Pero wala nang oras! Ayokong makita niya ako rito!

Mabilis akong tumalikod at tumakbo. Nagtago ako nang bahagya sa mga halaman habang inaasam na mapuntahan ang pintuan ng mansyon.

Madilim naman kaya siguradong hindi niya ako makikita pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili, alam kong makikita at makikita niya ako! Kahit anong gawin ko!

"Who's there?" narinig ko ang boses ni Benjamin nang narinig at nakita siguro ang paggalaw ng mga halaman!

Pumikit ako nang mariin at malakas na kumalabog ang puso ko sa kaba. Nandito ako para umiwas sa kanya ngunit dito niya rin pala ako matatagpuan! Dito rin siya mapupunta!

Hindi na ako nakagalaw. Alam kong tumigil na sa paglalakad si Benjamin at tinatanaw na ako. Nakatakip sa akin ang mga halaman kaya sigurado naman akong hindi niya pa ako nakikilala.

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon