KABANATA 13

94 9 0
                                    

Kabanata 13

Dinner

--

Pinost ko sa facebook ang gawang cupcakes pagkatapos ng napaka habang araw. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina at napapabuntong hininga nalang ako.

Tumigil sila sa pagtulong sa akin dahil sa sinabi ko at dahil na rin sa nakitang iritasyon sa akin. Hindi ko naman na kasi napigilan. Nag aaway sila nang dahil lang sa chocolate icing. Napaka imposibleng mag away sila nang dahil lang roon sa maliit na bagay na iyon kaya naiinis ako. Naisip ko tuloy kung may iba ba silang pinag aawayan?

Wala naman siguro. Hindi ko naman sila nakikitang nag uusap noon. Ngayon nga lang sila nagkakilala nang dahil lang sa akin.

At si Andrew, sigurado akong alam niya kung gaano kayaman si Benjamin. Kilala itong tao at kahit mayaman siya, mas mayaman pa rin si Benj! Sana tumahimik nalang siya dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Pero kilala ko naman si Benjamin at ang pamilya nila, mababait silang tao. Pero kahit na... hindi pa rin tayo sigurado, diba.

Bumuntong hininga ako. Bahala na nga. Kahit sobra nang nagtataka kung bakit mainit ang ulo nila sa isa't isa, hindi nalang ako nagtanong at hinayaan sila. Basta nakikita kong magkahiwalay sila dahil kapag nakita kong nagkalapit at nagka away na naman iyan, aawatin ko ulit!

Hays!

Andrew Martinez: Sa akin na yung hazelnut.

Kim dela Cruz: Cookies and Cream sa akin!

Carl Tolentino: Mango, pakidala nalang sa amin. :)

Marami pa ang nag order sa comments pero mas nauna ang tatlong iyon. Mga kaklase ko iyon noong high school at si Andrew. Napangiti ako at umalis na ng bahay para makapag deliver na. Wala si Tita Cecilia at Celine sa bahay kaya nagluto nalang ako ng hapunan nila para sa mamayang gabi. Baka gumala na naman si Celine at si Tita Cecilia, nagsugal.

Napabuntong hininga ako.

Maraming bata ang naglalaro nang nakalabas ako sa amin. Marami ring kapitbahay at kahit medyo maaga pa, may nakikita na akong nag iinuman.

Naglakad nalang ako papunta sa kanto namin para doon sumakay. Medyo paatas ang lalakaran papunta sa kanto kung nasaan ang mga sasakyan na dumadaan. At natigilan ako nang habang naglalakad, pagkatingala ko, nakita ko ang pamilyar na pamilyar na sasakyang naka park sa harapan ng barangay namin.

Napakurap kurap ako at natigil pa sa paglalakad sa sobrang gulat. Bumaba ang nasa loob ng sasakyan at tama nga ako, sasakyan ito ni Benjamin!

Binuksan niya ang passenger seat para sa akin at tumingin sa gawi ko. Seryoso ang kanyang mga mata at pakiramdam ko hindi ako pwedeng magreklamo at tumanggi manlang. Nakasuot siya ng black t-shirt, pantalon at mamahaling leather boots. Ang malaking relo na nasa kanyang maugat na pulsuhan ay agaw pansin masyado. Kung papasok siya sa loob ng barangay namin, sigurado akong pagtitinginan siya roon at baka akalain pang artista siya! Kahit napaka simple lang naman ng kanyang pananamit.

Sa nanginginig na mga binti, naglakad ako palapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at kung saan kami pupunta pero mukhang alam ko na. May hinula na ako.

Nakita niya kaya ang mga comments sa post ko? Ni-like niya iyon, eh! Kaya alam kong nakita niya. At... ihahatid niya ba ako sa mga nag order?

Anooo?! Napaka assuming mo naman, Sha sha!

Nagkatinginan kami ni Benjamin nang nakalapit ako. Hanggang baba niya lang yata ako dahil halos nakatingala ako sa kanya. Sobrang tangkad niya! Ang ganda pa ng katawan kaya sigurado akong pagkakaguluhan siya sa oras na may makakita sa kanya rito!

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon