KABANATA 30

102 5 0
                                    

Kabanata 30

Suggest

--

Mukhang nagustuhan nga ni Mayor ang cupcakes namin ni Mama. Dahil kinabukasan, kahit hindi naman siya nagsabi kahapon na pumunta ulit kami sa mansyon nila, ngayon tinawagan niya naman kami para pumunta at sabihing magbake ulit para sa mga trabahador niya.

Kaya naman dali dali na kaming pumunta ni Mama. Magluluto palang sana kami ng tanghalian.

"Anak, ayos ka lang ba talaga? Nag aalala ako," si Mama na napansin ang pagiging matamlay ko.

Bahagya akong ngumiti sa maamo at nababahala niyang mukha. "Ayos lang po ako, Ma. Medyo hindi lang ako nakatulog kagabi pero ayos lang po ako."

"Gusto mo muna bang magpahinga? Ako nalang muna ang gagawa nito."

Umiling ako. "Kaya ko naman, Ma. Tsaka mahihirapan kayo kapag wala ako."

"Sha sha, kaya ko. Basta magpahinga ka lang kung hindi mo na kaya. Ako nang bahala rito."

Umiling ulit ako. Hindi ako papayag na siya lang ang gumawa ng lahat ng ito. Siguradong mahihirapan siya at mapapagod nang husto.

"Kaya ko po talaga, Mama. Tsaka kaunti nalang 'to, oh. Tutulungan na kita."

Wala rin namang nagawa si Mama sa kakulitan ko. Pinilit ko nang maging masigla pagkatapos no'n para hindi na siya mag alala. At pagkatapos ng lahat, gaya kahapon, nagtungo kami sa site para ibigay ang lahat ng ito sa mga trabahador.

Malaki ang bayad sa amin ni Mayor kahit ganito lang ang ginagawa namin. Malaking tulong 'yon at mas lalong nadadagdagan ang ipon namin ni Mama.

Nakita ko si Benjamin na kasama nila. Hindi na ako nagulat dahil inasahan ko nang makikita ko siya. Mabilis siyang nag iwas ng tingin nang nagtama ang mga mata namin at tumabi kay Mayor na tinawag siya. Nagbaba ako ng tingin sa mga cupcakes.

Nagkukwentuhan si Mama at ang ibang kasambahay kaya hindi niya naman napansin. Nagsasalin ako ng juice sa mga trabahador na gusto ng inumin. Yung iba naman ay kape ang gusto na siyang si Mama ang gumagawa. May dala kaming mainit na tubig.

"Sha sha, pakisalin ng inumin si Architect Abelardo. Nauuhaw..." utos ni Mayor na agad kong sinunod.

Nagsalin ako sa isang baso ng juice at kahit nag aalangan, lumapit ako sa kanila. Nagkatinginan kami ni Benjamin. Hindi ko alam kung ibibigay ko ba sa kanya ang juice o ilalapag nalang sa lamesa pero dahil masyadong mapapatagal ay mas pinili ko nalang ibaba iyon sa lamesa.

"Juice po..." sabi ko at tatalikod na sana.

"Coffee..." anya.

Mabilis akong humarap ulit at tumango. Kinuha ko ang juice. "S-Sige po..."

Mabilis akong bumalik kay Mama. Nasa ibang table kami. Agad siyang napatingin sa akin.

"Oh, bakit?"

"Kape daw po, Mama..."

Tumango si Mama at nagtimpla na ng kape habang nakikipag usap pa rin sa mga kasambahay. Pero nakikita ko ang paminsan minsan niyang pagsulyap sa akin, si Benjamin kasi ang pagdadalhan ko. Pero hindi naman siya nagtanong.

Binigay sa akin ni Mama ang isang tasa ng kape at agad kong kinuha 'yon. Hindi na ako nagdalawang isip bumalik kina Mayor. Nasalubong ko agad ang mga mata ni Benjamin pero ngayon, ako na ang nag iwas ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya lalo na at sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Baka matapon ko pa ang kape sa kaba ko.

"Kape..." sabi ko at binaba sa lamesa ang kape.

Nakikipag tawanan si Mayor sa isang engineer doon. Kinuha ni Benjamin ang kape at aalis na sana ako nang may narinig. Napalingon ulit ako sa gawi niya nang nakita ang isang babaeng sobrang pamilyar sa akin.

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon