KABANATA 11

78 9 0
                                    

Kabanata 11

Halo

--

Halos wala ako sa sarili habang naglilinis ng kusina. Tapos na akong magbake at nasa ref na lahat. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Benjamin kanina. Siya na naman ang maghahatid sa akin? Bukod sa kahihiyan na nararamdaman dahil ihahatid niya na naman ako, gusto ko ring magtaka kung bakit gusto niyang ihatid ako.

Pero hindi ko na masyado pang naisip iyon. Mas kabado ako sa paghahatid niya sa akin mamaya, sana naman wala na akong magawang kahihiyan!

"Hatid na kita?"

Natigilan ako at napatingin kay Andrew sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Bahagya siyang nakangiti at inaasahan nang papayag ako dahil noon pa man tuwing niyayaya niya akong siya nalang ang maghahatid sa akin ay palagi akong pumapayag. Pero ngayon hindi ko alam ang sasabihin ko!

"Sha sha?" anya nang hindi ako nagsalita.

"Uh... ihahatid na kasi ako ni..." hindi ko masabi!

Sigurado akong magugulat siya kapag nalaman niyang ihahatid ako ni Benjamin. Baka kung ano ang isipin niya gaya nina Lira!

Kumunot ang noo ni Andrew. "Nino?"

"Ihahatid ko siya," ang malaking boses ni Benjamin sa likod ko.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Sinarado niya ang pintuan papasok sa simbahan at naglakad palapit sa amin habang seryoso ang mga mata. Hindi niya inaalis ang seryosong titig kay Andrew.

Hindi nakapag salita si Andrew sa gulat. Napatingin siya sa akin at nakita ko ang pagtatanong.

"Uh... oo. Ihahatid niya ako, Andrew. Pasensya na. Sa... susunod nalang siguro..." nahihiya kong sambit.

Hindi makapaniwala ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Napatingin siya kay Benjamin tapos sa akin ulit. Medyo nakaramdam ako ng guilt. Ngayon ko lang siya tinanggihan at pakiramdam ko sumama ang loob niya.

Nauna na kasi akong pumayag kay Benjamin. Hindi naman siguro maganda kung bigla bigla nalang akong hindi sasabay sa kanya dahil lang may nagyaya na iba. Hindi yata magandang tignan ang ganon.

"Sasabay ka sa kanya, Sha sha?" muling tanong ni Andrew, ngayon medyo seryoso na.

"Oo..." sabi ko at kinagat ang pang ibabang labi.

Humalukipkip si Benjamin na nasa gilid namin at seryosong nakinig. Nagkatinginan kami saglit ngunit agad akong nag iwas ng tingin.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga nang tumango at nag iwas ng tingin.

"Kung ganon mauuna na ako," si Andrew at walang sabi sabing umalis.

Bumuka ang bibig ko at gusto ko siyang tawagin pero wala na akong nasabi. Sa itsura niya at sa hindi pagpapaalam ng maayos ay pakiramdam ko nagtatampo siya. Hindi ko nga lang alam ang gagawin kaya halos bumagsak ang balikat ko nang nakalabas na siya ng simbahan at umalis.

"Do you want to come with him?" biglang tanong ni Benjamin sa gilid ko kaya agad akong napatingin sa kanya.

Nakita niya siguro ang pag aalala ko sa kaibigan.

"Hindi naman. Nag aalala lang ako dahil baka magtampo siya. Ngayon ko lang kasi siya tinanggihan..."

"And? Do you want to chase him?"

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero agad ring kumunot ang noo at natigil nang napagtanto ang tinanong niya. Syempre gusto kong habulin si Andrew para makapag sorry ulit pero bakit parang pakiramdam ko mali ang isagot iyon sa kanya...

The Love (The Trilogy #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant