KABANATA 34

96 9 0
                                    

Kabanata 34

Love

--

Hindi ako halos nakatulog kagabi. Puyat na puyat tuloy ako kinabukasan. Para akong panda sa itim ng mga mata ko. Tapos hindi ko pa matanggap na pupunta ulit kami kina Mayor. Mukhang kami na ang gagawin niyang regular na taga meryenda ng mga trabahador nila sa site! Maganda naman 'yon at makakaipon pa kami lalo ni Mama pero kasi...

Napapikit ako. Iniling ko na lamang ang aking ulo at nagpatuloy sa pagba-bake. Hindi ko pa nakikita si Benjamin sa mansyon. Hindi ko alam kung nasaan siya pero baka nasa site. Naalala ko tuloy yung pagpunta ni Architect Ferrer sa opisina niya kahapon.

Ano kaya ang pinag usapan nila? Nagtagal kaya roon si Architect pagka alis ko? Anong ginawa nila?

Bumabagabag din ang mga tanong na 'yon sa isip ko mula pa kagabi. Isa sa mga dahilan kung bakit napayuat ako nang todo.

At nang dahil din doon, parang nagbago ang isip ko na wag pumunta sa mansyon. Ang maisip na nandoon si Architect Ferrer sa opisina ni Benjamin kahapon ay bumabagabag sa akin nang sobra. Kaya sa huli napagdesisyunan ko pa ring magtungo ngayon kahit sobrang kahihiyan pa rin ang nararamdaman ko sa nangyari.

Hindi naman sa nagagalit ako... gusto ko lang malaman kung... nagtagal ba roon si Architect Ferrer...

"Sige na, ako na riyan, Sha sha. Samahan mo na si Ayana sa sala," ani Mama nang sinubukan kong tumulong sa kusina.

Tumango ako at hinayaan na lamang sila ni Ate Rosie na dalhin ang mga cupcakes sa site. Nagpapasalamat talaga ako na nandito si Ayana. Kundi baka pupunta rin akong site ngayon.

Nalilito rin ako sa sarili ko, e. Gusto kong malaman kung nagstay ba nang matagal si Architect Ferrer sa opisina ni Benjamin pero iniiwasan ko naman si Benj kaya paano ako magtatanong? Paano ko malalaman?

Ngumuso ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Naghikab si Ayana pagkatapos ng ilang sandaling pag uusap namin sa sala. Pinapakita niya sa akin ang mga bulaklak na nakikita niya sa kanilang school, nasa phone niya dahil pinipicturan, at marami rin siyang kinukwento sa akin. Ngayon mukhang napagod na siya at gusto nang matulog. Tanghaling tapat pa naman.

"Matulog ka muna, Ayana," sabi ko.

Tumango siya. "Inaantok ako ngayon, Ate. Bukas Lunes na naman..."

Ngumiti ako. "Magpahinga ka na. Ihahatid kita sa kwarto mo."

"Ikaw? Dito ka lang?" nilingon niya ako.

"Dito muna ako o susunod ako kina Mama sa site."

Tumango siya. "Okay..."

Hinatid ko siya sa kanyang kwarto at nagpaalam kami sa isa't isa. Huminga ako nang malalim at napagtantong kailangan ko na ngayong sumunod kay Mama sa site.

Parang hindi ko kaya! Nahihiya pa rin ako sa nangyari kahapon. Hindi ko pa yata kayang harapin si Benjamin ngayon.

Kung maglibot nalang kaya ako sa garden sa likod ng mansyon? Pero mainit! Tanghaling tapat ngayon. Baka masunog nang todo ang balat ko.

Bumuntong hininga ako at napagdesisyunan na lamang na pumuntang kusina. Iinom ako ng tubig muna at pagkatapos baka magtungo na lamang ako sa site. Wala naman akong choice. Wala akong gagawin dito kundi tumunganga kung hindi ako pupunta roon.

Bahala na! Kung makikita ko siya, hindi niya naman ako malalapitan dahil kasama ko sina Mama.

Tama! Hindi kami magkakalapit! Basta didikit lang ako palagi kay Mama!

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now