KABANATA 39

92 6 0
                                    

Kabanata 39

Melt

--

Siguro nga... malaki pa rin ang epekto sa akin ni Celine at ni Tita Cecilia. Mahal ko sila, e. Malaki ang parte nila sa puso ko. Kahit napaka rami nilang ginawang hindi mabuti sa akin, mahal na mahal ko pa rin sila. Tinuturing ko pa rin silang pamilya.

Pero alam ko ring hinding hindi na magbabago pa ang tingin nila sa aking dalawa. Para sa kanila, ako pa rin ang ampon na anak ni Heart, ang Mama ko. Hindi nila ako pamilya. Hindi kabilang sa kanila.

Tanggap ko 'yon. Matagal ko nang tanggap 'yon. Sa ngayon... nasasaktan lang ako dahil mahal ko pa rin sila. Hindi na siguro magbabago 'yon. Hihintayin ko nalang siguro ang araw na magkakabati rin kaming tatlo... kung iyon ay mangyayari pa. Pakiramdam ko kasi ayaw na talaga nila sa akin.

"Yes. I'll be there. Paki sabi rin kay Papa na papunta na ako," naririnig ko si Benj habang kausap niya ang kanyang sekretarya.

Binaba niya ang cellphone niya at bumaling sa akin. Tumingin din ako sa kanya at binaba muna ang mga notebook na hawak ko. Nandito kami sa aking opisina. Ilang araw na simula nang nangyari 'yong pagpunta ni Celine.

"May kailangan lang akong asikasuhin sa kumpanya. Babalik din ako rito mamayang gabi, ihahatid kita sainyo," sabi ni Benj.

Tumango ako. "Ingat ka."

"Call me if something happens. Dadating agad ako."

Masyado siyang busy kaya gusto ko sanang tumanggi ngunit tumango na lamang ako. Ayaw ko siyang mag alala na baka may mangyari na naman tulad noong nakaraan.

Hinalikan niya ang labi ko bago ako iniwan doon. Uminit ang pisngi ko. Kahit wala namang nakakita ay nahihiya pa rin ako! Hindi na yata ako masasanay sa mga ginagawa niya.

Naging tahimik naman ang mga sumunod na araw. Palagi akong nasa shop habang si Mama ay nasa bahay nalang at paminsan minsan nalang bumibisita sa shop. Hindi ko na kasi siya pinagtrabaho, kahit ang pagtulong dito sa shop. Gusto ko nagpapahinga nalang siya. Ayaw ko na siyang mahirapan.

Para naman sa shop ko, dalawang tao palang ang kaya kong lagyan ng trabaho dito dahil wala pa naman ako masyadong pera. Syempre, nagsisimula palang ako. Pero kapag lumaki na 'tong shop ko, kukunin ko lahat ng taong nangangailangan ng trabaho! Marami kasi akong nakikita at naririnig na kailangan na kailangan nila ng trabaho.

Ngumiti ako habang iniisip 'yon. Natigil lang nang nakita ko ang kaibigan kong si Coni na pumasok sa shop, medyo matamlay, at umupo sa isang table doon. Nakasuot siya ng mahabang kulay light brown na jacket, t-shirt, jeans at puting sapatos. Nakalugay ang mahaba at medyo kulay gold niyang buhok.

Agad kong nilapitan ang kaibigan. Matagal ko nang napapansin na may problema siya, noong umuwi palang ako galing Palawan napapansin ko na. Masigla siya pero lagi kong nakikita sa mga mata niya ang lungkot at problema. 'Yong ngiti niya dati ay parang pilit nalang ngayon.

Umupo ako sa kanyang harapan. Napatingin agad siya sa akin. Ngumiti siya at iyon na naman ang pilit. Hindi ko nakikita sa kanyang mga mata ang totoong saya.

"Nandito ka pala," anya.

"May problema ba?" nag aalala kong tanong, naninimbang.

Umiling siya at tumawa. "Kaunting problema lang sa trabaho. Halata ba sa mukha ko?"

"Oo."

Tumawa ulit siya. "Order ako. 'Yong favorite ko. Alam mo na 'yon, diba?"

Iniba niya na naman ang usapan. Mukhang ayaw niya talagang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari.

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon