KABANATA 4

124 10 1
                                    

Kabanata 4

Drive

--

Hapon nang umuwi kami ni Andrew. Nagpresinta siyang ihatid ako sa bahay at dahil pagod na, hindi na ako nagreklamo. Pero nagpababa lang ako sa kanto ng barangay namin dahil baka kung ano pa ang sabihin ng mga chismosang kapitbahay kapag nakitang bumaba ang sa napaka gandang kotse. Tsaka baka nandyan sina Tita sa bahay, baka kung ano rin ang isipin nila.

"Oh, eto lang?"

Hindi ako makapaniwala na hindi pa rin sapat ang binigay ko kay Tita Cecilia. Medyo malaki laki na iyon kaya hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya natutuwa. Kumuha ako ng kaunti pandagdag sa ipon ko pero mas malaki itong binibigay ko sa kanya.

"Hindi ito sapat! Kulang pa ito! Nasa limang libo ang bayarin natin kaya dagdagan mo pa!" sigaw niya.

Kaya wala akong nagawa nung araw ring iyon kundi bumili ulit ng mga ingredients para sa cupcakes ko. Pagkarating ko sa bahay nagluto lang ako ng hapunan nila para mamayang gabi at umalis na. Pupunta ulit ako ng simbahan.

Dahil kailangan na talaga ang pera dahil baka maputulan kami, kailangan kong mag bake pa ulit. Sigurado akong magugulat si Pastora at sigurado akong gagabihin na rin ako. Nahihiya na nga ako kay Pastora dahil palagi kong ginagamit ang oven at ref niya, baka dagdag gastusin niya pa iyon sa kuryente.

"Ano ka ba, ayos lang. Wag mong intindihin ang mga bayarin ko," si Pastora pagkatapos kong humingi ng pasensya.

Kahit papaano gumaan ang loob ko sa sinabi niya kahit pa nahihiya pa rin talaga ako. Siguradong lalaki ang gastusin niya dahil sa palagi kong paggamit sa kanyang oven.

"Sige na at baka gabihin ka pa. Wag mo nang intindihin iyon. Hapon na, Sha sha. Delikado na kapag gabi," si Pastora.

"Sige po. Maraming salamat po ulit, Pastora..." ngumiti ako.

Sobra talaga akong nagpapasalamat na may mga kasama akong ganito rito. Kahit wala na akong mga magulang para gumabay sa akin, nandyan naman si Pastora para gabayan ako. Para ko na siyang pangalawang ina.

Nalaman ko na nandyan pa rin ang mga Abelardo. Hindi pa sila umaalis at mukhang seryoso ang ginagawang pag aaral sa simbahan. Hindi ko alam kung bakit nagtatagal sila rito pero hindi ko nalang inisip. Kailangan kong bilisan ang paggawa rito at nang makapag benta na. Tama si Pastora, gagabihin ako panigurado.

Pawis na pawis ako habang ginagawa ko ang cupcakes. Umiinom nalang ako ng tubig para kahit papaano maibsan ang hingal ko. Nang natapos naman ay mas lalo kong naramdaman ang pagod ko.

Kumuha ulit ako sa ipon ko para makabili ng ingredients para sa cupcakes na gagawin ko ngayon. Pero ngayong araw, mas malaki ang kinuha ko dahil mukhang kailangan na talaga ni Tita Cecilia ang pera para makapag bayad na. Limang box ng cupcakes ang nagawa ko ngayon at iba iba pa ang flavor.

Habang hinihintay ang cupcakes na nasa ref, dumukmo ako sa lamesa sa tapat lang ng kusina kung saan kumain ang mga Abelardo at ang iba pa nilang tauhan kanina. Dito ako madalas nagpapahinga kapag gumagawa ng cupcakes.

Pumikit ako. Pagod na pagod talaga ako ngayong araw. Kahit na pagba-bake lang naman ang ginawa ko, pakiramdam ko ang hina hina na ng katawan ko. Para bang ngayon ko lang nararamdaman ang pagod na hindi ko naramdaman nung mga nakaraang araw.

Napabuntong hininga ako.

Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na pala ako. Unti unti kong dinilat ang aking mga mata at nakarinig ng isang mahinang tinig malapit lang siguro sa akin.

"Pangalawang bake niya na ito ngayong araw at sigurado akong pagod na pagod na nga iyang batang yan. Tsaka sigurado rin akong hindi lang ito ang ginagawa niya, may mga gawain pa siya sa bahay na kailangan niyang gawin. Napaka sipag..." si Pastora iyon.

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon