KABANATA 12

89 9 1
                                    

Kabanata 12

Icing

--

Hindi maalis ang titig ko sa dalawa habang nagpapatuloy kami sa mga ginagawa. Nagtataka ako at gusto kong magtanong kung may problema ba sila at mukhang mainit ang ulo sa isa't isa pero wala akong lakas ng loob. Sa nakakunot kasi nilang noo, pakiramdam ko madadamay ako kung magtatanong pa ako.

Pero ano ba kasi talaga ang problema ng dalawang 'to? Nang dahil lang sa pang halo magkaka away pa sila? Hindi ba pwedeng share sila, pagkatapos ng isa yung isa naman? Tsaka may isa pang pang halo! Mas lalong hindi dapat sila mag away kaya bakit...

Nakakunot ang aking noo habang nilalagay sa ref ang mga binake namin na cupcakes. Tahimik lang kami habang nag gagawa sa kusina kanina at may nagsasalita lang kapag may tanong sila. Hindi na rin ako nagsasalita dahil bukod sa nagtataka, medyo nakaramdam rin ako ng pagka irita.

"Ihahatid kita," si Benjamin nang bumalik ako sa kusina para maglinis.

Nagpaalam na lalabas lang si Andrew kanina nang natapos kami. Hinayaan ko dahil mukhang gustong magpalamig.

"Uh, hindi ba makaka abala sayo?" tanong ko at tumingin sa kanya.

"No. Ako ang maghahatid sayo," seryoso niyang sinabi.

Dahan dahan akong tumango. "Ikaw ang bahala..."

Naisip ko lang na palagi niya akong hinahatid. Wala ba siyang ginagawa sa loob ng simbahan? Bakit palagi siyang may oras na ihatid ako samantalang ang isang katulad niya'y palaging abala dapat sa trabaho?

Tinulungan akong maglinis ni Benjamin. Sabi ko hindi na niya kailangang tumulong rito dahil sobra sobra na ang tulong niya sa akin kanina pero nagpumilit siya. Hindi ko na napigilan kaya hinayaan ko nalang.

Habang naglilinis, pasulyap sulyap ako sa kanya. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Muntik na silang mag away ni Andrew nang dahil lang sa pang halo. May problema kaya siya? Pansin kong kahapon pa siya bad mood, ah?

"Ayos ka lang ba?" tanong ko nang hindi na napigilan.

Napatingin siya sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin at nagpatuloy sa pagpupunas ng sink. Siya naman ay abala sa pagliligpit ng mga gamit, natigil lang nang nagtanong ako.

"Pansin ko kasi na... bad mood ka. Muntik pa kayong mag away ni Andrew nang dahil lang sa pang halo kaya naisip ko... baka may problema ka. A-Ayos ka lang ba?"

Hindi ko alam kung ayos lang bang tanungin siya ng ganon pero nilakasan ko na ang loob ko. May parte kasi sa akin na gustong gusto na malaman kung bakit hindi maganda ang mood niya. Parang... gusto kong malaman ang lahat.

Ilang sandali akong tinitigan ni Benjamin, hindi muna nagsalita. Ramdam at kita ko iyon sa gilid ng aking mga mata kaya mas lalo akong kinabahan. Nanginginig ang kamay ko habang nagpupunas sa sink. Ramdam ko rin ang pamamawis sa aking noo pababa sa aking pisngi.

Ilang sandali ang nakalipas narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Benjamin. Sumulyap ako sa kanya at nakita ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi na agad rin namang nawala. Kumunot ang noo ko roon ngunit mabilis ring binalik ang tingin sa pagpupunas dahil sa titig niya.

"I'm fine. I'm just pissed about something," anya.

Pissed about something? Ano naman iyon? Ano ang kinaiinisan niya? Gusto kong malaman pero parang sobra na yata kung pati iyon itatanong ko pa. Tinikom ko nalang ang bibig ko at marahang tumango sa kanya.

"Ganon ba. Uh... okay. Tinanong ko lang. Akala ko... galit ka kay Andrew..."

Tumingin ako sa kanya. Nawala na ang amusement sa kanyang mukha at nakita ko nalang ang paggalaw ng kanyang panga. Ilang sandali akong napatitig roon. Nag iwas siya ng tingin dahilan para maputol ang titig ko at mapatingin sa kanyang mga mata.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now