KABANATA 23

74 5 0
                                    

Kabanata 23

Understanding

--

Pagkatapos nga ng mahigit isang linggo ay natapos na ang simbahan. Saktong linggo kaya namangha ang mga nagsisimba na lumaki na ang simbahan. Medyo dumami na rin ang nagsisimba sa simbahan namin. Sobrang saya ni Pastora at ganoon na rin ako.

"Andrew!" pagtawag ko sa kaibigan nang nakita ko siya sa stage kasama ang ibang kasamahan na banda.

Lumingon siya sa akin. Ngumiti ako. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba medyo nagtatampo pa rin siya sa akin pero sinubukan ko pa ring lumapit. Kanina niya pa kasi ako hindi pinapansin.

"Sha sha..." sambit niya habang nakasabit ang kanyang gitara sa kanyang katawan.

"Kumusta? Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?" nakanguso kong tanong.

Ngumiti siya ngunit kita ko ang lungkot sa mga mata. "Balita ko kayo na ni Benjamin..."

Natigilan ako. Naalala ko ang sinabi ni Benjamin noon na may gusto rin si Andrew sa akin kaya hindi sila magkasundo na dalawa.

"Ah, oo... Uh... kami na..." nag aalangan kong sambit.

Muli siyang ngumiti at marahang tumango. "I'm happy for you."

"Nagtatampo ka pa rin sa akin?" muli kong tanong.

Umiling siya. "Nope. I'm fine. Hindi na ako nagtatampo sayo."

Napangiti ako roon. Tumango ako. Para sa akin sapat na 'yon para mapanatag akong ayos lang talaga ang lahat. Pero may parte sa akin na nalulungkot sa isang dahilan. Iyon ay dahil sa tuwing tinitingnan ko ang mga mata niyang nakatingin din sa akin ay nakikita kong malungkot 'yon.

"You alright?" tanong ni Benjamin nang natapos ang samba. Nagsimba siya ngayong linggo.

Tumango ako at ngumiti. "Ayos lang. Papasok ka na pagkatapos nito?"

"Yup. I'll pick you up later this afternoon. O i-text mo ako kapag tapos ka na sa pagba-bake at susunduin kita. Medyo marami rin kasi ang ginagawa sa kumpanya."

"Ayos lang naman ako. Ayusin mo muna ang sa kumpanya niyo. Kaya ko nang umuwi mag isa..."

Umiling siya. "Ako ang maghahatid sayo pauwi. Make sure to text me when you're done," mukhang wala nang makakapag pabago sa isip niya.

Ngumuso ako at tumango na lamang. "Okay..."

Hinatid ko siya sa labas ng simbahan, sa kanyang sasakyan. Hinalikan niya pa ako sa aking pisngi bago siya pumasok sa loob ng sasakyan niya. Nahiya pa ako dahil ang daming nakakita no'n! Naglalabasan palang ang mga nagsimba! Nakatingin tuloy silang lahat sa akin at mga nakangiti naman sila pero nahihiya pa rin ako.

Pumasok muli ako sa loob ng simbahan nang nawala na ang sasakyan ni Benjamin. Nag iinit pa ang pisngi ko nang natanaw ko sa di kalayuan si Coni kasama si Pastora. Nakasuot siya ng brown leather jacket at itim na pantalon. Sa suot niya ay para siyang taga ibang bansa na malakas ang dating!

Nanlaki ang mga mata ko. Dumating na siya! Hindi ko siya nakita kanina!

"Coni!" pagtawag ko sa kanya at lumapit.

Napalingon siya sa gawi ko. Nanlaki rin ang kanyang mga mata, napangiti at tumili at pagkatapos tumakbo papunta sa akin. Natawa si Pastora sa inakto ng anak. Sinalubong ko naman si Coni na payakap na sa akin.

"Sha sha! I missed you!" tili niya.

Ngumiti ako at bahagyang natawa. "Ako rin! Kailan ka dumating? Kanina ba? Hindi kita napansin!"

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now