KABANATA 18

83 6 0
                                    

Kabanata 18

Gold Digger

--

Wala kaming imikan ni Benjamin habang nasa loob ng sasakyan. Wala rin naman akong balak magsalita. Nakatingin lamang ako sa bintana habang iniisip ang babaeng Architect.

Maganda siya. Totoo ang sinabi ng mga trabahador na bagay sila ni Benj. Bagay na bagay. Gwapo si Benjamin at maganda naman si Architect Ferrer. Pareho pa silang architect tapos pareho pang mayaman. Tugmang tugma sila para sa isa't isa.

May pait na naman akong naramdaman nang naisip 'yon. Palagi nalang ganoon sa tuwing iniisip ko kung gaano sila ka-bagay kaya mas pinili ko nalang wag nang mag isip ng kung ano ano. Pinagmasdan ko na lamang ang labas para malibang naman ako kahit papaano.

Nang nakarating sa kanto namin ay huminto na siya. Bumaba agad ako at naramdaman agad ang malamig na simoy ng hangin. Bumaba rin si Benjamin dala ang mga cupcakes ko. Muntik ko nang makalimutan ang mga cupcakes ko!

"Ah, sorry. Nakalimutan ko," sabi ko at kinuha sa kanya ang mga cupcakes ko. Binigay niya naman 'yon sa akin.

"Are you really okay? Mukhang malalim ang iniisip mo," anya.

Natigilan ako. Napansin niya pa pala 'yon...

"Ayos lang ako. Medyo... antok lang kaya nawawala na sa sarili..." sagot ko.

"You need to take a rest now, then."

Umiling ako. "Kailangan ko pang i-post 'to online at kapag may bumili pa magdedeliver ako..."

Kumunot ang kanyang noo. "Pero masyado nang gabi?"

Maliit akong ngumiti. "Kailangan, e..."

Bumuntong hininga siya at tinitigan ako nang mabuti. Bumaling ako sa mga cupcakes ko para makaiwas sa tingin niya.

"You know... Ayoko sanang pag usapan 'to ngayon dahil ayaw kitang pilitin pero... kung ayaw mo sa akin, you can just tell me now."

Nagulat ako sa sinabi ni Benjamin at agad napa angat ng tingin sa kanya. Nag iwas siya ng tingin sandali at pagkatapos binalik rin agad ang tingin sa akin. Dinilaan niya ang kanyang labi.

"Kung hindi mo gusto na gusto kita, sabihin mo lang. Hindi mo na ako kailangan pang iwasan. Ako ang kusang iiwas sayo kung iyon ang gusto mo..."

Ano?

"Matatanggap ko kung hindi mo ako gusto. Basta sabihin mo lang. Sabihin mo lang na ayaw mo sa akin para matigil ako..."

Napakurap kurap ako at magsasalita na sana nang dugtungan niya pa.

"Lalayo ako sayo, Sha sha, kung ayaw mo sa akin. Just tell me now. Tell me to stop," halos marinig ko ang sakit sa kanyang boses.

Hindi agad ako nakapag salita. Hindi ko alam na napapansin niya pala ang pagiging matamlay ko ngayong araw at inakala niya pa na dahil iyon sa pag amin niya. Akala niya iniiwasan ko siya!

Napakurap kurap ako at nataranta.

"H-Hindi naman sa ayaw ko sayo... M-Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya..." palusot ko dahil kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito.

Kinagat ko ang labi ko.

Tumingin sa akin si Benjamin. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang ekspresyon.

"Masama ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Tumango ako habang hindi siya tinitingnan.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Are you okay?" lumapit siya at nagulat ako nang hipuin niya ang aking noo!

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon