KABANATA 33

97 6 0
                                    

Kabanata 33

Halik

--

Naligo ako sa kwarto ni Ayana at nagpalit ng damit. Damit ni Ayana ang suot ko kanina at ang suot ko ngayon ay yung kanina kong suot bago pa man kami maligo.

Naligo na rin si Ayana at nagpalit ng damit. Habang nasa banyo siya, nag aayos ng kanyang sarili, napatingin ako sa tuwalyang nakapatong sa upuan ni Ayana sa harapan ng kanyang salamin.

Lumapit ako roon at kinuha ang tuwalya ni Benjamin. Hindi ko alam kung isasauli ko na ba ito sa kanya ngayon o sa susunod nalang. Pero baka kailangan niya na? Pero gagamitin niya ba ang tuwalya na ginamit ko? Syempre hindi!

Pero kailangan ko na siguro itong isauli agad.

"Ayana, lalabas na ako!" paalam ko kay Ayana na nasa loob pa rin ng banyo.

"Okay!" sigaw niya pabalik.

Lumabas ako sa kanyang kwarto at tiningala ang itaas kung nasaan ang kwarto ni Benjamin. Hindi ko kita ang kwarto niya sa sobrang laki ng mansyon pero syempre naroon 'yon.

Huminga ako nang malalim habang nagdadalawang isip pa kung tutuloy ba o hindi. Kung bukas ko nalang kaya isauli? Pwede naman siguro 'yon.

Pero inabala ko na siya kanina. Ayoko na ulit siyang abalahin nang dahil lang ang tagal kong magsauli ng tuwalya!

Pumikit ako at napagdesisyunang isauli na sa kanya 'to ngayon. Bahala na! Isasauli ko lang naman. Wala na akong ibang gagawin!

Huminga ako nang malalim at lumunok nang pagkalalim lalim nang nasa harapan na ng kanyang pinto. Hindi ako sigurado kung dito ang kwarto niya dahil sa pagkakatanda ko opisina niya lang ito. Pero may nakita akong dalawang pinto noong huli kong punta rito. Baka naman nandito na rin pati ang kwarto niya? Magkasama na sa iisang kwarto?

Kumatok ako sa kanyang pintuan. Kahit kinakabahan ay huminga na lamang ako nang malalim. Bakit ba ako sobrang kinakabahan dito? Magsasauli lang naman ako ng tuwalya!

Sa kalagitnaan ng pagkakalma ko sa aking sarili ay bigla nalang bumukas ang pintuan! Nagulat ako at bahagyang napa atras sa pinto. Bumungad sa akin ang malamig na mga mata ni Benjamin. Gaya ko, nakapag bihis na rin siya at mukhang bagong ligo na. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya.

"What?" suplado niyang tanong.

Napakurap kurap ako. Nagulat lang ako na siya na ang nagbukas ngayon ng pinto. Dati pinapapasok niya lang ako!

"Uh... i-isasauli ko lang sana itong tuwalya mo..." sabi ko sabay angat ng tuwalya sa nanginginig na kamay.

Uminit ang pisngi ko dahil alam kong nakita niya ang kaba ko. Hindi niya kinuha ang tuwalya. Tiningnan niya lamang ako ulit at pagkatapos binuksan nang malaki ang kanyang pintuan.

"Come in. I'm busy. Ikaw na ang maglagay sa banyo ko," anya at pagkatapos tumalikod na sa akin!

"H-Huh?" natitigilan kong tanong.

Hindi niya na ako pinansin. Dumeretso siya sa kanyang table at pagkatapos tiningnan ang mga papel doon. Napakurap kurap pa ako nang ilang sandali bago bahagyang nakabawi.

Gusto niyang ako ang maglagay nito sa banyo niya! Pwede niya namang kunin nalang 'to!

Pero hindi naman ako pwedeng magreklamo ngayon. Hindi nga dapat ako nagrereklamo! May kasalanan ako sa kanya at galit siya sa akin!

Kagat ang labi ay pumasok ako sa kanyang opisina. Dahan dahan akong pumasok doon at sinarado ang pintuan. Pagkatapos ay tiningnan ko ang dalawang pintuan sa gilid ng kanyang mga book shelfs.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now