WAKAS

169 5 0
                                    

Wakas

--

I remember the first time we met each other.

Nakakatawa dahil halatang halata sa kanya na hiyang hiya siya sa mga nagawa niya sa akin unang pagkikita palang namin.

Una, natapunan niya ako ng tubig sa damit. Pangalawa, natapunan ng mga cupcakes.

Ngumisi ako at napailing.

Hindi sa galit ako no'n, sadyang hindi ko lang din inasahan na mangyayari 'yon. I know I've been cold to her but that was just because I'm not used to smiling at people, lalo na kung nabuhusan ako ng tubig o cupcakes.

I'm a playboy, I admit it. I like witty, aggressive, outgoing girls and not the shy type of girls!

Sa tuwing pahinga sa trabaho noon ay sa bar agad ang tungo ko kasama ang mga kaibigan. Maghahanap ng babaeng makakahalikan o 'di kaya'y makakasama sa kama.

But when I met Sha sha, nagbago lahat ng 'yon. No'ng una naiirita ako dahil hindi naman ako ganito. Hindi naman ako 'yong tipo ng lalaki na sasayangin ang oras sa simbahan kahit pwede namang paminsan minsan lang bumisita roon, para lang makasilay sa isang babaeng palaging nandoon dahil sa pagba-bake.

I stopped going to the bar. I stopped being a playboy. I stopped doing the things I used to do. Simbahan na ang naging tambayan ko.

Damn, Benjamin. You are crazy. I chuckled.

Pinagmasdan ko si Sha sha na abala sa pagba-bake dito sa simbahan. Hindi niya alam na nanonood ako. I feel like a fucking creep man pero hindi ko kasi mapigilan.

Dahil hindi sanay sa mga mahiyaing babae, masyado akong nag ingat sa kanya. Sa mga pananalita ko, sa mga galaw ko, at sa mga ekspresyon na pinapakita ko. Hindi ko hinayaan na matakot siya o lumayo sa akin. I don't want that to happen.

"Kaya sige na, sabihin mo na sa akin kung ano ang problema! Para makatulong manlang ako. Para kahit papaano magkaayos na kayong dalawa!"

"Because I like you! And I'm jealous!" sigaw ko nang hindi ko na napigilan.

Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Sha sha sa mga sinabi ko. Yes! You heard it right, baby. I like you even when I don't want to!

Una palang ayoko na sa mga mahinhin, mahiyain at mailap na mga babae! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang katindi ang pagkakagusto ko sa kanya. And damn it, ngayon hindi na 'to paglalaro. Alam ko seryoso na ako rito. See? Sa kanya pa ako nagseryoso!

"Now, are you happy? That's the reason why we're fighting, Sha sha. Because I like you and he likes you too. We're both fucking jealous of each other! Kaya hindi maaayos iyon. Hinding hindi maaayos iyon!"

Tang ina, ayoko siyang matakot sa akin pero hindi ko na mapigilan. Kinakain ako ng pagseselos do'n sa kaibigan niyang hindi naman kagwapuhan. Halatang may gusto rin sa kanya. But Sha sha is too innocent to notice that. Ni hindi niya nga alam na gustong gusto ko na siya.

"B-Bakit ka naman magseselos sa kanya? K-Kaibigan ko lang naman siya..."

I can't believe she said that. Buong akala ko matatakot siya sa akin pero...

Nanliit ang mga mata ko at parang mas lalo pang naging iritado. Oh, you are very wrong to say that, baby.

"How can't I? You two are very close and you've known each other for a long time. I don't know what happened to you before and I'm very insecure because I know he knows you better than I do..."

I saw her swallowed hard. I sighed and can't help it anymore. Pakiramdam ko isa siyang marupok na baso na kaunting tulak nalang ay mababasag na.

"Sorry kung hindi ko mapigilang magalit. Yes, you heard it, I'm jealous! Very jealous! Hindi ko mapigilan kaya pasensya na. Kaya pasensya na rin kung hinding hindi ako makikipag ayos sa kanya."

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon