KABANATA 10

100 10 0
                                    

Kabanata 10

Hatid

--

May ngiti sa labi, binati ko ang mga bumabati rin sa akin nang nakapasok ako sa simbahan. Medyo marami na agad tao pero hindi pa naman nagsisimula. Nagpapractice pa sa stage ang mga tutugtog at ang mga kasamahan ko ay nandoon pa sa upuan namin.

Open area ang pagsasambahan namin ngayon. Habang naglalakad sa mga kaibigan ay nililipad ng hangin ang buhok ko.

"Magsasalita ka mamaya?" nakangiti kong tanong kay Juana, isa ko pang kasamahan sa pagsasayaw dito nang nakarating sa kanila.

"Yup," ngumiti siya.

"Naks naman! Makikinig kami sayo!" si Lira.

Nagpresinta siyang magsalita ngayon para magbigay ng salita ng Diyos sa lahat ng nandito. Hindi siya gaanong nagsasalita noon at first time ito kaya naman hindi namin mapigilan ang naexcite. Ano kaya ang babasahin at mga sasabihin niya ngayon?

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang samba. Nagtama ang mga mata namin ni Benjamin na kararating lang. Kasama niya ang kanyang mga magulang at nakipag batian muna sila kay Pastora bago naupo roon. Nasa kabilang bahagi sila ng mga upuan pero sa akin nakatingin si Benjamin.

Uminit ang pisngi ko. Pinilit ko nalang na ngumiti dahil alam kong hindi magiging maganda kung mag iiwas nalang ako ng tingin.

Nagdasal muna ang lahat bago sumigla ang tugtog. Pumapalakpak at sumasabay sa pagkanta ang lahat ng naroon kasama na rin ako. At habang ginagawa iyon, iniisip ko ang Diyos na siyang sadya naming lahat rito.

Nagpatuloy ang samba na ganon, masaya at masigla. Hanggang sa nagsiupuan na ang lahat at tinawag na si Juana para magsalita sa harapan.

Sumulyap ako sa kabilang mga upuan at nagtama na naman ang mga mata namin ni Benjamin. Nakasuot siya ng black t-shirt at jeans, gaya lang ng mga suot niya kapag pumupunta siya sa simbahan. Mabilis akong nag iwas ng tingin at nakinig nalang kay Juana na nasa harapan na ngayon.

Una, nagpakilala muna siya bago sinimulan ang pagsasalita. Tahimik ang lahat at nakikinig lamang sa kanya.

"Ang tatalakayin po natin ngayong linggo ay trust. Ano nga po ba ang trust na tinatawag nila? Tiwala?" panimula ni Juana.

Nakinig lang kami sa kanya.

"Alam niyo po, sa amin, marami akong nakikita at naririnig na nagrereklamo sa buhay nila. Na kesyo ang hirap hirap daw ng buhay. Na ginagawa mo naman ang lahat pero palpak pa rin at nahihirapan ka pa rin."

Tumango tango ako. Marami rin akong nakikita na ganyang mga tao sa amin.

"Ito po, share ko lang, ah. Noon po, bata palang ako, hirap na hirap din po kami sa buhay. Yung Nanay ko kung saan saan pumupunta para lang makautang ng pera dahil ang Tatay ko po noon ay lasinggero at walang pakialam sa amin, walang trabaho. May minsan pang sinama niya ako sa pagpunta niya sa isang kaibigan niyang walang wala rin, halos lumuhod, umiyak at magmaka awa ang Nanay ko para lang makautang sa kanya ng kahit maliit na pera."

Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Juana, ganon na rin sina Lira, Coline at iba pa naming kaibigan. Wala siyang nakukwento sa amin na ganyan!

Nakita kong nangilid ang luha sa mga mata ni Juana.

"Naawa po ako sa kanya no'n. Gusto ko siyang patigilin at pauwiin nalang pero dahil bata pa ako noon, hindi niya ako pinakinggan. Ang sabi niya ginagawa niya iyon para sa akin, para magkaroon ng laman ang aking tiyan. Sabi ko ayos lang naman sa akin na magutom at kumain nalang kapag may pera na pero hindi niya hinayaan iyon. Nagmaka awa siya sa lahat ng kaibigan niya para lang may makain ako noong gabing iyon at para na rin may baon ako kinabukasan sa school..."

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now