KABANATA 35

98 5 0
                                    

Kabanata 35

Go Home

--

Nanatili ako sa mansyon sa mga sumunod na oras. Nandoon kami ni Benjamin sa likod kung nasaan ang malaking hardin nina Mayor. Ang sabi niya gusto niyang malaman ang mga nangyari sa akin kaya pumayag naman akong sumama sa kanya.

Kinwento ko ang nangyari noong pinalayas ako sa amin at nung nakilala ko si Mama. Nakaupo kami sa bench at hinaharap niya ako habang ako naman ay nakatingin lang ng deretso sa harapan.

"Alam mo namang hindi ganoon kaganda ang relasyon ko sa Tita at pinsan ko. Pinalayas nila ako sa bahay noong hindi ko sila nabigyan ng pera. Kaya rin palagi na akong nasa simabahan noon dahil doon muna ako nanirahan kina Pastora at Coni. At kaya rin... hindi na ako nagpapahatid sayo kapag gabi kasi nga... doon na ako kila Pastora nakatira..."

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. "Tulad ng sinabi ko sayo, ayoko lang na madamay ka sa problema ko. Ayokong mag alala ka sa akin oras oras habang nasa trabaho ka--"

"Wala akong pakialam kung madamay ako sa problema mo. Your problems is also my problems. That's also my business not just because I'm your boyfriend but also because I want to know what's going on in your life. Hindi lahat dahil alam kong may mga bagay ka pa ring ayaw sabihin sa akin pero sana sinabi mo sa akin kahit papaano ang bagay na 'yon."

Mas lalo akong nagbaba ng tingin sa mga kamay ko. Naiitindihan ko siya.

Narinig ko ang buntong hininga niya. "Don't do that again, do you understand? Sasabihin mo na ang mga problema mo sa akin simula ngayon."

Tumango ako.

"What else?"

Lumunok ako. "Nung... nakilala ko si Mama. Pumunta siya sa simbahan at hinahanap niya ako. Matagal niya na pala akong hinahanap. Pinuntahan niya ang bahay nina Tita at doon sinabi daw ni Tita Cecilia na Natasha ang pangalan ko at nasa simbahan ako. Alam kasi nilang ang simbahan lang ang tatakbuhan ko..."

Tumango siya.

"Hindi na ako nagdalawang isip na siya nga ang Mama ko. Pareho nalang kaming naiyak at... sumama na ako sa kanya. Kina Pastora at Coni lang ako nakapag paalam. Hindi na rin ako nakapag paalam sayo dahil sa kagustuhan kong makasama si Mama at sa kagustuhan ko na ring makalayo sa lahat. Kay Tita Cecilia at kay Celine..."

Bumuntong hininga siya at naramdaman ko ang kamay niya sa mga kamay kong nasa hita. Nilingon ko siya at bahagyang ngumiti.

"Sorry..."

"I understand."

Niyakap niya ako. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa napagdesisyunan naming bumalik na sa mansyon. Parang doon palang ako nakahinga nang maluwag. Lahat ng dinadala kong bigat sa dibdib ay mabilis na nawala ngayong sinabi ko na sa kanya ang lahat.

Ngumiti ako kay Mama nang lumabas siya mula sa kwarto niya. Halata ang gulat sa kanyang mga mata nang nakita si Benj sa tabi ko. Tumayo si Benj mula sa sofa.

Nandito kami sa bahay. Sabi ni Benj gusto niyang pormal na makilala ang totoo kong ina kaya naman dinala ko nalang siya rito. Alam kong magugulat si Mama.

"Architect..." si Mama sa gulat na tinig.

"Magandang araw po..." naglahad ng kamay si Benj sa kanya.

"Magandang araw din sayo, hijo. Naku, hindi mo naman sinabi na pupunta si Architect dito, Sha sha. Sana nakapag handa ako ng meryenda," makahulugan ang tingin sa akin ni Mama, halatang nagtataka at gustong magtanong.

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon