KABANATA 7

97 10 0
                                    

Kabanata 7

Water

--

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Gulat na gulat ako. Nag aalala siya? Nag aalala?

Paano?

Bakit siya mag aalala sa akin? Dahil napaso ako? Ano naman kung napaso ako? Bakit siya mag aalala sa akin nang dahil lang do'n? Hindi ko maintindihan!

Pero naisip ko rin... siguro... nag aalala lang siya bilang kaibigan? Siguro kaibigan na ang turing niya sa akin kaya siya nag aalala? Posible! Kahit papaano naman may napag usapan na rin kami ng kaunti. Bumibili siya ng cupcakes ko at nahatid niya na ako sa amin. Siguro... kaibigan na ang turing niya sa akin dahil sa mga iyon? Siguro!

Bumuntong hininga si Benjamin nang hindi ako nagsalita ng matagal. Gulat pa rin ako pero medyo nakabawi naman na kahit papaano. Hindi lang ako makapag salita. Hindi ako makahanap ng salita. Hindi ko alam ang sasabihin ko!

"I'm sorry. I'm just worried. I'm sorry for shouting..." anya.

Hindi pa rin ako nakapag salita. Hanggang sa naging maayos na ang pakiramdam sa daliri ko, hindi na ako nagsalita. Hindi na rin kami nakapag usap pa. Ramdam ko ang naninimbang niyang titig sa akin habang tumatayo ako at lumalabas sa bahay ni Pastora pero hindi ako makatingin sa kanya nang deretso.

Hindi ko alam pero... naiilang ako.

Siguro nga kaibigan lang. Magkaibigan na kami! Marami na kaming napag usapan kaya siguro naman sapat na iyon para mag assume ako na magkaibigan na kami.

"Maglaba ka ng damit natin, ah! Wala na akong masuot," si Celine habang naghuhugas ako ng pinggan at kumakain sila ni Tita Cecilia sa hapag.

Tapos na akong maghapunan, nauna na ako dahil gusto ko na agad magawa ang mga gawaing bahay. Maglilinis pa ako ng kwarto ko bago matulog.

"Oo, bukas pagkarating ko," sabi ko.

"Kailan ka ulit magbibigay ng pera?" tanong ni Tita Cecilia, nakataas ang isang paa habang kumakain.

"Uh... para saan po?" tanong ko.

"Malamang sa gastusin rito sa bahay! Kailangan na nating bumili ng mga pagkain at nauubos na ang pagkain sa ref. Tsaka bibilhan ko ng mga bagong damit si Celine para sa pag o-audition niya sa isang kumpanya."

Napabuntong hininga ako at tumango na lamang. Masaya ako para kay Celine na mag o-audition siya ulit. Sana matanggap siya. Sana matupad na niya ang pangarap niyang maging isang sikat na modelo. Sigurado akong matutupad niya iyon balang araw. Sa ganda at tangkad niya, imposibleng walang kumuha sa kanya.

Kinabukasan nagbihis ako ng puting t-shirt at malambot na jeans dahil ngayon kami magpapractice ng sayaw para sa linggo. Ang sinusuot ko kapag pumupunta ako sa simbahan ay kung ano anong pantalon lang at hindi ganito kalambot dahil para lang talaga ito sa pang sayaw ko. Para komportable ako.

Hindi ko pa alam kung saan kami magpapractice pero ang sabi ni Lira, magkita kita nalang kami sa simbahan. Sila nalang daw ang magtatanong kay Pastora kung saan kami pwedeng magpractice. Ang magtuturo sa amin ng sayaw ay si Ate Kay, isa siya sa mga singer sa simbahan.

"Saan daw?" tanong ko nang nakarating.

Nandoon na si Lira, Coline at iba pa naming kasamahan sa pagsasayaw.

"Sa loob daw. Saan ba ang ginagawa?" tanong ni Lira na mukhang nagtataka.

"Sa loob naman ng simbahan yung may ginagawa kaya pwede naman siguro tayo sa likod," sabi ko.

Tumango sila at nagtungo na kami sa loob. Sa labas na kami dumaan para hindi na kami pumasok sa loob ng simbahan, maka abala pa kami sa mga nag gagawa roon.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now