KABANATA 21

76 7 0
                                    

Kabanata 21

Reunion

--

"Isang libo lang!" iritadong sigaw ni Celine.

"Celine--"

"Hinahabol na ako ng babaeng 'yon! Kailangan ko nang bayaran ang utang ko! Dalian mo na, isang libo lang naman, e!"

"Wala pa akong pera. Hindi pa ako nakakapag ipon ng malaki laki--"

"Alam kong mero'n kang pera dyan! Wag mo nang itago, Sha sha. Isang libo lang 'yon wag mo nang ipagdamot!"

"Ano na naman bang ingay 'yan?" si Tita Cecilia na kapapasok lang ng bahay.

"Etong si Sha sha, Mama, ayaw akong bigyan ng pera. Sinisingil na ako ni Aling Marta do'n sa utang ko sa kanya nung nagpaayos ako sa kanya ng buhok sa salon niya! Kailangan ko nang bayaran kundi magkakagulo pa rito!"

"Wala pa po kasi akong pera sa ngayon. Hindi ko pwedeng kuhanan ng pera yung ipon ko. Sapat lang 'yon para--"

"Hoy! Tumatanggi ka na ba talaga ngayon?!" sumugod sa akin si Celine kaya agad akong napa atras.

"Hindi naman sa ganoon, Celine. Naka budget na kasi ang pera ko--"

"Wala akong pakialam kung naka budget na ang pera mo! Kailangan ko ng pera ngayon! Ano? Hindi ka magbibigay? Ang kapal naman yata ng mukha mo? Kung lumayas ka nalang kaya rito? Huh?"

"Celine..."

"Bigyan mo na, Sha sha. Maliit na halaga lang naman ang hinihingi ng pinsan mo," si Tita Cecilia na bumubuga ng usok galing sa sigarilyo niya. Nasa may pintuan siya ng bahay.

Maliit na halaga lang? Para sa akin hindi maliit 'yon! Magiging kaunti na naman ang magagawa kong cupcakes, babalik na naman ako sa umpisa! Kung kailan lumalago na ang ipon ko, tsaka ulit babagsak? Hindi ko pa kaya sa ngayon magbigay sa kanila ng pera! Pang bayad pa lang ng ilaw at tubig ang kaya kong ibigay sa ngayon!

Hindi naman sa nagdadamot ako pero sakto na kasi, e. Naka budget na. Hindi ko na pwedeng galawin ang iba dahil siguradong kaunting cupcakes na naman ang magagawa ko. Nagdagdag pa ako ng ibibigay na pera kay Tita para sa pagkain namin.

"Ano? Hindi ka pa rin magbibigay?" si Celine.

"Celine, sapat na kasi talaga ang--"

"Ang kapal ng mukha mong tumanggi! Ikaw na nga pinapatira dito sa bahay namin! Gusto mo bang palayasin kita, huh?!"

Hindi ako nakapag salita, takot na baka nga palayasin nila ako rito.

"Kung hindi dahil samin, wala ka na dapat tinutulugan ngayon! Ang kapal ng mukha mo e wala ka namang silbi rito!"

"Walang silbi?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Oo, bakit? Totoo naman, ah? Ayaw mo nga akong bigyan ng pera ngayon!"

"Kahit kailan ba tinuring mo akong pinsan mo, Celine?" hindi ko na napigilan.

Natawa siya roon. "Pinsan? Ikaw? In-imagine mo bang mangyayari 'yan?"

Humalakhak siya. Hindi naman ako nakapag salita. Parang may punyal na tumusok sa puso ko.

"Naawa lang kami sayo kaya pinatita ka namin dito! At kailangan ka rin naman para magbayad ng kuryente at tubig! Para na rin may dagdag na pera para sa pagkain! Nang magkaroon naman ng masarap na pagkain! Kaya anong sinasabi mong pinsan?"

Muli siyang natawa.

"Hindi kita kailanman tinuring na pinsan. Nandito ka lang dahil kailangan namin ng magsasalo sa buhay!"

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon