KABANATA 19

72 7 0
                                    

Kabanata 19

Sorry

--

Kinalma ko ang sarili ko sa loob ng aking kwarto. Mabuti nalang wala pa sina Tita Cecilia at Celine. Hindi nila ako nakitang umiiyak.

Huminga ako nang malalim at binaba ang mga cupcakes ko. Nagbihis ako. Ramdam ko pa ang pamamaga ng aking mga mata ngunit kinuha ko na lamang ang cellphone ko para makapag post na sa facebook.

Kalimutan mo na 'yon, Sha sha. Wala lang 'yon. Wala lang 'yon...

Huminga ulit ako nang malalim at nanginginig pa ang kamay na pinicturan ang mga cupcakes ko. Hinawakan ko ang aking dibdib kung nasaan ang aking puso nang natapos 'yon. Kinalma ko ang sarili at huminga nang huminga nang malalim.

Kalimutan mo na 'yon, Sha sha. Kalimutan mo na...

Nag-post ako sa facebook at nagcomment agad doon si Lira. Magde-deliver ulit ako. Sa paraan nalang na 'to siguro ko kalilimutan ang nangyari. Gagawin ko na lamang busy ang sarili ko.

Dala ang maliit na bagpack ay umalis ako ng bahay. Kalahating oras na ang lumipas at sold out na ang mga cupcakes ko. Kailangan ko nang mag deliver.

Nakasuot ako ng kulay sky blue na pantalon at itim na t-shirt. Sa likod ko ang maliit kong bagpack na kulay itim rin.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang umalis.

Maayos akong nakapag deliver sa gabing 'yon. Medyo napagod ako dahil kagagaling ko lang simbahan tapos nagdeliver ako agad. Nagluto pa ako ng hapunan nina Tita Cecilia at Celine bago umalis. Hindi na ako nakapag pahinga. Pero ayos lang. Worth it naman. Kumita ko ng mas malaki ngayong araw.

Madilim na nang pauwi na ako. Hindi na ako sumakay dahil parang gusto ko munang damhin ang malamig na simoy ng hangin. Kahit pagod na.

Tahimik na sa daan. Tanging kuliglig na lamang ang naririnig ko. Sanay na sanay na akong maglakad dito sa lugar namin kapag gabi na kaya hindi na ako natatakot. Tsaka wala namang masasamang tao rito.

Ano kayang ginagawa ngayon ni Benjamin? Hindi ako nagpaalam sa kanya kanina bago umalis. Naisip ko kasi na baka hindi naman na kailangan. Tsaka umiiyak na ako no'n. Ayokong makita niya akong umiiyak. At mas mabuti na rin siguro 'to dahil ayokong masira ang pangalan niya nang dahil lang sa akin. Mas mabuti pang lumayo na kami sa isa't isa.

Medyo nakaramdam ako ng kaunting kalungkutan roon ngunit ngumiti na lamang ako at huminga nang malalim.

Hindi ko hahayaan na masira ang pangalan niya nang dahil lang sa akin. Magkaibigan kami pero siguro ititigil na muna namin 'yon. At tungkol sa sinabi niyang gusto niya ako... baka hindi naman totoo 'yon. Baka nalilito lang siya... ewan ko. Basta ang alam ko... imposibleng magkagusto siya sa akin. Sobrang imposible.

Bumagal ang paglalakad ko nang natanaw sa di kalayuan ang isang pamilyar na itim na SUV sa tapat ng kanto ng Barangay namin. Gabi na at sobrang tahimik na ng paligid. Halos wala nang tao sa labas. Malamig na rin ang simoy ng hangin.

Nakita ko si Benjamin na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan. Nasa bulsa niya ang kanyang mga kamay at pabalik balik ang lakad, patingin tingin sa loob ng kanto, na para bang may inaabangan.

Anong ginagawa niya rito? Hindi ba hindi dapat siya nandito?

Naglakad ako palapit sa kanya at nakita niya naman agad ako. Natigil siya sa paglalakad at lumapit sa akin.

Halos galit ang kanyang mga mata ngunit nakita ko rin doon ang pag aalala.

"Where have you been, Sha sha? Bakit hindi ka sumasagot sa mga chat ko?" tanong niya habang lumalapit sa akin.

The Love (The Trilogy #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें