KABANATA 20

103 7 0
                                    

Kabanata 20

Date

--

Kinabukasan maaga akong nagpunta sa simbahan. May practice ulit kami ng sayaw ngayon kaya rin maaga ako. Dala ko ang mga gamit para sa cupcakes at nilagay ko muna 'yon sa kusina habang nagpapractice kami ng sayaw.

Masigla ako. Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi at sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Benjamin, napapangiti ako. Nakatingin tuloy sa akin si Lira at Coline habang nagb-break time kami. Nakatingin sila sa akin na para bang ang weird ko.

"Something good happened?" nagtaas ng isang kilay si Lira at lumapit sa akin.

Lahat nalang talaga napapansin nila sa akin.

"Wala naman... Hindi ba pwedeng masaya lang?" sabi ko at uminom sa tubig ko.

Umikot ang mga mata niya. "By the way, may dress na ako para sayo. Wag kang tatanggi, ah! Kailangan maganda ka sa party natin!"

"Talaga? Ano namang dress?" excited kong tanong.

"Malalaman mo rin. Basta sa ngayon chill ka muna. Ako ang bahala sayo," kumindat siya sa akin.

Ngumuso ako. Ewan ko ba't wala akong tiwala sa kanya pagdating dito. Excited ako na may dress siya para sa akin pero kinakabahan din ako dahil baka mamaya kung anong dress ipasuot niya sa akin! Hilig pa naman nito ang mga sexy na damit.

"Supportive friend mo talaga 'tong si Lira kahit kailan!" ani Coline. "Ako, paano naman ako? Wala akong dress?"

"Naku! Ang dami mo na kayang dress! Ayokong magsayang ng pera sayo," tawa ni Lira.

"Ang daya!"

Ngumiti ako at nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa nagsimula ulit kaming magpractice. Pawis na pawis ako nang natapos. Pero ayos lang dahil may dala naman akong extrang damit. Nagdadala talaga ako kapag may practice dahil alam kong pagpapawisan ako tapos kailangan ko pang magbake rito. Nakakahiya naman kung pawis na pawis ako magdamag.

Para ko na talagang pangalawang tahanan itong simbahan at ang bahay ni Pastora. Sa totoo lang mas komportable pa ako rito. Sa bahay kasi namin palaging wala sina Tita Cecilia at Celine at naiiwan lang akong mag isa. Dito sa simbahan kahit papaano palagi akong may kasama. Kaya mas gusto ko dito.

Kalalabas ko lang ng bahay ni Pastora nang nakita ko si Benjamin na kapapasok lang galing sa loob ng simbahan. Nilagay ko sa ref ni Pastora ang mga tapos ko nang cupcakes kaya ako nandito.

"Good morning," ngumiti siya nang nakita ako at lumapit sa akin.

Nakasuot siya ng black and white polo shirt at pagkatapos itim na pantalon tapos white shoes. Malinis ang kanyang mukha at preskong presko. Amoy na amoy ko agad ang mabango niyang amoy mula rito sa kinatatayuan ko.

Hindi ko napigilan ang ngiti ko. "Good morning..."

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Katatapos ko lang magbake ng isang box ng cupcakes. Nilagay ko sa ref ni Pastora..."

"Mmm. Mukhang madami na ang bine-bake mo ngayon, ah?"

Pumasok ako sa kusina at sumunod naman siya sa akin.

"Oo... Medyo nag i-improve naman na bawat araw ang business ko," ngumiti ako at humarap sa kanya.

Ngumiti rin siya. "Good to hear that. How are you?" lumapit siya sa akin at bahagyang sumandal sa sink.

"Ayos lang naman. Ikaw?" tanong ko pabalik habang inaayos ang iba ko pang cupcakes.

"Fine too. Katatapos mo lang magpractice, hindi ba?"

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now