KABANATA 38

94 7 0
                                    

Kabanata 38

Girlfriend

--

Pinagmasdan ko ang napaka ganda kong bakery shop sa aking harapan habang may ngiti sa labi. Hindi 'yon kalakihan at hindi rin naman kaliitan. Sakto lang. May tatlong pang dalawahang table sa loob at pwede ka ring kumain o tumambay sa labas. Mga cupcakes, cakes, coffee and tea ang tinda.

Wow... nasabi ko sa aking isipan. Sa wakas pagkatapos ng ilang taon...

Hindi ako makapaniwala na natupad ko na ang pangarap kong makapag patayo ng sarili kong bakery shop. Sobrang tagal man ay worth it pa rin dahil sa lahat ng kinalabasan ng pinaghirapan ko.

Medyo naging matagal ang pagpapatayo ko ng shop. Si Benj kasi ay gustong magandang maganda ang shop ko. Sinunod niya lahat ng design na gusto ko para doon at medyo ginandahan niya lang ng kaunti. Masayang masaya naman ako dahil mas lalo ngang gumanda dahil sa kanya!

Ngayon ang tanging hiling at pangarap ko nalang ay sana maging successful ito. Iyon lang at sapat na sa akin ang lahat. Para sa akin, kapag nangyari 'yon, natupad ko na nang tuluyan ang pangarap ko.

Ngumiti ako at nilingon si Benj na lumapit sa akin. May ngiti sa kanyang mga mata habang tinititigan ako. Nadi-distract man sa fresh at mabango niyang amoy tsaka sa napaka presko niyang mukha, ngumiti pa rin ako pabalik at tiningnan ang shop kong handang handa na.

"You love it?" tanong ni Benj habang titig na titig sa reaksyon ko.

"Sobra..." mangha ko pa ring nasabi.

"Hmmm... I'm so proud of you..." bulong niya at hinalikan ang pisngi ko.

Gusto kong mahiya. Nilingon ko siya. Nagtaas siya ng isang kilay nang nakita ang pamumula ng pisngi ko. Pero ang totoo, masayang masaya ako sa sinabi niya.

"Thank you," sabi ko at ngumiti.

Bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Kumalabog agad ang puso ko. Wala akong ibang maramdaman kundi saya lang ngayon ngunit dahil sa kanya ay nakakaramdam pa ako ng kung ano ano.

"You're welcome..." anya at pagkatapos pinatakan ng isang marahang halik ang aking labi.

Suminghap ako. Nagkatinginan kami pagkatapos ng isang halik na 'yon. Kahit nahihiya ay hindi ko pa rin napigilan ang aking ngiti. Gano'n din siya. Pinagdikit niya ang aming mga ilong at bahagya siyang tumawa. Napailing ako at mas lalo pang napangiti.

"Congrats!" sunod sunod ang pagbati ng mga kaibigan ko pagkatapos buksan ang aking shop for the first time.

"Thank you! Hi!" kumaway ako sa ibang nakitang kaklase noon.

"Grabe! I'm so proud of you! Dati sinasabi mo lang sa akin 'to! Ngayon, natupad mo na talaga!" niyakap ako ni Coni.

Mas lalo akong napangiti at binati pa ang ibang naroon. Si Mama ay proud na proud na nakatingin sa akin, pinapanood lang ako. Nandoon din si Benj at ang marami ko pang kaibigan. Si Pastora rin ay naroon.

Pagkatapos ng masayang opening ay nagsimula na ang seryoso kong pagtatrabaho sa shop. Hindi naging madali 'yon lalo na at first time ko. Pero matagal ko na 'tong pinaghahandaan kaya kahit papaano inasahan ko na ang mga kaunting problema.

Buwan ang nagdaan at dumami nang dumami ang nagpupunta sa shop ko. Pero syempre, hindi naman lagi maraming tao. Minsan kaunti lang, at minsan marami. May mga oras na maraming tao at may mga oras na kaunti lang ang pumupunta.

Tulad nalang kapag uwian ng mga high schools, since malapit ang shop ko sa school nila, sa amin sila tumatambay at bumibili ng meryenda tuwing uwian. Sa gabi naman ay doon kumokonti ang mga tao. Sa umaga ay kaunti lang din pero sapat na 'yon.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now