KABANATA 27

88 5 0
                                    

Kabanata 27

Cupcake

--

"Sha sha!" pagtawag ng mga kaibigan ko.

"Oh? Bakit?" nakangiti kong tanong habang busy sa mga dalang box.

"Iyan na ba yung mga cupcakes para sa birthday ni Ayana?" tanong ni Rosalie, tinutukoy ang anak na babae ng Mayor.

"Ah, oo. Dadalhin na namin doon dahil mamaya na ang party. Dadalo ba kayo?"

"Hindi, e. Hindi kami imbitado..." malungkot na sinabi ni Layka.

Nalungkot ako para sa kanila. Hindi naman din dapat kami imbitado pero dahil kami ang gumawa ng cupcakes nila ay syempre imbitado kami.

"Wag kayong mag alala, magkukwento ako sainyo. Sasabihin ko lahat ng makikita ko!" sabi ko.

Ngumisi ang nakahalukipkip na si Yen. "Kapag may nakita kang gwapo, bigay mo number ko, ah!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw talaga! Oo na! Dadalhan ko na rin kayo ng pagkain kung gusto niyo."

"Wag na! Nakakahiya 'yon! Pang mayaman na kainan 'yon, Sha sha, ano ka ba!" si Rosalie.

Humalakhak ako. "Sinasabi ko lang naman dahil baka gusto niyo."

Naging abala na ako sa mga cupcakes kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. Hinayaan na nila ako. Umaga palang ngayon pero kailangan na naming dalhin ang mga cupcakes sa bahay ni Mayor. Doon din kasi gaganapin ang birthday ng kanyang anak.

"Magandang umaga po!" bati namin ni Mama sa mga kasambahay nang nakarating kami sa bahay ni Mayor.

"Magandang umaga, Felicia, Natasha! Halina kayo, ilagay niyo rito ang mga cupcakes."

Nag aayos na agad ang lahat. Mukhang malaki ngang birthday party 'to. Anak ba naman ng Mayor. Sino sino kaya ang dadalo? Siguradong malalaking pangalan ng Palawan ang dadalo rito.

"Wow! Ang ganda naman ng dress mo, Sha sha! Sa'n mo nabili?" papuri ng Mayordoma ng mansyon nina Mayor.

Ngumiti ako. "Thank you po. Sa palengke lang namin nabili ni Mama 'to. Mga mura po roon pero magaganda!"

"Naku! Sisimulan ko na nga ang pagbili sa palengke. Gusto pa naman ng anak kong babae ang mga ganyang klase ng dress. Yung mahaba, parang dalagang pilipina!"

Ngumiti ulit ako at nakipag kwentuhan pa sa kanya sandali. Hanggang sa nagpaalam na siya dahil maraming aasikasukhin. Kasabay noon ang paglabas ni Carter sa mansyon, ang anak na lalaki ng Mayor. Ngumiti agad siya nang nakita ako.

Nagkakilala kami noong sinama ako ni Mama rito para mag part time. Nag ayos siya sa hardin na nasa likod ng mansyon ni Mayor at syempre tumulong na rin ako.

Mabait si Carter. Unang kita palang namin sobrang bait niya na sa akin. Hindi ko alam pero mabilis siyang naging friendly. Akala ko nga masungit siya dahil ang sabi sabi mahirap lapitan ang anak na lalaki ng Mayor. Hindi naman pala.

Magkasing edad lang din kami. Ang sabi niya nagtatrabaho siya sa Maynila pero umuwi rito para lang sa birthday ng kanyang kapatid. Kaya pala hindi ko siya nakikita noon.

"Oh! Magandang umaga!" ngiti ko rin kay Carter.

"Mmm, good morning! Mukhang busy ka, ah?" lapit niya.

"Oo, e. Gusto ko ring tumulong sa pag aayos."

"Kanina ka pa rito?"

"Kararating rating lang namin ni Mama. Nandoon siya at tumutulong din," sabay lingon ko kay Mama na tinutulungan ang Mayordoma.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now