KABANATA 1

149 10 0
                                    

Kabanata 1

Cupcakes

--

Eleven ng umaga natapos ang samba. Nakakahiya man ang nangyari kanina, nagawa ko pa ring sumayaw ng maayos kahit pa nanonood ang pamilya ni Benjamin lalo na siya. Sa tuwing sumusulyap ako sa kanya, nakikita kong nakatingin siya at kabadong kabado ako dahil baka iritado pa rin siya sa nangyari kanina.

Pero humingi na ako ng pasensya. Siguro naman ayos na iyon tsaka hindi ko naman sinasadya. Hindi ko alam na nandoon siya sa likod ko at hindi ko naramdaman ang presensya niya.

Pagkatapos magpaalam sa mga kakilala, nagtungo ako sa likod ng simbahan para makapag simula nang mag bake. Sana makabenta ulit ako ngayong araw para hindi na magalit sina Tita Cecilia at Celine sa akin. Kahit naman ganon ang trato nila sa akin, gusto ko pa rin na magustuhan nila ako at... mahalin.

Wala na akong mga magulang at nandyan man ang mga kaibigan ko tsaka si Pastora, gusto ko pa ring maramdaman ang pagmamahal nina Tita Cecilia dahil kapatid siya ng Nanay ko at pinsan ko si Celine. Mahalaga sila sa akin at gusto ko ring ituring nila ako na para na nilang pamilya.

Gusto ko ring mahalin nila ako.

Nakita kong lumabas si Andrew sa banyo habang inaayos ko ang mga gagamitin ko para sa pagba-bake. Nakita niya rin ako at agad siyang lumapit. Ang nakasanayan ko nang ngisi na nasa kanyang labi tuwing nakikita niya ako ay muli ko na namang nakita.

"Magba-bake ka ulit?" tanong niya nang nakalapit.

"Oo," sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"Kung ganon ngayon palang magpapa reserve na ako. Isang box ng cupcakes," anya.

Nanlaki ang mga mata ko at agad natuwa sa sinabi niya. "Talaga?"

"Yup. Hinahanap ng Lola ko ang cupcakes mo simula nang ipatikim ko sa kanya."

"Sige! Dadalhin ko sainyo mamaya," nakangiti kong sinabi.

Tumango siya at ngumisi. Kinurot niya ang pisngi ko. "Mauna na ako."

Tumango ako at muling ngumiti sa kanya. Kumaway ako. Nang naka alis siya ay hindi na matanggal pa ang ngiti sa aking labi. Ang laking tulong talaga ng mga kaibigan ko. Sobrang nagpapasalamat ako! Lahat sila gustong bumili!

"Naku! Maraming salamat talaga. Malaking tulong ito para sa simbahan..." narinig ko si Pastora sa likod.

May ngiti pa sa labi ko nang nilingon ko siya. Pero unting unti ring nawala iyon nang ang seryosong mga mata ni Benjamin ang nasalubong ko. Nandoon rin ang kanyang mga magulang na siyang kausap ni Pastora.

Napakurap kurap ako.

"Walang anuman. Masaya kaming makatulong sainyo at simula ngayon dito na rin kami magsisimba. Nagustuhan rito ng anak ko..." ang ina ni Benjamin at tumingin sa kanyang anak habang may ngiti sa labi.

Binalik ko ang aking paningin sa ginagawa nang nagtagal ang titig ni Benjamin sa akin. Napalunok ako. Ano kaya ang binigay na tulong ng pamilya niya? Sigurado akong malaki iyon dahil mayaman sila at sobra sobra ang pasasalamat ni Pastora.

Muli akong tumingin sa aking likod at nakitang kausap na ni Pastora si Benjamin. Bahagyang ngumiti si Benjamin kay Pastora habang hindi ko na naririnig ang mga pinag uusapan nila dahil bahagya na silang lumayo.

Naalala ko na naman ang kahiya hiyang nagawa ko kanina. Napatingin ako sa t-shirt ni Benjamin na kulay grey. Hanggang ngayon guilty pa rin ako sa nangyari pero nagsorry na ako kaya ayos naman na siguro iyon, diba?

Lumipat ang mga mata ni Benjamin sa akin. Mabilis kong binalik sa ginagawa ang mga mata ko. Pumikit ako ng mariin at pinagalitan ang sarili sa isip isip. Anong ginagawa mo, Sha sha? Dadagdagan mo na naman ang kahihiyan mo!

The Love (The Trilogy #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum