KABANATA 15

81 7 0
                                    

Kabanata 15

Like

--

"Andrew, may problema ba?" tanong ko nang napansin kong kanina pa siya seryoso at suplado sa akin.

Pauwi na ako at hinihintay nalang si Benjamin na may ginawa sandali sa loob ng simbahan. Dala ko na ang mga cupcakes na binake. Si Pastora ay nasa loob rin ng simbahan, tinitignan ang mga nangyayari roon.

Huminga ng malalim si Andrew at kumunot na ang noo. Tumingin siya sa akin. Kinakausap ko siya pero tipid lang siyang sumasagot, kanina pa siya ganito. Medyo galit bang sumagot kaya hindi ko na napigilan ang pagtatanong.

"Hindi ko lang maintindihan, Sha sha," mas lalong kumunot ang noo niya. "Bakit kailangang sa kanya ka sasabay?"

Inalok na naman kasi ako ni Benjamin na siya na ang maghahatid sa akin ngayong araw at hindi na ako tumanggi. Naibigay ko na rin ang strawberry cupcakes ni Andrew at inalok akong ihatid pero tumanggi ulit ako sa kanya dahil naka oo na ako kay Benj.

Kung ganon hindi pa pala siya tapos rito. Ito pa rin pala ang kinatatampo niya. Huminga ako ng malalim.

"Andrew, hindi na kasi ako nakatanggi. Naka... oo na ako sa kanya..." naalala kong ito rin ang dahilan ko sa kanya noon.

Totoo naman kasi. Naka oo na ako kay Benj kaya hindi na pwedeng umatras nang dahil lang may nag aalok na iba na ihatid ako. Hindi magandang tingnan ang ganon.

"Pero bakit palagi kang pumapayag? Pinagkakatiwalaan mo na siya?" kunot noong tanong ni Andrew.

"Oo... Magkaibigan naman na kami, Andrew..."

Tumawa siya pero hindi ko makita ang totoong tawa roon.

"How did you get so close to that man and become comfortable with him right away? Oo, tumutulong siya rito sa simbahan pero hindi natin sigurado ang ugali niyang lalaking iyan! Baka mamaya may gawing masama yan sayo tapos--"

"Andrew!" pigil ko nang tumataas na ang boses niya. "Hindi ganyan si Benjamin. Mabait siya at--"

"Paano ka nakaka siguro? Dahil mabait siya sayo? Malay mo kinukuha niya lang ang loob niya para makagawa ng masama sayo? With you being so innocent, Sha sha, hindi magiging imposible iyon!"

"Andrew..." hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis mo siyang pinagkatiwalaan! Ako ang kaibigan mo kaya bakit sa kanya ka nalang palagi sumasabay ng ganito? Do you trust him that much now, huh?" mas lalong tumataas ang boses niya.

"Andrew, nasa simbahan tayo..." sinusubukan ko siyang pakalmahin.

"I'm just protecting you! Baka may gawing masama sayo ang lalaking iyon!"

"Hindi ganyan si Benjamin, Andrew. Please, makinig ka muna sa akin. Ihahatid niya lang naman ako at--"

"Malay ko ba kung saan ka dalhin niyan? Ano bang iniisip mo? Bakit ba ang bilis mong nagtitiwala sa mga kagaya niya? Dahil mayaman? Dahil may magandang kotse? Dahil tumutulong rito sa simbahan?"

"Andrew, hindi ganon. Mabait si Benjamin--"

"Mabait siya sayo dahil kinukuha niya ang loob mo!"

Hindi na ako nagsalita. Hindi ako sigurado kung mapapakalma ko ba siya ngayon.

"Masyado kang inosente kaya ginaganito ka niya! Kinukuha niya ang loob mo para magawa niya ang kamunduhang iniisip niya, Sha sha!"

"Wag ka namang manghusga ng kapwa, Andrew. Please... bukas nalang tayo mag usap--"

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon