Chapter 1: Class President

650 15 5
                                    

Chapter 1

Class President

Kylie's.

"Kylie!"

Nilingon ko ang babaeng tumawag sa'kin na hingal na hingal habang nakahawak pa sa dalawa niyang tuhod.

"Gosh, kanina pa kita hinahanap!" sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa kong pagdradrawing. Nandito ako sa garden ng Cambridge Academy, ang school namin. Nakaupo ako sa paanan ng puno habang nagdradrawing sa likod ng aking maliit na notebook.

This is our first day in our new school year and I'm a Grade 12 student taking up Accountancy, Business and Management strand.

Humalukipkip si Mitchie sa harap ko. Nakikita ko siya sa aking peripheral vision pero nakatuon lang ang buong atensyon ko sa dinadrawing na bulaklak. Well, I'm not good in drawing so a flower would do to keep myself busy.

"Hoy, Ms. President ng Supreme Student Government! Wala ka po bang balak pumasok?"

Sabi ko na nga ba at kaya pumunta ang babaeng 'yan dito ay para papasukin ako. She's my best friend, by the way.

I don't want to attend a class yet. Paniguradong class officers election sa amin ngayon. Palagi naman iyon ginagawa tuwing unang araw ng klase. We knew each other already so there's no need to introduce ourselves. Mga transferees lang ang nagpapakilala sa harapan.

At kaya ayoko pang pumasok dahil ayokong manominate bilang class president. Simple lang, ayoko ng mastress. Gusto ko ang maging ordinaryong estudyante naman dito sa Cambridge. For my five years of being a student here, I have always been the class president. At dahil huling taon ko na ito sa pagiging high school, gusto kong maging ordinaryo naman... at bigyan ng tyansa ang iba na maranasan maging president ng klase.

"Ayoko pang pumasok, Mitch."

"What? Ikaw ba talaga 'yan, Kylie? Where's your competitive side?" mapanuya niyang tanong habang natatawa pa. "E, 'di ba, gusto mo lagi mag-president?"

I shifted my attention to her and smiled. "Well, ayoko na. I want to be something new and that is being an ordinary."

"We're 30 minutes late, Ky!" nagmamadali niyang sabi, hindi na pinansin ang sinagot ko sa kaniya.

Ibinalik ko na ulit ang atensyon sa dinadrawing. Malapit na itong matapos at isang petal na lang ng bulaklak and I'm done already!

Pero ayoko pa rin pumasok. Pwede akong magdrawing ng puno naman, mga halaman, ibon—uubusin ko na ata lahat ng nakikita ko rito sa garden.

"So what, Mitch? Let them elect whoever they want. Patatapusin ko na lang muna ang election sa klase bago ako umalis dito."

Nabitawan ko ang lapis na hawak nang bigla akong hilahin ni Mitchie sa kamay para patayuin.

"Tara na, pasok na tayo!" she whinned like a child habang hinihila ang aking kamay pero nanatili pa rin akong nakaupo sa lupa, sa paanan ng puno.

Sa sobrang kulit niya, sumuko rin ako at inirapan siya ng pabiro. Kaya naman sa huli, wala rin akong nagawa kung hindi ang sumunod.

"Fine, fine! Aayusin ko lang gamit ko."

Kapag kasi hindi ako pumayag sa gusto niya ay lalo niya lang akong kukulitin... and, she wouldn’t stop until she persuades me.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay lahat sa bag.

Pagkatayo at pagkasuot pa lang sa ‘king bag, hinila na agad ako ni Mitchie habang tumatakbo kaming dalawa. Seriously?

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now