Chapter 25: Weekend

78 5 0
                                    

Chapter 25: 

Weekend




Mitchie's.

Today is the start of weekend!

Palagi akong excited sa araw na ito dahil dito lamang ako nakakapagpahinga sa mga school works pero dahil graduating na kami sa Senior High School, kahit sa weekend, may mga tinatapos kaming requirements.

But, today’s different!

I am free this weekend! At hangga’t maluwag pa ang schedule ko, gusto ko naman na may pagka-abalahan.

Weekends! 

I laid my body in the soft mattress of my bed while staring at the ceiling and thinking of where to spend my time.

Shopping? Medyo nagsasawa na ako. Masiyado na rin ako maraming damit, sandals and bag. Ito na rin palagi ang ginagawa ko tuwing weekend.

Should I pamper myself? I checked my nails and okay pa naman siya. Naalala ko na kaka-manicure and pedicure ko lang pala three days ago.

Ayoko rin muna magpa-dye ng hair dahil gusto ko sanang black hair ako sa graduation namin. My hair is currently in blonde, I will get it back to black once our graduation is approaching.

Wala akong maisip na puwedeng gawin kaya hinablot ko na lang ang macbook ko at dumapo sa kama. Manonood na lang siguro ako ng Netflix. I deserve this kind of rest and chill.

Nagscroll ako ng movies hanggang sa makita ko ang Kissing Booth. Hindi ko pa ito napapanood pero madalas ko ito makita sa 'king Facebook feed na pinag-uusapan ng mga kaklase ko.

I cliked the play button and went to my mini refrigerator to get a ferrero rocher before getting back on bed agad to watch this romantic comedy movie.

Sa simula pa lang ng video, naging interesado na ako sa buhay ng bida. Nalungkot pa ako sa part na maagang namatay ang mama niya... the most saddest thing in the world is to lose a loved one. Iniisip ko pa lang iyon ay nasasaktan na ako, lalo na siguro kapag nangyari sa ‘kin.

Pinagpatuloy ko ang panonood at maraming eksena na panay ang tawa ko dahil sa friendship ni Elle at Lee. It’s nice to have a guy best friend that will get along with your craziness.

Hanggang sa dumating ang part na naging in a secret relationship sila Elle and Noah, ang kapatid ni Lee. Makakarelate na sana ako pero pretend relationship ang kaso namin ni Justin.

Now, I don’t know what’s worst. Being kept as a secret or being treated as a fake girlfriend?

Kahit binagabag ako ng isiping iyon, tinapos ko ang panonood at halos maluha ako sa naging ending dahil nagkahiwalay ang landas ni Elle and Noah. They still continued their long distance relationship, though.

Magkakaroon pa pala ito ng Part 2 at dahil na-enjoy ko ang unang part, panigurado na panonoorin ko ang part 2.

The movie already ended, but I am still staring at the screen. What now?

Nagstretch na lang muna ako sa kama bago sumalampak muli at kinalikot naman ang phone ko para mag social media. I decided to also post in my Instagram story.

Pinakita ko ang box ng ferrero rocher kung saan may tatlong chocolate sa loob, samantalang ang macbook ko ang naging backgroud with the Netflix app displayed on it.

I posted it in my Instagram story. Marami agad ang naging viewers at minsan lamang ako tumingin doon pero dahil bored ako, nagscroll ako sa mga viewers.

My eyes widened and I blinked a lot of times to check if what I’m seeing is real. Justin just viewed my story!

But, we’re not following each other!

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now