Chapter 45: Second Semester

50 3 0
                                    

Chapter 45:

Second Semester



Mitchie’s.

Days passed by like a blur. After Justin’s confession in Tagaytay, parang bumalik ulit sa normal ang buhay ko, nakakulong sa kwarto at hinintay matapos ang buong araw bago mag-Lunes. Hindi ko pa nabigyan ng sagot si Justin pero aniya maghihintay raw siya. Ayoko rin muna siyang bigyan ng sagot in this kind of state. Aaminin ko na nabigla ako and until now I still can’t believe he confessed those words.

Una, hindi ko alam kung anong mararamdaman. I don’t know if I should feel mad about him because he fooled me from the very start. Niloko niya ko at dinamay niya pa ang parents niya dito. But there is a part of me that understands his situation and feelings. It really must have take him a lot of courage to confessed his feelings at me. Pangalawa, hindi ko alam kung dapat ba kong maguilty dahil wala akong naibigay na maayos na sagot sa kaniya noong araw na iyon. I just told him I need time. And he just nodded at me and told me he understand me. But I can see the anticipation in his eyes, and I think I disappointed him in my answer.

Naigulo ko tuloy ang buhok ko. Lunes na ngayon at simula na ng second semester. Hindi ako makabangon dahil binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ni Justin sa’kin sa Tagaytay.

Later on, I heard a knock on my door and it suddenly opened, revealing my Dad behind it.

He gave me a smile. “Good morning, princess.”

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakahiga sa kama. Hindi rin naman siya lumapit at nanatili lang nakatayo sa hamba ng pinto. He let out an exasperated sigh when he noticed, he didn’t received a greet from me. “I have realized these past few days that you became distant at me, princess. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo sa Mommy mo. I understand your anguish… towards me. I’m sorry I didn’t explain further about my sudden leave in this house without your permission. Hindi ko ipinapaalam sa iyo na pumupunta ako sa States para bisitahin ang Mommy mo dahil ayaw niyang ipaalam sa iyo. I hope you also understand, princess.”

Alam ko na ang bagay na iyan at hindi iyan ang ikinagagalit ko. Hindi niya pa talaga alam na alam ko na ang tungkol sa babae niya. It is disgusting to think that I have a cheater Dad. For their almost 20 years of marriage, I can’t believe, he is able to do that. Naikuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng kumot.

Hindi ko ulit siya inimik kaya napabuntong-hininga na naman siya. “I am just giving you time to mourn pero hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin ako papansinin? Come on. I miss you so much, my baby.”

He spread his arms for me to hug. Tuluyan na siyang lumapit sa’kin at marahan akong niyakap. I didn’t hugged him back. Hangga’t hindi umaamin sa’kin si Papa, patuloy ko siyang hindi papansinin. At kapag umamin siya… pinagpaplanuhan ko ng bumukod. I don’t wanna live in the same house with him.

“Ang tagal mo akong hindi pinansin, nawalan tuloy ako ng balita sa’yo. You didn’t told me about your suitor. Nakakatampo iyon, anak.”

I creased my eyebrows. Okay, he got my attention now.

“Suitor?” hindi ko alam na naisatinig ko na pala iyon.

He chuckled. “Iyon lang pala ang magic word para mapansin mo ako? Yes. You have a suitor, Mitch, and he is waiting for you downstairs. Kaya nga kita inakyat dito para tanungin sana tungkol sa kaniya pero hindi mo naman ako pinapansin.” Hindi ulit ako nakapagsalita at iniisip kung paano nakapunta at nakapasok si Justin dito kahit alam niyang nandito si Daddy? O hindi niya ba alam na hindi pa ito umaalis? O naglakas-loob na siyang nagpaalam sa Tatay ko ngayon?

“It’s okay to have suitor, Mitch. Ang importante ay alam ko. And he personally told me he’s courting you. But, it’s fine, I understand. Nagdadalaga na ang prinsesa ko.” He chuckled again and gave me one last hug. “Bumaba ka na rin at naghihintay siya doon.” he leaned in and kissed the top of my head.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now