Chapter 21: Celebration

119 9 4
                                    

Chapter 21:

Celebration

Mitchie's.

Pagkatapos manood ay hindi na namin napansin na nakatulog na kami ni Kylie. Nakadantay ang ulo ko sa balikat niya at nakahiga naman siya sa sofa pillow. Nagising na lamang kami at ganun ang pwesto namin.

Hala. Anong oras na kaya?

At 'tsaka nasaan ang dalawang lalaki?

Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil nakapatay na ang Smart TV. Nag-unat naman si Kylie at tiningnan din ang paligid nang mapansing parang kami lang dalawa dito sa bahay.

"Nasaan sila?" tanong ni Kylie dahil parehas kami ng iniisip.

Tumayo ako kaya sinundan ako ni Kylie. Naisip ko tuloy na baka umuwi na sila dahil baka akala nila tapos na ang celebration at wala ng gagawin maliban sa kakain lang kami ng cake?

Nalungkot ako bigla lalo na nang hindi sila mamataan sa kusina. Dito kami dumiretso ni Kylie dahil naisip namin na baka nagutom sila.

Ang tahimik ng buong kabahayan, parang walang tao dahil kahit ang maids namin, hindi ko makita.

Nakasunod lamang sa'kin si Kylie kung saan ako pupunta. Pinuntahan ko na rin ang tapat ng bahay pero kahit ang guards, wala rin doon. Nagsimulang manghina ang tuhod ko. Tinatapik ako ni Kylie pero hindi ako makalingon dahil sa totoo lang ay naiiyak ako sa sitwasyon kaya hindi na lang ako nagsasalita.

Ang daming pumapasok sa isip ko na baka umalis na nga ang dalawa dahil nakatulog lang kami ni Kylie sa sofa dahil sa pagod magbake ng cake.

Tinatawag ako ni Kylie pero hindi ko siya nililingon dahil oras na magsalita ako, tingin ko ay tutulo na ang luha ko. Nararamdaman ko na ang pagbubukol ng aking lalamunan.

Gusto ko lang naman maging masaya sa birthday ko bakit ganito ginagawa nila sa'kin? Ipinangako ko pa naman na dapat masaya lang ako ngayong araw pero kung ganito ang mga nangyayari, hindi ko maiwasan maging malungkot.

Kinalabit na ako ni Kylie at pinaharap sa kaniya. Nanginig ang labi ko hanggang sa hindi ko na kinayanan at bumuhos ang mga luha ko sa harap ni Kylie.

Nagulat siya pero agad akong niyakap. “Bakit ka umiiyak diyan?” tumawa siya pero lalo lamang akong humagulgol.

“Baka umalis na sila kaya tayong dalawa na lang dito.”

“Mitch... hindi sila aalis ng hindi nagpapaalam. Tara na, hindi pa natin nacheck ang garden n’yo, ano ka ba? Baka nandoon lang sila.”

Inakbayan ako ni Kylie habang nakayakap naman ako sa bewang niya. Naririnig ko ang munti niyang mga tawa dahil sa biglaan kong pag-iyak kaya napanguso tuloy ako.

Tama si Kylie at hindi ko naisip i-check ang garden na nasa likod ng bahay namin. Napa-awang ang labi ko nang nasa bukana pa lang kami ng glass door patungo sa garden.

The garden is full of blue petals in its grassland. There is also an alley in the middle of the garden and there are small rocks at the both side of the alley. At the end of the alley is a man sitting there which I think was behind this beautiful surprise.

I gaped and covered my mouth in surprise. Biglaan na namang nagtuluan ang mga luha ko, nanumbalik sa ‘king alaala ang paghahanap sa kanila pero it turned out na nandito lang pala sila sa garden at may hinandang surpresa para sa ‘kin. Lalong bumuhos ang luha ko sa isiping iyon!

Kylie was laughing beside me, lumakas lalo iyon nang umiyak din ako lalo. “Well, your cries just made their surprise successful. Wala akong alam dito at mukhang effective ang ginawa nila dahil napa-iyak ka nila!”

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now